Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

child abuse cases please share

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 child abuse cases please share on Thu Feb 23, 2012 12:29 pm

fierry_jamila


Arresto Menor
1 tanung ko lang po meron na po ba dito ang nanalo sa kaso ng child abuse related to physical injury?
2 pashare naman po kung anu ung mga pangyayari para po kasing wala akong nakikitang may nanalo na sa case nila eh?
3 what are the basis na child abuse nga due to physical injury ang ginawa mo? i mean ung level po ba what if kinutusan mo siya dahil binato ka at wala namang deep damage is that automatically consider as child abuse related to physical injury? please po reply po kayo any experience and share is appreciated po thanks

View user profile

2 Re: child abuse cases please share on Thu Mar 15, 2012 5:10 am

fair_justice


Arresto Menor
Share ko lng po ang reklamo ng kapitbahay namin sa aking ama. Nagsumbong ang apo ng kapitbahay namin sa lola niya na siya raw ay sinabihan ng gago ng aking ama. lumabas ang lola ant nagpupuputak sa labas nila narinig ng kapatid ko ang problema at agad itong sinabi sa tatay ko. nagulat ang aking ama dahil hindi niya pinagsabihan ng gago ang 6 na taon n bata, bagkus ang pamangkin ko ang kanyang pinagagalitan at siyang kaharap ng aking ama at hindi ung bata. pinuntahan ng tatay ko at kapatid ko ang nagpupuputak na lola sa labas ng bahay nila pinapalabas nila ito upang kausapin na hindi niya sinabihan ng gago ang apo niya, naroon sa labas ang kanyang anak at nag wika n lamang ng "putang Ina" sabay pasok sa kanilang bahay, wala man lang lumabas sa kanila. pagkatapos ng 2 araw nakatanggap ang aking ama ng imbitasyon sa baranggay siya ay kinakasuhan ng child abuse. nung nasa baranggay na po. magkahiwalay sila ng kinausap ng lupon ang sabi sa tatay ko humingi na lang ng pasensya para matapos na ang kaso. sumang-ayon naman ang aking ama. ngunit pagkahingi namin ng kopya ng buod ng pagpupulong nakalagay doon na humihingi ang aking ama ng paumanhin sa lahat ng kasalanan na gawa at ang desisyon ng nagrereklamo ay pagdedesisyonan pa niya kung patatawadin kaya nagkaroon pa ng susunod na pagpupulong.
nais ko po isangguni at makahingi ng payo sa mga sumusunod:
1. una, yung batang nagsumbong sa kanyang lola na akalang sinabihan ng gago, ni hindi natakot, umiyak, patuloy pa rin naglalaro sa harap ng bahay namin at nung araw na iyon lumabas at sinabi sa pamangkin ko ipakukulong daw nila ang ama ko. yan po ba ang child abuse?
2. maaari po b namin kasuhan ng pambabastos ang anak ng lola sa kabila ng pakiusap n lumabas ng bahay nila upang malaman na hindi naman sinabihan ng gago ang apo nila bagkus nagmura lang sa akin kapatid at ama.
3. tama po ba ang ginawang pag aksyon ng lupon sa hearing? hinayaang pagdesisyonin pa ang kabilang partido sa kabila ng pagkukumbaba ng aking ama.
4. pagkaso child abuse hindi po ba dapat mayroong social worker upang kilatisin ko ang bata ay talagang na abuse.
5. maari po ba din namin kasuhan ang bata dahil sa patuloy na pang aaway sa aking pamangkin na 7 years old ito ay binabasa at nagbabad finger?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum