Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Illegitimate Child

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Illegitimate Child on Mon Jun 11, 2012 6:39 pm

Anonymous13


Arresto Menor
Magandang araw po sa inyong lahat. Gusto ko lang po humingi ng payo at sana matulungan ninyo ako sa aking sitwasyon. Ako po ay nagtratrabaho ngayon sa abroad at may isa akong anak na lalake na 6 y.o at ito po ay nakatira ngayon sa kanyang ina. Tumira po sa probinsya ang anak ko sa aking tiyahin ng dalawang taon at doon ng aral ng kinder. Pero ngayon nasa Manila na sya at nasa kanyang nanay ayaw na ito pabalikin sa tiyahin ko. Hiwalay na kami ng nanay bago palang isilang ang bata at hindi po kami kinasal. Meron na po syang ibang asawa ngayon at tatlong iba pang anak. Nakatira sila sa isang maliit na kwarto, mataong lugar at hindi magandang kapaligiran. Noong sanggol pa lamang ang aming anak hindi po ito inaalagaan ng ina nya ng mabuti at kadalasan nakatira ito sa aking tiyahin. Nagkaroon ng impeksyon sa ngipin ang aking anak noong bata pa lamang ito dahil sa kapabayaan ng kanyang nanay. Gusto kong kunin ang anak ko at patirahin muna ulit ito sa aking tiyahin dahil hindi sya naalagaan ng maayos ng kanyang ina. Sinsubukan kong kausapin ang nanay tungkol sa pagaaral ng anak ko pero parang hindi ito importante sa kanya. Ito po ang aking mga katanungan.

1.Ano po ang tyansa ko na makuha ko ang aking anak at patirahin muna ito s tiyahin ko pag kumuha ako ng abugado?
2. Papaano po ang proseso nito at gaano katagal?


Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Illegitimate Child on Mon Jun 11, 2012 7:59 pm

attyLLL


moderator
no court will pull away a child from his mother to be given to his father who isn't even going to personally take care of him. the mother should ask for a greater amount of support from the father so she can take care of the child better.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

3 Re: Illegitimate Child on Tue Jun 12, 2012 8:59 am

jumanji_34


Arresto Menor
Magandang araw po sa inyong lahat lalo na po sa ating mga masisipag at magagaling na mga lawyer. Meron lang po sana akong ihingi sa inyo ng payo. Ito po ay tungkol sa aking marriage life na ang akala ko ay smooth sailing and success po. Umpisahan ko po sa umpisa para po maintindihan ng ating mga abogado ang kaso ko at alam ko hndi lang ako ang may experience nito marami na siguro kaya po i share ko and hoping na sana may mag advice sa akin legally.
Ako po ay nagtatrabaho sa gobeyerno 31 taon gulang na po at may asawa. Kinasal po kami ng asawa last 15 July 2006 kinasal kami dahil nabuntis ko sya at dahil sa legal at moral obligations ko pinakasalan ko sya. Nagdaan po ang mga taon at mag aanim na taon na kaming kasal pero hanggang ngayon wala pa kaming anak. Nag research po ako kung pwede ko pong gawing grounds yung for annulment ang kabiguan namin magkaroon ng anak pero nalaman ko po na hndi po pwede. Nitong nakaraang taon lang po ay umamin sya sa akin na yun palang bata na sinasabi nyang inampon nya nuon na tinanggap ko na rin na anak anakan ko dahil na rin sa kasabikan kung magkaroon ng anak ay anak nya pala sa pagkadalaga. Gulong gulo na po ang isip ko natanggap ko na po na sa tagal ng panahon e hndi kami magkaanak pero nung nalaman ko ang katotohanan e ang hirap pong tanggapin. Nag iisip po akong mag file ng annulment.
Ang tanung ko po ay ito.
1. Pwede po bang maging grounds yung pag karoon nya ng anak sa pagkadalaga na hndi ko alam nung kinasal kami?
2. Ang negosyo po namin ay buy and sell at hndi ko alam ang takbo ng financial namin panu ko po makuha ang share ko sa business?
3. Meron po kaming bahay na ni loan sa PAGIBIG and since nasa government ako sa akin nakapangalan ang utang pero sa aming dalawa nakapangalan ang titulo ng bahay at lupa anu po ang dapat kung gawin dun?

Umaasa po akong mabigyan po me ng payo tungkol dito. Magiging napakalaking bunos na po sa akin ito kung maliwanagan ang aking isip. Marami pong salamat at hihintayin ko po kung sino man pong abogado ang mag mag payo sa akin at maraming maraming salamat po.

View user profile

4 Re: Illegitimate Child on Tue Jun 12, 2012 11:51 am

Anonymous13


Arresto Menor
Atty,

Naiintindihan ko po ang point nyo. Halos buong pagka bata po ng aking anak ay doon sya tumira sa tita ko. Inaalala ko lang na noon na isa lang ang anak nya ay hindi nya pa naalagaan ng maayos ang bata ngayon pa na may iba pa syang anak. Ang isa pang concern ko po ay kung magbibigay ako ng sustento sa nanay ng anak ko baka hindi lahat ng ibibigay ko mapunta sa bata. Kahit po ang bakuna ng anak ko ay hindi pa kumpleto dahil ayaw ng ex ko n ibigay ang vaccine record simula pa ng bata sya para ayusin ko. Matagal ko na syang sinasabihan tungkol sa bagay na yon dahil natatakot ako mgkasakit ung anak ko. Wala po ba talaga akong chance na makuha anak ko at tumira ito sa tiyahin ko kahit na npapabayaan sya ng nanay nya? Gusto ko lang din po malaman nyo na ako na sumsuporta sa anak ko simula ng maging 3 taon na sya.
Kung wala po talaga akong laban na makuha sya makikipag kasunduan nalang ako sa nanay nya kahit na alam kong hindi ganon kabuti ang lagay ng anak ko.

May isa pa po akong katanungan sa inyo.
Nakatira po ako dito sa US. sa tingin nyo po ba maari kong mapetition ang anak ko at madala sya dito para mabigyan sya ng mas magandang kinabukasan?

View user profile

5 Re: Illegitimate Child on Thu Jun 14, 2012 6:49 pm

carla123456


Arresto Menor
magandang araw po atty,

ako po ay may anak na lalaki na ngayon ay nagaaral na sa college... siya po ay anak ko sa pagkadalaga... ngayon po ay may asawa na ako at may 3 anak..
sa ngayon po ay medyo nahihirapan na po ako dahil hindi ko na matugunan ang panggastos sa pagaaral ng aking anak sa college kaya naisipan ko po na humingi ng tulong sa kanyang ama na nagtatrabaho sa ibang bansa na meron na ring kasalukuyang asawa...

posible po bang mag demmand ako ng financial support para sa pagaaral ng kanyang anak?
ang isa ko pa pong problema ay hindi na acknowledge sa birth certificate na siya ang ama dahil minor pa ang kanyang ama nung panahong ako ay nagsilang?

maraming salamat po sa inyong tugon sa mga katanungnang ito. at mabuhay po kayo..

View user profile

6 Re: Illegitimate Child on Sun Jun 17, 2012 3:57 pm

attyLLL


moderator
jumanji,1) not grounds for annulment (and i hope emotionally, you will look at her the same way before you found out

2)you would have to file a petition in court which includes separation of property.

3) you will still be liable for the loan and unless there is a court order, you still both own it.

Anonymous, you can file a case and maybe you can force out some deal regarding custody and support, but if it comes to an actual decision, my opinion remains. as for immigration, it is better for you to inquire with a US immigration attorney. I believe you can, but i doubt the mother will allow it even if you already get him a visa.

Carla, begin with trying to talk with the father, then filing a case at his bgy. if still fails, you will have to file a court complaint for acknowledgment and support.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

7 Re: Illegitimate Child on Thu Jul 12, 2012 2:21 am

rich_richie


Arresto Menor
Atty gud day,

I just want to know my child shes illegitimate and using her dad's last name. yung dad nya he is american citizen at hindi kami kinasal. ngayon may ibang pamilya na sya. is it possible na pwede nya kunan ng american passport yung anak namin?

View user profile

8 Re: Illegitimate Child on Thu Jul 12, 2012 2:36 pm

attyjoyce


Reclusion Perpetua
Hi rich_richie.

Pwede i-petition ng isang US citizen ang kanyang illegitimate child. Kailangan lang patunayan na may "bona fide parent/child relatioship" sila. Ang ibig sabihin nito ay dapat may continuous contact pa rin ang mag-ama. Dapat ay maipakitang tuloy tuloy ang concern na pinakita ng tatay sa kanyang anak.

For more free legal information about Family and Immigration laws, you may want to visit www.domingo-law.com

View user profile http://www.domingo-law.com

9 Re: Illegitimate Child Today at 8:35 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum