Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Kicking my children out of the house just to have it on his own

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Alilea Balbin


Arresto Menor
Nag file na "daw" ng annulment yung mister ko para sa akin, although ang petition niya eh, siya ang incapacitated. Hindi pa man na tatapos ang pag sasampa niya ng ganung kaso ay pinipilit na niya kami ng mga anak ko na umalis sa bahay na pinatyo niya during our marriage. At siya na daw ang titira dito until mai benta, kukuha daw siya ng bahay na malilipatan naming mag iina, para duon na daw kami at siya sa malaking bahay. Tiananong siya ng mga anak ko kung sino kasama niya dito, ang sagot daw ay siya lang mag isa. Although alam na naman naming lahat na may kinakasama na siya at duon muna siya sa bahay ng babae niya nakikitira dahil na evict na sila sa kinuha nilang condo sa quezon city, dahil sa wala ng pan bayad. Ngayon, kaming na nanahimik na mag iina ang gusto niyang maalis dito at ilipat ng bahay sa kung saan saan na lang para siya naman daw ang tumira dito. Aalis din naman daw siya once na maibenta na ang bahay at lupa.

Ang gusto ko pong isangguni ngayon eh, kung may karapatan nga ba siya na paalisin kami at ilipat na lang sa kung saan saan na lugar gayong ayaw ng mga anak niya? Dalawa po ang anak naming babae, isang 19 yrs old at isang 15. Ayaw po nilang umalis at lumipat ng bahay dahil nga naman dito eh mas safe sila at alam na nila ang paikot ikot ng lugar, lalo na po at nag o-ojt na ang panganay ko at minsan po ay ginagabi ng uwi. Kahit naman sino sigurong ina ay mag aalala sa pag hihintay sa anak na gabi kung uuwi. Yung safety po ang unang unang factor na iniisip ko para sa kanila, dahil sa kilala na kami dito at halos ang lahat ay may concern sa isat isa. kahit na po sino ay nag sasabing wag kaming lumipat, dahil sa mas may karapatan kami sa bahay na ito. Nag karoon na kami dati ng "usapan" na kung sino ang mag loko at may kinakasama na ay siya ang aalis ng bahay. Siya po ay may kinakasama na mula pa lang pag baba niya ng barko nag sama na sila. nitong taon na ito. Di niya po pwede akong papaniwalaing NGAYON lang sila nag kakilala ng babaeng ito. Dahil siguro naman po maiisip niyo na sino bang MATINONG babae ang sasama na lang bigla sa lalake kung di niya pa ito kilala ng lubusan. So it meana, may relasyon na po sila matagal na bago pa man niya ako ausahan na ako ang nanlalalake.

Pakitulungan lang po kami ng mga anak ko na wag mapa alis dito sa bahay na kinalakihan na nila at minahal. dahil kung hindi ko din lang po sininop ang lahat ng kinita niya ay wala po kaming bahay na pinag aawayan ngayon. Ako nag pa aral sa mister ko at naka pag patapos kung anu siya ngayon. Ngayong wala na po kaming matinong pag sasama eh pumayag na din po ako na mag pa annulled sa kanya, kesa lumaki ang aming mga anak sa gitna ng puro awayan at pag dududa. Pati nga po pala ang allotment eh inalis na niya sa pangalan ko kahit dipa kami legal na annulled, at lahat ng pinipirmahan niyang mgakontrata eh single na ang nilalagay niya.

Ang gusto ko lang pong habulin ay ang bahay na ito na natamo during our marriage at yung tamang supporta para sa dalawang anak namin.Kahit na po sa mga anak ko na lang ipangalan wag na po sa akin, basta po malinaw na di na iya pakikialaman ito dahil para sa mga anak na niya ito.

Tulungan nyo po kami, dahil wala napo kaming ibang alam pa na malalapitan, dahil wala na naman po akong pinag kaka kitaan pa at mga kamag anak na pwedeng sumuporta sa pinansyal na aspeto. Ultimo po mga kamag anak ng asawa ko ay kinunsinte pa nila ang babae niya kesa sa akin na legal. Mula pa ng kamiy mga high school pa lang until nag sama at nag pakasal ay wala akong pangit na pinakita sa kanila, pero ngayon po na nag pinag uusapan ay para sa mga anak ko na. Parang awa nyo na po, paki tulungan lang kami kung ano ang dapat gawin papirmahan o kalapin na mga papeles, para maisa katuparan ang aming hiling. Lalo na po at pa sampa na naman siya itong April 23, 2012 sa barko, at alam naman namin na di na naman kami ma bibigyan ng tamang support. Nasa $4,800 ang kinikita niya at kung bigyan lang ang mga anak ko ay nasa 30,000 lang. Please po...parang habag niyo na. para sa mga anak ko lang po ang inilalapit ko, kahit na sinuswelduhan na lang niya ako kung ituring ay kasambahay, okey na po sa akin yun, may pumapasok na pera sa akin kahit 4,000 a month lang. ang sa akin ay yung tamang para sa mga anak ko at pangngailangan nila.

Salamat po at more power, sana po ay mabigyang pansin nyo itong aking nilalapit.God bless.

View user profile
if he forces to have you leave the family home you can report this before the women's desk of the police station near you..this act is considered a crime under RA9262 act against violence against women and her children.

The pertinent provision of which are the ff:

SECTION 5. Acts of Violence Against Women and Their Children.- The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

(a) Causing physical harm to the woman or her child;

(b) Threatening to cause the woman or her child physical harm;

(c) Attempting to cause the woman or her child physical harm;

(d) Placing the woman or her child in fear of imminent physical harm;

(e) Attempting to compel or compelling the woman or her child to engage in conduct which the woman or her child has the right to desist from or desist from conduct which the woman or her child has the right to engage in, or attempting to restrict or restricting the woman's or her child's freedom of movement or conduct by force or threat of force, physical or other harm or threat of physical or other harm, or intimidation directed against the woman or child. This shall include, but not limited to, the following acts committed with the purpose or effect of controlling or restricting the woman's or her child's movement or conduct:

(1) Threatening to deprive or actually depriving the woman or her child of custody to her/his family;

(2) Depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman's children insufficient financial support;

(3) Depriving or threatening to deprive the woman or her child of a legal right;

(4) Preventing the woman in engaging in any legitimate profession, occupation, business or activity or controlling the victim's own mon4ey or properties, or solely controlling the conjugal or common money, or properties;

(f) Inflicting or threatening to inflict physical harm on oneself for the purpose of controlling her actions or decisions;

(g) Causing or attempting to cause the woman or her child to engage in any sexual activity which does not constitute rape, by force or threat of force, physical harm, or through intimidation directed against the woman or her child or her/his immediate family;

(h) Engaging in purposeful, knowing, or reckless conduct, personally or through another, that alarms or causes substantial emotional or psychological distress to the woman or her child. This shall include, but not be limited to, the following acts:

(1) Stalking or following the woman or her child in public or private places;

(2) Peering in the window or lingering outside the residence of the woman or her child;

(3) Entering or remaining in the dwelling or on the property of the woman or her child against her/his will;

(4) Destroying the property and personal belongings or inflicting harm to animals or pets of the woman or her child; and

(5) Engaging in any form of harassment or violence;

(i) Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman or her child, including, but not limited to, repeated verbal and emotional abuse, and denial of financial support or custody of minor children of access to the woman's child/children.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum