Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

legal advice para sa namemerwisyong baliw

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 legal advice para sa namemerwisyong baliw on Fri May 11, 2012 4:18 pm

jarrengrace


Arresto Menor
ano po ba ang dapat namin gawin kasi po yung tiyuhin ko pag lagi na lang po nag wawala sa amin palagi kaming pinagmumura at palaging naghahamon ng away, kung dati ay puro salita lang ang inaabot namin ngayon po ay halos araw araw ng nambabato at nagbabasag sa tapat ng bahay namin. natatrauma na ang mga bata at takot kaming lumabas kasi kami ay nakatira sa looban at dadaan muna ng bahay nila bago makalabas ng kalye. dati ng naconfine sa isang psychiatruc ward yung tiyuhin ko. ilang taon na din naming tinitiis ang ginagawa niyang panggugulo simula maliit palang kaming magkakapatid ay natrauma sa kanya at ngayon naman ang mga anak na namin ang takot sa kanya.kapag nagwawala siya ay sinusumbong namin sa barangay pero wala din namang nagyayari pag inimbitahan siya sa barangay ay siya pa ang iiyak dun at umaarteng kinakawawa namin at yun tapos na at makalipas ang ilang araw ay magwawala na naman siya . kaya sawa na rin kameng magsumbong sa barangay dahil wala naman nagyayari. ang pamilya niya wala namang ginagawang aksyon ang sabi ay pinatingin na sa doctor kung pinatingin na bakit ganon pa din siya? ang kinakatakot ko po ay baka pag bigla akming dumaan sa harap ng bahy nila ay bigla na lang siyang manakit kung hindi man sa pananakit niya ay baka dahil sa atake sa puso dahil sa ginagawa niya mamatay ang mga magulang ko dahil may katandaan na po ang magulang ko. pinagbibintangan niya kaming minumura siya at palagi daw niyang naririnig na pinariringgan namin samantalang ang tahitahimik sa amin. lalo na kapag may dumarating kaming bisita ay nagwawala siya. hindi niya pwede idahilan ang pagkabaliw niya para gawin ang ginagawa niyang perwisyo at hindi lahat ng oras kami ang dapat umintindi sa kanya. minsan iniisip namin na hindi siya baliw dahil mayroon naman siyang trabaho driver siya sa DPWH at bakit sa amin lang siya sinusumpong ng ganon at sa trabaho niya ay hindi parang nagbabaliw baliwan lang dahil gusto niya kami mapaalis sa aming bahay at makam kam niya ang lupa namin dahil sa isang compound kami nakatira. Sana po matulungan niyo po kami kung anong dapat gawin. Mahigit 20 taon na namin tinitiis ang ginagawa niyang perwisyo.maraming salamat po.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum