Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

WALANG LAST WILL & TESTAMENT, VERBAL LANG ANG HATIAN AT BENTAHAN

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

pmrgkids


Arresto Menor
GOOD MORNING PO.

PATAY NA PO ANG LOLO AT LOLA KO, MAY 9 SILANG ANAK, NAMATAY NA WALANG LAST WILL & TESTAMENT TUNGKOL SA HATIAN NG LUPA.

PAANO PO BA MAAAYOS ANG HATIAN NG LUPA KAPAG WALANG LAST WILL ANG TESTAMENT NA NAIWAN?

View user profile

pmrgkids


Arresto Menor
MAY ISANG LUPA NA ANG BILIN DAW NG NANAY AT TATAY NILA, PAGHAHATIAN NG 4 NA ANAK NA BABAE (KASAMA ANG NANAY KO), ANG GUSTO NG NANAY KO, KUNG IBEBENTA ANG ALIN MAN SA PARTE NG LUPANG NABANGGIT, SIYA ANG BIBILI.

LAST MONTH, NALAMAN NA LANG NG NANAY KO, NA NABILI NG RAW NG APO NG KAPATID NIYANG LALAKI ANG 3 PARTE NG LUPANG NABANGGIT. MASAMA ANG LOOB NIYA. ANG TANONG NIYA PO --- WALA BA SIYANG KARAPATAN NA MABAWI ANG BENTAHAN NA YUN? NA DAPAT SIYA MUNA ANG DAPAT ALUKIN NG BENTAHAN BAGO I-ALOK SA IBA?

NAGKAKA SAMAAN NA PO KASI SILA NG LOOB NG MGA KAPATID NIYA.. 78 YEARS OLD NA PO SIYA KAYA GUSTO KONG MATULUNGAN SIYA AT MABIGYAN NG TAMANG PALIWANAG KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN PARA MAPALAGAY ANG KANYANG LOOB. NAGKAKASAKIT NA PO KASI SIYA.

View user profile

pmrgkids


Arresto Menor
KAPAG WALANG LAST WILL AND TESTAMENT ANG NAMATAY, VALID PO BANG PAGBASEHAN ANG SALITA/BILIN LANG PARA SA HATIAN NG MANA?

ANO PO BA ANG DAPAT GAWIN PARA MAGING MAAYOS ANG LAHAT SA LEGAL NA PARAAN? PAKIBIGAY NAMAN PO MGA DAPAT GAWIN. SALAMAT PO.

View user profile

ibonidarna


Reclusion Perpetua
Dapat nagkaroon sila ng Extra-Judicial Settlement of Estate. Dun sa settelement na yun puede nila hattin ayon a gusto nila, o sa kagustuhan ng namatay.

Maaaring maibenta yung parte ng mga tigapagmana, at yung nanay mo maaari nynag bilhin at bawiin yun sa nakabili.

Kapag ang ari-arian ay pag-aari ng dalawa o higit pa, bago ito ibenta sa ibang tao, kailangang i-alok muna sa kapwa may-ari bago ito ibenta sa iba.

Ang maipapayo ko, bilhin na lang ng nanay mo sa nakabili yung parte ng kapwa nya tigapagmana. Kung di kaya, ibenta nya na rin ang parte nya.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum