Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

House sold but lot is rights only

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 House sold but lot is rights only on Wed Jun 06, 2012 12:56 am

jdf47


Arresto Menor
Magandang araw po Atty, nais ko po na humingi ng payong legal tungkol sa nabili kong bahay. Binenta po sa akin ang bahay sa kasunduan na hulugan batid ko po na rights lang ang lupa ngunit ng malapit ng matapos ay di na po nagpakita ang nagbenta sa akin at iniwan din ang mga gamit nya at silay umalis,mayroon po akong orihinal na aming kasunduan na akin pong ipina- notaryo akin na pong isinangguni sa aming baranggay ang aking reklamo. Matapos po ang mahigit isang taon na walang abiso o hearing na po akong natatanggap mula sa aming baranggay. Kamakailan po ito po ay pina buksan at pinakuha ang mga gamit sa magulang ng nagbenta sa akin. Akin lang pong ipinagtataka ay parang nawalan ako ng karapatan sa aking nabiling bahay sapagkat ipinakandado po ng isang taga baranggay ang aking nabiling bahay, dahil sya na daw po ang may authority o namamahala sa lupang kinatatayuan ng aking nabiling bahay, sa muli ay pinababayaran nya sa akin ang halos kasing halaga din ng pagkakabili ko sa naturang bahay. Kung sakali po bang di ko po ito mabayaran ay mababalewala na po ba ang aking pagkakabili sa bahay? ano po ba ang legal na paraan para matirhan ko ang aking nabiling bahay sa kasalukuyan po ay umu upa lang din po ako, kung sakali po bang muli ko itong bayaran ano po ang kailangan kong hingin bilang patunay na sa akin na nakapangalan ang titulo ng lupa yun po kasi ang kanyang dahilan bahay lang daw po ang aking nabili at kung di ko po ito mabayaran ay kanya na itong iaalok sa iba.
Naway inyo po akong mabigyan ng payong legal at malugod ko po itong tatanggapin. Marami pong salamat at Mabuhay po kayong lahat.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum