Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PAGSASANLA NG BAHAY

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 PAGSASANLA NG BAHAY on Fri Jun 15, 2012 2:44 am

vince0825


Arresto Menor
good day atty.,

hihingi po sana ako ng advice regarding sa isinanlang bahay sa amin na hindi natubos sa pinagkasunduang due date. March 13, 2012 po ng isinanla ang bahay nila, at nagkaroon po ng pirmahan ng kasulatan kung saan nakasaad na kapag hindi nila natubos ang bahay sa pagkakasanla sa tinakdang araw ay sa amin na mapupunta ang bahay. Pumirma naman po sila at binigay naman po sa amin ang titulo ng bahay at lupa bilang collateral sa inutang nilang 40,000.00 bukod pa po dun ang 10,000.00 na nauna nilang inutang ngunit hindi namin isinama ang halagang yun sa kasunduan dahil nagtiwala po kami. Nakasaad din po dun sa kasunduan na ang dute date ay noong nakaraang Mayo 13, 2012 at binigyan pa po namin sila ng 1 month na palugit para matubos ang kanilang bahay. noong June 13 po ang nakasaad na huling araw ng palugit na binigay namin. Pero noong araw po na iyon ay hindi nila tinubos ang pagkakasanla.Nasa ospital po ang tatay ko simula pa nung April kaya po pinupursige na po namin ang paniningil sa kanila subalit nung araw ng June 13, 2012 ay personal na po namin silang pinuntahan para singilin pero ang sagot samin ay wala daw po silang pakialam sa utang nila dahil wala daw po silang ibabayad kaya po nasabihan po namin sila ng "MAKAPAL ANG MUKHA NYO" ngayon po nalaman namin na nagreklamo sila sa brgy. at kinasuhan po kami ng "PAGMUMURA/HARRASSMENT" at kakampi po nila ang lupon ng brgy.

Tanong ko lang po atty. Meron po ba kaming karapatan na kunin ang kanilang bahay dahil sa hindi nila pagtupad sa napagkasunduan kahit hindi na pa notaryuhan ang ginawa naming kasunduan pero pirmado po nila at detalyado po ang mga kondisyon? Kung ilalaban po ba namin meron po ba kaming habol sa kanila? Yun po bang isinampa nilang complaint laban samin ay valid? tama po ba yung kasong isinampa nila dahil lang sa salitang nasabi namin na "MAKAPAL ANG MUKHA NILA"

Maraming salamat po at umaasa po kami na makakuha kami ng advice galing po sa inyo. MORE POWER po.




View user profile

2 Re: PAGSASANLA NG BAHAY on Sun Jun 24, 2012 3:26 am

ibonidarna


Reclusion Perpetua
Your agreement is void for being pactum commissorium. You cannot automatically appropriate the house upon their failure to pay their obligations. However, you are entitled to be repaid for the loan.

The case they filed may fall under unjust vexation.

View user profile

3 Re: PAGSASANLA NG BAHAY on Fri Jul 06, 2012 8:58 am

vince0825


Arresto Menor
Thanks a lot for your reply, pde po bang maitanong kung pde po ba nmin cla bigyan ng another due date sa pgbabayad?kc po until now almost 2 months na from the dute date d po tlga cla gumagawa ng paraan. so they feel like we dont have any right to do actions kc according to them "MANGAKO LANG NAMAN DAW CLA AT MAGBIGAY NG PETSA NG BAYAD OK NA UN, AT KHIT DI NMAN DAW CLA MAKATUPAD SA USAPAN OK PRIN DAW DHL WLA NMAN DAW KMING PDENG IKASO SA KNLA" and from that statement, we feel like wla nga ata tlga kming hahabulin sa knla ending po ata nito aasa nlng kmi sa knla sa hindi nila pagbbyad. ano pa pong ibang paraan pra mapilitan na po clang magbayad?maraming salamat po at sna masagot nyo pa po ulit itong huli kong katanungan.

View user profile

4 Re: PAGSASANLA NG BAHAY Today at 6:14 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum