Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

BUNGA NG PAGKAKAROON NG KABET NG TATAY KO AY ANG PAGPAPABAYA SA AMING MGKAKAPATID

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

gellaine25


Arresto Menor
Attorney, nais ko lamang pong malaman kung ano po ba ang dapat nming gawin, dahil po ang aking tatay ay may kabet at ngsimula ito apat na taon na ang nalalilipas. Ang mama ko po ay nagtrabaho po sa ibang bansa bilang OFW, apat na taon na din po ang nakalilipas hanggang ngayon po ay nagtatrabaho pa din po siya sa ibang bansa. Bale ang bunga po ng pagkakaroon ng kabet ang tatay ko ay pagpapabaya sa aming magkakapatid. iniiwan iwanan nya po kmi nung nagsimula po siya magkaroon ng kabet, at pag badtrip po sya sa kabet nya ay kmi po mga kpatid ko ang pinagdidiskitahan. Binubugbog nya po kmi, ayaw nya po na magsusumbong po kmi sa nanay nmin. At ang pinapadalang pera ng aking ina ay ginagasta nya lamang sa kabet nya. dumating din po sa puntong nalaman na po ng aking ina sa ibang bansa ang gnagawa ng aking ama, kaya ang perang pinapadala ay sa akin na po pinapadala dahil ako po ang panganay sa aming magkakapatid. Ang tatay ko po ay hndi ngtratrabaho ni hindi nya din po kmi tinutulungan sa bahay at lagi lang siya nasa kabet nya. Ng makalipat kmi ng bahay na nabili ng mama ko, hndi n nmin dapat siya isasama sa pag lipat nmin ng bahay, kasi nga po sa mga pagmamalupit nya at kairesponsable nyang gawain o pagpapabaya. Pero siya ay sumama padin sa paglipat nmin ng bahay(dahil malaki pa din ang pakinabang nya sa amin, ninanakawan nya kmi ng mga kailangan nyang bagay) edi tinanggap siya ng mama ko binigyan pa din siya ng chance. Pero hndi nagbago ang kanyang gawain. then lately, nakakuha na po ako ng ebidensya na magpapatunay na may kabet nga po siya(pictures, text messages) sa cellphone nya, at ipinaalam ko sa aking nanay. At sya ay pinaaalis na ng tuluyan sa bahay. sabi nya, aalis na daw xa, pero hndi siya umaalis. Dahil sa wala din ako lagi sa bahay, dahil nga sa ako ay nag aaral pa, sinasamantala nyang pumunta sa bahay ng hindi ko nakikita, at kinukuhanan nya pa din kmi ng mga bagay na kailangan nya at dinadala nya sa kabet nya. one time nasakto na nandoon ako nang magpunta siya, ang kapal ng muka nya at tlgang hndi siya umalis, maya maya hinamon nya ako ng "PATAYAN???!!!! PATAYAN???!!!! GUSTO MO NG PATAYAN HA???!!!!!" sinabi ko nman "WAG KNA KASI PUMUNTA DITO PARA WALANG GULO!".. tapos ay lumapit siya sa akin at ginulpi nya ako, pinagsusuntok nya ako. hndi nya ako tinigilang pagsusuntukin, naihi na ako sa takot ko, sabi nya sa akin "sinabi ko nman sa iyo ituring mo nlng akong tao kahit di na bilang ama!!!!!"..kinuha pa nya ang kutsilyo at itinutok nya sa akn, mahigit sa sampu ang natamo kong suntok sa ulo, at mahigit nman sa lima ang natamo kong suntok sa tagiliran ko, pinangsasangga ko kc ung kamay ko kaya di nya ako nsuntok maxado sa muka ko.. inireklamo ko ito sa pulis, pero di nman daw malala ang natamo ko kaya pang barangay lang daw, kaya sa barangay kmi ngkaharap harap, pero wala ring nangyari dahil kamaganak ng tatay ko ang tao ng barangay.

15years old po ako nung nagsimula siya mambabae, 18 years old na po ako ngayon. Apat po kming magkakapatid, ako po ang panganay, 17years old po sumunod, 14years old po pangatlo at 4years old po ang bunso

ayaw ko na po mapabalik pa ang aking tatay sa bahay nmin. kasi po kapag pinagbigyan pa po iyun baka po ay tuluyan na po akong patayin ng tatay ko. Nagagalit po siya sa akin kasi po ako po tutol ako sa gnagawa niyang may kabet siya.

ang tanong ko lng po e anu po ba ang dapat nming gawin? kasi po naiharap ko na po ito sa barangay pero walang nangyari dahil po sa may kamag anak po siya sa barangay, limang araw na po ang nakalipas matapos maiharap sa barangay po iyon.. Pwede ko po bang ipakulong ang aking ama? Mad Mad

di ko na po inilahad ng detailed, binuod ko nlng po para po di na po maxado mahaba ung kwento.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum