Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

hindi po ako makpagpost sa ibang forum kaya dito ko nilagay ang hinaing ko, sana po matulungan ninyo ako

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

ian_co


Arresto Menor


Ako po si Joseph, side line ko po ang pagbebenta ng mga computers para sa mga may gustong mag computershop. Ako po ay nagaahente, pero nde po ako affiliated ng kahit anong company.

Ang totoo po kumikita po ako sa serbisyo na ibinibigay namin pag may gustong magpaset up ng computer shop. nagbibigay po kami ng quotation sa mga cliente at pag ok sa kanila ang presyo closed deal na po iyon.

Ang client po ay direktang magbabayad sa tindahan ng computer at ibibigay na lang po sa amin ng store ang mark up at babawasan pa po nila ito ng tax, ito ay lumalabas na commission namin bilang nagahente. pagkatapos ay mangongontrata na po ako ng technicians na magseset up sa bahay o sa shop ng cliente at tuturuan po namin sila ng tamang pagnenegosyo at kung paano magmaintenance ng mga pc nila.


Pero nagkaroon po ako ng isang problema sa isa kong kliyente. Mag asawang Pilipina at isang Australiano, matagal ko na po silang kausap sa email, madami na po akong inimail na mga quotation sa kanila pero dumaan po ang mga buwan na wala po silang sagot, kaya hinayaan ko na sila.

Ngunit noong december ay bigla na lamang po silang tumawag at nagsabing bibili po sila ng mga computer na 35 piraso at kailangan ipadala sa Bacolod City. pinapunta po nila ako sa bahay nila sa Pasig para makausap. Nagprint po ako ng quotation para ipakita po sa kanila. Pagdating ko po sa bahay nila ay sinabi po sa akin na masyadong mahal ang binibigay ko na quotation, kaya po gumawa pa po ako ng mga quotations sa harap nila na mas mura, pero ayaw pa rin po nila at mahal pa din daw. Mayroon po silang scpefic na gustong processor ito yung tinatawag na AMD Phenom pero kahit anong pilit po ang gawin ko ayaw pa rin nila ng presyo na binibigay ko. hanggang sa nagtanong sila na kung napapalitan daw po ba ang specifications sa may properties ng computer. Hindi po ako technical na tao kaya hindi ko po ito alam. tumawag po ako sa mga kakilala kong technician at may nakausap po ako na nagsabing "meron at pwedeng gawin", pero sinabi ng technician na walang silbi kahit palitan dahil makikita pa rin sa bios ng computer kung ito'y titingnan mabuti. Sinabi ko po ito sa kliyente ko. Pero ang sagot nila, basta mapapalitan pwede na iyon dahil hindi nman marunong sa computer yung taga Bacolod. Pero kahit anong gawin ko ayaw pa din nila ng presyo, doon ko lang nasabi na para bumaba ang presyo at tumapat sa gusto nila ay kung second hand na ang mga units. Pumayag po sila at sinabing hindi nman talaga brand new ang gusto nila. Nagkasundo po kami na ang processor ay AMD Athlon 2.8Ghz at 1gig ang memory ng RAM dahil walang AMD Phenom na second hand dahil bagong labas ang mga Phenom.Pero iapapalabas po na Phenom ang tatak ng processor. At hindi na po namin napag usapan ang iba pang items tulad ng motherboard at harddisk, sa kadahilanang hindi po ako maaring magbigay ng specific na tatak dahil sa mga second hand ay puro assorted ang mga parts. kaya sabi ko po sa kanila ay sige po at kaya na po natin ibaba ang presyo at hahanap po muna ako ng mga parts. Ang sabi po ng kliyente ay mejo nagmamadali sila at kailangan ay mapadala na po ang unit. paglipas po ng ilang araw ay pumunta na po sila sa computer store at nagbayad ng P350,000.00, bayad po ito para sa 35 units kasama po ang serbisyo namin sa Bacolod kami din po kasi ang mag aayos doon. Tumawag po ako sa kakilala kong store at sinabi na may darating na kliyente at tinanong nila kung ano ang spex na kailangan, sinabi ko po na amd athlon, pero nung araw po na pumunta na ang kliyente ay nasabi po sa akin na walang available na athlon, kaya po mejo na pressure ako at natakot na baka mag back out ang kliyente. Naisip ko po na palitan ito ng available na Pentium 4 3.0 GHZ na processor mas mataas ng di hamak sa amd athlon 2.8 Ghz, tutal papalitan din nman po properties sa MY COMPUTER at gagawing Phenom, nangyari po ito after na magbayad ang kliyente. dahil sa gusto n pong ipadeliver ang item ay napagdesisyunan ko na ituloy na ipadala ang pentium 4 3.0ghz.nakatanggap po ako ng payo mula sa technician na bakit ko daw po papalitan ang ang properties, delikado daw po ito at maaring mapasama ako kung ito'y gagawin dahil babaguhin daw po ang properties ng hindi nman talaga iyon. kaya po napagdesisyunan kong wag n po itong palitan. tumawag po ako sa kliyente sa Pasig at sinabi na pupunta na po kami ng Bacolod pero sinabi niyang hindi na raw kailangan, ang serbisyo daw po na ibibigay namin sa Bacolod ay sa kanyang sariling shop na lang daw sa Pasig kami magpadala ng technician.


Ang alam ko po ay kamag anak nila ang taga Bacolod, pero lumalabas po na inahente din po nila at nagbigay din sila ng ibang presyo doon, kung magkano man ay hindi ko alam. Dumating po doon ang mga units at nakita na hindi amd athlon ang nakalagay kundi pentium 4 3.0ghz, nawala na po sa usapan na papalitan ang processor ng phenom at sinabi nilang palitan daw po namin ito ng amd athlon, sinikap ko pong ipaliwanag na mas maganda ang pinadala ko, sa huli ay pumayag na din po akong palitan kaya sinabi ko po na pupunta po kami ng Bacolod para palitan. Hindi po pumayag ang kliyente, ininssist po nila na dapat daw ay ibalik sa maynila at dito ayusin...sinabi ko po na mas mura kung kami po ang pupunta kesa sa ibabalik ang mga unit. pero ayaw po nila na magpunta kami doon, sabi ko po na kakausapin ko ang taga Bacolod para magpaliwanag, pero ang sabi wag daw po kami makikipag usap sa taga Bacolod. Nag email na po sa akin ang Australyano at sinabi na idedemanda daw po kami kung nde ibabalik. Kaya po ibinalik po namin ON MY EXPENSE. dumating po ang mga items at ibinalik sa store. nagkausap po ang sales lady at ang kliyente na willing silang magdagdag para baguhin ulit ang spex ng mga computer. dahil noong dumating po ang mga items ay ipinaubaya ko na po sa sales lady at sa kliyente ko ang pag uusap para derecho na po ang transaction, at sinabi ng kliyente na ako pa din daw po ang magbabayad ng delivery pabalik, mabigat man sa bulsa at sa kalooban ko ay tinanggap ko po ito. kaya sinabi ko po sa sstore na sila na lang po muna mag usap regarding sa bagong presyo at kung idedeliver na lang po saka ako tawagan. pero hindi po doon iyon nagtapos, nag email po ang isa sa mga sales personnel ng bagong quotation na brand new na mga parts. nagkakahalaga na 7000 per unit ang dagdag. Nagalit ang australyano at bakit daw mahal. kaya kinausap ko ang nagbigay ng quotation na iyan po ay replacement kaya kung magdagdag ay mas maliit na presyo na lamang, pero bago po kami makpag usap pa ay nagemail na po ang australyano at sinasabing magdedemanda daw po siya. ang sabi ko nman po ay may konting mis communication lang, pero ayaw na po nilang tanggapin yon. may tumawag na po na abogado at pinapapunta ako sa bahay ng kliyente sa Pasig para daw isettle ang usapin. ang sabi po ng abogado niloko ko daw po ang kliyente at dapat daw po ibigay po namin ng walang dagdag ang QUOTATION na binigay ng isang sales. ang sabi ko po Hindi ko po sila niloko at gusto ko pong ayusin ang problema, yung quotation po na mga brand new ay ginamit nila na katibayan daw na iyon daw ang dapat namin ibigay ng libre dahil binayaran na raw nila iyon ng 350,000pesos. ang sabi ko nman po ay hindi iyon ang specification na binayaran nila ng 350k, iyon po ay bagong quotation na may kamahalan ang presyo dahil brand new. ang sabi po nila ay ibalik na lang ang pera, pero ang policy po ng store na pinagbilhan ko ay walang money back kundi warranty lamang at change item. kaya naipit po ako.. nagsabi po ako na cge po nde na lang ibabalik ang pera dahil wala po akong ganoong kalaking halaga kaya papalitan na lang po yung spex at hindi na po sila magbabayad..... hindi pa man po ako nakakapagsabi ng kung anong ipapalit ng walang bayad ay nag email po sila na ang dapat daw po ibigay ko ng walang bayad ay yung binigay na quotation na halagang 7000 ang isa. nanlumo po ako sapagkat ako po ay walang pang abono at wala po sa kalahati ang kinita ko sa kanila noong una. namoblema po ako ng husto, sila po ang nagbigay ng mga gusto nila at dinagdagan pa ang mga dapat daw naming ibigay na wala naman po sa usapan namin noong una. nahihirapan na po ako dahil ayoko pong umabot pa sa husgado ang issue na ito. gusto ko po lumaban pero wala akong alam. Ang alam ko lang ay ang Dios na makatarungan at makapangyarihan ang makakatulong sa akin. Ngayon po ay pinipilit nilang ibigay ko ang gusto nila o idedemanda nila ako. ano po bang dapat kong gawin at may laban po ba ako?

Salamat po

aka ian_co

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum