Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pinagkatuwaan na pagselosin ang asawa gamit ang pupils nya.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

apenggol


Arresto Menor
Hi po. Nagbabadya po na ikaso ang ate ko ng oral defamation.
Ang nangyari po kasi, nagsuspetsa ang ate ko na may babae ang asawa nyang elementary instructor.
Pinagsabihan na po nya ang asawa nya na sabihen sa kanya ang totoo pero sinisigawan lang ang ate ko at sinasabing wala lang. Madaming days po na may katext ang husband ng ate ko at pag nagtatanong ate ko, pinagsasalitaan sya agad ng masama.
One night po nung drunk po asawa nya, nakuha po ate ko ang cp ng asawa nya at nabasa po ang texts between her husband at pupil ng husband nya. Nagsuspetsa po talaga ate ko. Kaya naglayas po sya at pumunta sa bahay tangay ang cellphone ng asawa nya.
By 2am po, sumugod po ang asawa nya dito sa bahay at pinipilit po na kunin ang celphone nya. di po nya nakuha pero ang nakuha po nya eh yung cp ng ate ko. Nagtext po sya sa ate ko na magpapakamatay daw po sya pag di sya mapatawad ng ate ko.
Kinaumagahan, nag usap po silang mag asawa at tinanong ng ate ko kung ano ba tlga ang totoo. Sagot po ng asawa nya, "Wala lang" taz sinisigawan ate ko. pinagsasalitaan masama. Ang ate ko, since nabasa ang mga texts, alam nya na there's something more kaya di nya tinanggap ang sagot na "Wala lang".
Nag imbestiga ang ate ko. Nagpunta sa school. Nagtanong tanong. Tlga raw na close ang asawa nya sa mga pupils nya. Taz nagsilabasan na ang tsismis na may karelasyon yung asawa nya na pupil dahil may nakakahalata na iba yung closeness sa pupil. Nasagap lahat to ng ate ko kaya hindi sya tumigl sa pagtatanong or pag iimbestiga. Nung feeling ng magulang ng asawa ng ate ko ay nasisira na ang reputasyon ng anak nila dahil sa mga tsismis and pag iimbestiga ng ate ko, kakasohan na daw nila.
Pero nakausap ng ate ko yung bata na pinagseselosan at ang totoo daw ay balak lang daw nila syang pagselosin. Na mislead po tlga ate ko. Kasi nag pursue sya sa imbestigation taz plinano lang pala nila. Tinanong nya ulit asawa nya pero sabi "katuwaan lang". Nainsulto tlga ate ko. Kasi kung ganun tlga ang totoo bakit hindi pa umamin nung una. Bakit "wala lang" ang sagot nya. At kung yun lang a dahilan, bakit sapat na ba yun para magpakamatay ang asawa nya? Kaya duda tlga ang ate ko kaya hanggang ngayon di pa umuuwi sa bahay nilang mag asawa. Since nagkalat na po tsismis at na death threat na ang husband ng ate ko ng tatay ng pupil, kakasohan na daw ate ko.
Di ba po namislead po ate ko dahil plinano ng asawa nya yun at job well done dahil nagselos at nag imbestiga ate ko at ngayon kumalat na. kaya nasisira na daw pangalan ng teacher na asawa nya kaya kinakasohan sya oral defamation.
tingin naman po namin kasalanan ng asawa nya yun kung bakit ganun ginawa ate ko dahil they made it appear naman tlga na may babae sya dahil nga plinano na pagselosin gamit ang pupil nya.

May kaso po ba yung asawa ng ate ko sa paggamit ng pupil nya para pagselosin ang asawa? Kasi po problema po nilang mag asawa yun bakit po nanggamit ng pupil. At bakit pupil pa nya ginamit kaya ngayon pinagbantaan na ng ama ng bata.

At yung pag iimbestiga ng ate ko, reasonable po ba yun dahil di agad sinagot ang tanong nya ng diretso kundi "Wala lang"? Hindi naman po kasalanan ng ate ko kung bakit nadawit yung pangalan ng bata dahil nga yung bata naman ang ginamit para pagselosin sya.

Ang di pa po matanggap ng ate ko ay yung pinagselos lang sya kaya na mislead sya.

Ano po pwede namin ikaso sa asawa ng ate ko.

At may kaso po kasi dapat asawa ng ate ko 8 years ago pero di namin tinuloy dahil na nga din sa pakiusap ng ate ko. Ang kaso po nun, pinipilit nya ate ko na makipagtalik sa kanya eh may sakit na nga ate ko at pag ayaw daw ng ate ko, sasaksakin daw nya sarili nya.
May hawak po nun na patalim po yung asawa nya na boyfriend pa lang nya that time. Nakita ng lola ko yun. Nakausap na nya nun abogado at kakasohan na sana ng sexual harrassment pero pinigilan. Pwede po ba namin yung gawing laban sa asawa ng ate ko? Pwede ba po ba namin i-bring out yung kaso na yun?

Thanks po. Sana po masabihan nyo po kami anong pwede ikaso sa asawa ng ate ko at guily po ba tlga ate ko sa oral defamation eh namislead lang naman sya sa plano ng asawa nya napagselosin sya gamit ng isang pupil.

View user profile

attyLLL


moderator
get a temporary protection order.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum