Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

qualified theft - no employment contract

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 qualified theft - no employment contract on Wed Jun 13, 2012 6:20 pm

nocontract


Arresto Menor
Hi atty;

Nagwork po ako ng mahigit 1yr. sa isang franchise company na photocenter, tenant kami sa isang mall. Nung nag-apply po ako noon don ay wala po sila hiningi ni isang requirements (medical,nbi,etc.). Doon din po ay wala din akong pinirmahan na Employment Contract. After ka mainterview nung may-ari ay sinabihan na lang ako na pwede ng mag-start sa work. Wala po sa minimum yung aming salary. Meron po akong workmate na wala pang 200/day ang salary at siya po ay 3yrs ng nagwowork sa company. Nung iba ko pong kasamahan pa ay 250 lang salary at 7yrs na po siya sa company. 11hrs everyday ang aming working hours (opening-closing ng mall 10am-9pm) namin na walang man lang overtime pay, 30minutes ang allowed na lunchbreak at walang pang restday. Katwiran po ng may-ari kung bakit mababa ang salary namin ay sagot naman nila ang upa sa isang bahay kung san dun po kami natuloy. Kapag may mga legal holiday hindi din po nila kami binabayaran. Hindi compulsary sa kanila ang sss, philhealth or kahit anong benefits Wala din po sila ini-issue na payslip kapag swelduhan kasi katwiran po nila nagkakaroon ng inggitan ang mga workers kapag nakikita ang sweldo ng bawat isa. Kahit Company ID na dapat sa Head Office nanggagaling ay wala din po. Kami na lang po mismo sa store gumagawa ng ID namin para lang makita kami ng customer na empleyado ng store.

Ang sweldo ko po ay 280/day at ito po ay thru atm pinapasok. Na-assign lang po ako bilang supervisor ng store thru verbal at wala po ulit pinirmahan kahit anong contract, hindi naman po nag-increase at nabago ang sweldo ko.

Ngayon po nakagawa po ako ng kasalanan dahil ako ang nagdedeposit lagi at dito po ay wala naman ako pinipirmahan na ako ang nagdedeposit. Basta ginagawa ko lang po ang work ko bilang supervisor. May mga pagkakataon na hindi po ko po dinedeposit lahat dahil sa mahigpit na pangangailangan, inaamin ko po sa sarili ko na nagkamali ako. Umabot po sa 122,000.00 ang lahat ng nakuha ko po. Last April ay nag-AWOL na po ako sa company dahil sa hindi ko na po kayang magwork at tumagal pa sa company.

Dumating po yung pagkakataon na may nag-audit at nakita po niya yung record ng deposit. Pinapunta po ako sa store at para ipaliwanag ang nangyari. Nakiusap po ako sa may-ari (thru call ang aming usapan) na babayaran at huhulugan ko lahat ng nakuha ko sa loob ng 6 na buwan pero hindi po sila pumayag, gusto po nila ibalik ko agad lahat sa loob ng isang linggo. Pati po yung pautang namin sa regular customer na sa panahon term ko na hindi pa po nababayaran hanggang ngayon ay isinama po nila na babayaran ko, tinanong ko kung bakit pati iyon? eh sigurado naman babayaran yun ng mga regular customer namin dahil ilang taon na nilang ginagawa yun at hindi naman sila nasisira sa pagbabayad. Sagot na lang ng auditor kelangan daw bayaran ko din un, kung sakaling bayaran ko daw yung mga utang nila at kapag dumating ang oras na nagbayad na ang mga may utang ay hindi ko na daw mababawi ang binayad ko. Tama ba yun?

Pina-blotter po nila ako sa police station nung araw na iyon. Kinabukasan pinilit po nila ako na pumunta kami sa Law Office para gumawa ng undertaking na babayaran ko lahat yun sa loob ng isang linggo, nakalagay po don na kapag hindi ko po binayaran ay criminal case ang ikakaso nila sa akin. Pero napansin ko po na mali ang spelling ng first name ko na nakasulat doon. Hindi ko na lang po ginamit ang tunay na pirma ko dahil sapilitan at hindi ko kagustuhan ang lahat.

Ano po ba dapat kong gawin? handa naman po ako bayaran lahat pero ayaw po nila pumayag sa panahon na pangako ko sa kanila. May mga nagsabi din sa akin na ilaban ko na lang daw at huwag ng bayaran dahil matatakot ang may-ari ng company na mabulgar lahat ng kanilang pandaraya at wala sa tamang legal sa pagpapasahod sa kanilang mga employee.

Hihintayin ko po ang inyong response. Salamat po...

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum