Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Nagsangla ng motor nang walang kasulatan

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Nagsangla ng motor nang walang kasulatan on Mon Feb 20, 2012 12:24 pm

geulia gamefowls


Arresto Menor
Magandang araw. Yung kakilala/kapitbahy ko ay may dinala sa akin na mag asawa para i-sangla ang motorsiklo nila. Nagkasundo po kami sa tubo na 10 percent at takdang panahon ng pag tubos kahit walang kasulatan. 10,000 po ang halaga ng sangla.

Bago dumating ang napagkasunduan na takdang araw ng pagtubos, bumalik sa akin ang mag asawa at nakiusap na kung maaari ay mahiram muna nila sa akin ang rehistro(OR/CR) ng motor na isinangla nila para mailipat ang sangla ng mas malaking halaga sa relative nila, para mabayaran na nila ako. Pumayag ako dahil maiiwan naman ang motor sa akin , at basta ibalik lang nila sa akin ang papeles kung hindi makakuha ng bagong pagsa-sanglaan.

Ang problema wala na akong narinig sa kanila at 3 weeks na ang nakalipas simula ng hiramin ang rehistro. hindi na rin sumasagot sa call at txt. mahirap na silang hagilapin. Ano po ba ang dapat kong gawin dahil duda ako na naisangla na nila ang papeles kahit nasa akin na pa ang motor. May laban po ba ako (para makuha ang pera na ipinahiram ko) kung may mag claim na tao at sabihin na sila ang may karapatan sa motor at hawak nila ang legal na documents nito?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum