Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

please help us!

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 please help us! on Thu May 17, 2012 2:08 am

tene


Arresto Menor
tulungan nyo po kami,naghahanap po kami ng justice para sa mga maling ginawa sa amin ng mga anak ko na 13 at 16 years old.pinagbintangan ko kami ng hindi totoo ng barangay official hanggang sa minura na po ako sa harap ng maraming tao.sumunod po ay sinugod ako sa harap ng bahay namin ng kamaganak ng isang nasa katungkulan din.pinagbibintangan po ako,at dahil nakita nya na kasama ko ang mga anak ko ng buksan namin ang pinto,ay dinamay nya sa pagbibintang na mga magnanakaw.pinagmumura kami pati ang anak ko n menor de edad at magulang ko.nagsisigaw at nageskandalo ang kamaganak ng bgy oficial at pilit pinalalabas sa amin ang gamit daw nila.saksi ang Dyos na hindi kami kelan man nagnakaw,nakita lang nila ung gamit na kakulay daw ng gamit nila e pinagbintangan na kami,samantala kahit sino ay pwedeng pwde mkabili nun.saka wla sila pinapakitang formal complain kaya di ako pumayag na kumpiskahin nila ang gamit ko,sabi ko ay handa akong humarap sa kinauukulan basta may formal na reklamo na talagang may nawawalan at nasa tamang proseso ay patutunayan ko na hindi totoo ang bintang nila pero habang walang pormal na patawag at reklamo ay hindi ko ibinigay ang gamit ko.Yun ang dahilan kaya iniskandalo kami ng kamaganak ng ofisyal s lugar namin,samantalang wala naman syang katungkulan para gawin sa amin yun.napahiya po kami dahil buong kapitbahay namin ay nakarinig sa pagbibintang,pagmumura at panghaharas sa amin.pati mga anak ko ay nahiya na mapagbintangan at malaman ng mga kaklase ang pangiiskandalo sa min dahil mga tahimik na bata ang mga anak ko at nagaral sa magandang eskwelahan at hindi sanay na mapagbintangan,murahin at sigawan.sinabi pa ng kamaganak ng opisyales na ako dw ay hindi asawa,kinakasama lang daw ako at inaasawa.masyado pong naapektuhan ang mga anak ko,dahil panay pa ang tanong bakit kami ginawan ng ganun at bakit sinabi sa akin na hindi ako asawa.maaari ko po bang kasuhan ng child abuse ang sumugod at nageskandalo sa amin?naapektuhan po ang mga anak ko,emotionally,physically,and psychologically.naging conscious po sila sa mga sasabihin ng kaklase at kakilala nila.ano po ang partikular na kaso?
Nagreklamo po ako sa pamunuan namin pero sa pagrereklamo po namin 5 po kaming nagpunta,3 bata at ako at kapatid ko,ay doon po kami dinumog ng mga opisyales ng pamunuan.mahigit 10 katao po ang nasa pamunuan at kami ay pwersahang gustong pagsarhan ng pinto,sinaktan ang anak ko babae na 13 yo,hinarangan kami para di kami makalabas.humingi na kami ng saklolo at nkatakbo ang anak kong 13yo at humingi ng tulong,bago nakatakas ang anak ko na 13yo ay nadibdiban,nasipa,nasampal na sya.ang dlwang kapatid ko ay nakatakbo din pero nasaktan din sila dahil pinipigilan talaga at ayaw kami palabasin.ako at anak ko na 17 yo ang naiwan at kaming dalawa ay pinagtulungan ng mga opisyales.sinampal,sinapak,sinabunutan,kinalmot,hinila,tinulak at sinuntok habang pinagmumura.halos hindi ako makahinga ng mga panahon na yun,pati anak kong 17yo ay sinaktan kahit di kami lumalaban.hindi lahat ng mga opisyales ay nanakit,pero lahat po ay isinama ng anak ko dahil bilang mga nanunungkulan ay obligasyon nila na protektahan ang mga wlang kasalanan lalo na ang mga bata.ano po ang partikular na kaso na pwdeng isampa laban sa lahat ng opisyales?sana po ay matulungan nyo kami.salamat po

View user profile

2 pls help us on Thu May 17, 2012 10:40 pm

tene


Arresto Menor
pls po,sana matulungan nyo kami sa ilang mga katanungan namin para mkapgsampa ng kaso.sa ngayon po ay kapos kami kaya hindi mkakuha ng private na abogado kya humihingi po kami ng payo sa inyo.

View user profile

3 Re: please help us! on Thu May 17, 2012 11:44 pm

tene


Arresto Menor
pls advise po.

View user profile

4 please help us!need advice on Fri May 18, 2012 3:52 pm

tene


Arresto Menor
we're really abused.we need legal advice to be able to get justice and prevent abusive authorities to have new victims.ano po ang pnka strong charge na pwde namin isampa laban sa mga ngabuso at mga nangunsinti s pngaabuso sa amin,lalo na sa aking minor children

View user profile

5 Re: please help us! on Sat May 19, 2012 11:30 pm

attyLLL


moderator
get medico legal certificates from a government hospital then file a case of physical injuries and illegal detention


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

6 please help us! on Sat May 26, 2012 6:09 pm

tene


Arresto Menor
maraming salamat po sa advice.meron na po kaming medico legal certificates.may affidavits na din po ang dalawang anak ko pero hindi pa nai-file sa court,ang nilagay pong kaso ng women's desk ay physical injury in relation to RA 7610.may laban po ba ang charge,dahil mga menor de edad ang mga anak ko na complainant ng child abuse at ang mga nireklamo sa affidavit nila ay lahat ng bgy.official,nanakit at hindi nanakit dahil nagpabaya sila na masaktan kami at walang nangahas umawat sa mga naroon na bgy.officials.may concern citizen po na nakapagvideo kaya may evidence po at willing din po magwitness sa amin.ako po ang magrereklamo ng bukod ng physical injury at illegal detention,pwede po ba ang ganun?5 po kaming nasaktan at pinigilan sa bgy.hall at bgy.court,2 adult at 3 children,13,16 at 20 years old.pls advise po,at maraming salamat,hanggang ngayon ay takot kami magreklamo dahil baka madismiss lang kung mali ang charge na ikakaso namin,dahil malaki po ang epekto sa mga anak ko,physical,emotional at lalo na phsychological,pati pagaaral nila ay apektado dahil hindi kami makapaghanap buhay ng maayos dahil sa mga threat,kaya wala po kaming iba magawa kung magdemanda para managot sila at di na makapanakot dahil nasa katungkulan pa sila kahit may mali at grave offense na ang pananakit nila.salamat po

View user profile

7 please help us! on Sun May 27, 2012 7:23 am

tene


Arresto Menor
please advise po,pwde pa po ba namin isampa sa korte ung dalawang pending affidavit ng dalawang anak ko s pulis na child abuse at magpa-file din ako ng grave oral defamation at illegal detention?

View user profile

8 Re: please help us! on Sun May 27, 2012 8:06 am

attyLLL


moderator
push the women's desk to file the complaint in court. if not, you can file it directly with prosecutor's office.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

9 please help us! on Sun May 27, 2012 2:08 pm

tene


Arresto Menor
thanx po.ang charge po ay PHYSICAL INJURY IN RELATION TO RA 7610.pano po pg ang depensa ng ibang bgy.officials ay hindi naman sila nanakit?ung ilan po kasi na walang ginawa kahit nakita na nila ang pangyayari ay sinama din namin sa mga kinasuhan,dahil isa sila sa mga dapat magprotekta sa amin dahil opisyales sila pero pinanood lang nila habang pinagsasampal,sabunot,suntok,tulak at hila kami ng kagawad.

View user profile

10 Re: please help us! Today at 4:22 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum