Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ayaw pong makipaghiwalay ng father ko sa mother ko

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

carlacey


Arresto Menor
Good day po. Almost 30 years na pong nagsasama ang parents ko and sa loob ng 30 years na yon nananakit ang tatay ko physically and emotionally at nangbababae to the point he is sexually involved sa lahat ng naging ka relasyon nya. until napuno na ang nanay ko at di na nakayanan ang mga pinaggagawa sa kanya ng father ko like pambubugbog, taking videos of their lovemakings at pamimilit na pinanonood ang mga sex video nya kasama ang mga kabit nya. Ngayon po umalis na ang mother ko at iniwan na sya ang kaso po di matanggap ng father ko ang pag alis ng nanay ko dahil ang nanay ko ang nagpapatakbo ng negosyo nila at tatay ko lang ang nakikinabang sa kinikita ng business nila para ipangtustos nman sa mga babae nya. Eto po ang problema namin:

1. ayaw pong pumayag ng tatay kong makipaghiwalay sa kanya ang nanay ko.

2. nananakot sya at sabing papatayin ang nanay ko at ang pamilya nito kung tuluyan na ngang di na bumalik ang nanay ko sa kanya.

3. anu pong mga hakbang ang pwede naming gawin para makuha ang nanay namin para tumira na sa poder namin na hindi sya maaano ng tatay namin dahil naniniwala po kaming kayang kaya nyang gawin ang mga banta nya.At ano po ang mga kasong pwede naming isampa sa kanya.

Maraming salamat po at sana matulungan nyo kami sa aming problema. More power po.

View user profile

carlacey


Arresto Menor
Atty, yung na mention kong mga sex video refers sa father ko po yung mga sex video nya kasama ang mga babae nya ay pinipilit nyang ipinapanood sa nanay ko. Salamat po. Hihintayin ko po ang sagot nyo.

View user profile

ibonidarna


Reclusion Perpetua
File a case for RA 9262 on the grounds of physical violence, sexual violence and psychological abuse. She can also apply for Barangay Protection Order up to Permanent Protection Order.

View user profile

carlacey


Arresto Menor
ibonidarna wrote:File a case for RA 9262 on the grounds of physical violence, sexual violence and psychological abuse. She can also apply for Barangay Protection Order up to Permanent Protection Order.

maraming salamat po. san po ako pwedeng mag-file ng kaso? at tungkol naman po sa barangay protection order san pong barangay in our case nasa bulacan nakikituloy ang nanay ko at gusto ko syang kunin taga sta. cruz manila po ako pero dahil nga po sa security and safety namin pareho hindi ko sya makuha. so dito po sa barangay namin pwede po ba kaming mag-apply at kelan po sya magiging permanent protection order.

maraming salamat po talaga and God bless.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum