Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

complaint against somebody who claims to be an underaged.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

maryan.anora


Arresto Menor
Good day po,

Nagpapasalamat po ako na nakahanap ako ng site na kagaya nito.Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko at kanino ako lalapit.

Isinugod po sa ospital ang asawa ko noong gabi ng March 28, 2012. Sinuntok daw ng isang lalaki, at dahil lasing ang asawa ko, nawalan po siya ng panimbang, natumba,at nabagok ang ulo. Subarachnoid hemorrhage po ang diagnosis ng mga doctor.

Dinampot naman po agad ng baranggay ang lalaki at nagharap po kami sa baranggay. Doon nalaman ko na kakalabas pa lang ng kulungan ang lalaki, at sa kabila ng kanyang batang hitsura (at sinasabi nya ring 16 years old pa lang siya) ilang beses na din siyang naglabas masok sa preso, ayun na rin sa mga taga baranggay.
Ipinablotter ko po siya, at ang napagkasunduan na babayaran ng kanyang ina ang lahat ng gagastusin sa hospital ng asawa ko.

Nakalabas na po sa ospital ang asawa ko, pero ang napagkasunduan ay hindi natupad. Isang libo lang po ang ibinigay nila paunang bayad sa mga unang reseta at wala na pong iba. Pinatawag po namin sila uli para ipakita ang iba pang bayarin na umabot ng magigit apat na libo, pero hindi na sila nagpakita.

Gusto ko po sanang idemanda ang lalaki. Lalo na ngayon na nalaman ko na isa siya sa Number One sa Top 10 Most Wanted sa Mandaluyong. Jerome Lara. At ang status niya sa police records e "at large", pero marami po ang nakakakita sa kaniyang pagala-gala pa rin dito sa lugar namin.

Ano po ba ang pwede kong gawin. Advise lang po sana para alam ko kung kanino ako lalapit, at ano ang dapat kung hakbang.

Maraming salamat po!

View user profile

attyLLL


moderator
file a case at the prosecutor's office


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum