Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Qualified theft

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Qualified theft on Sun Jun 17, 2012 11:46 am

iamjz


Arresto Menor
Hi! Good morning! May tanong lang po ako. Naaccuse ng qualified theft sister ko. nagtatrabaho sya sa isang mall. nakaschedule na hearing pero wala pa kami abogado. Ano po mangyayari sa hearing. Kahit sa PAO po ay di pa kami nakakalapit. Pwede po ba magrequest na reschedule hearing? Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Qualified theft on Sun Jun 17, 2012 12:13 pm

lheyo


Arresto Menor
Pwede ka naman pumunta sa PAO... Free Assistance yun..

View user profile

3 Re: Qualified theft on Sun Jun 17, 2012 5:42 pm

juanderer


Arresto Menor
good day po , pasok po ba sa qualified theft ang tindero ko? , sumobra po tiwala ko sa kanya after 3 years po ngayun lang ako nag inventory ng mga stuffs ko ang i found out na di nya na nilista sa sale ang nagkakahalagag P94,150 na nabenta,tnx

View user profile

4 Re: Qualified theft on Thu Jun 21, 2012 11:57 am

ibonidarna


Reclusion Perpetua
Oo.

View user profile

5 Re: Qualified theft on Sun Jun 24, 2012 10:53 pm

goodboyna


Arresto Menor
Attorney;

ito po yung kwento ng kaso ko po, pinatawag po ako sa dati kong pinagtratrabahuan itong june 20, 2012 dahil po nalaman nila na meron mga nawawalang computer parts sa inventory nila. kaya po pumunta po ako nung araw na pinapupunta nila ako, at kinausap po ako ng may-ari kasama yung dati kong kasamahan sa trabaho na na-tanggal sa pangunguha sa kaha ng pera. pinaharap din po nila yung mga dati nilang mga computer technician, na pinalit nila sa amin. at inisa-isa po ang mga nawawala na computer parts. pinaamin po ako ng may-ari kung kinuha ko po yung mga nawawalang parts ng computer. Umamin po ako kung ano yung mga kinuha ko po. pero hindi po lahat na sabi ko ang mga pinalitan kong mga parts ng computer. ang akala ko po okay na sa may-ari ng umamin po ako. pagkaraan ng 1week, nagtext po sa akin ang may-ari ng dati kong pinagtrabahuan at pinapunta po ulit at after 1week at pinapirma po ako sa Affidavit of Desistance, nakalagay po dun yung mga nawawalang computer parts at naka-amount po siya kung magkano po nila binili, pinapirma po nila ako dun sa Affidavit of Desistance. na babayaran ko po lahat ng nawawalang computer parts sum of 57,000 fifty seven thousand pesos sa loob ng 3buwan po.

hindi naman po lahat ng nawawalang parts ng computer ay kinuha ko po attorney.
sa pagkakatanda ko po, ito ang mga pinalitan ko.

3pc Intel Quad Core Q8400 Processor
1pc intel e7400 lga
1pc intel e2200 lga
1pc hitachi 500gb sata
15pc Genuine Windows XP Home edition 32bit
yan po ang mga natatandaan kong pinalitan at kinuha ko po.

pero yung nakalagay po sa Affidavit of Desistance

3pc Intel Quad Core Q8400 Processor
1pc intel e7400 lga
1pc intel e2200 lga
1pc hitachi 500gb sata
36pc Genuine Windows XP Home edition 32bit
1pc 2gb ddr2 memory

kaya po nag total siya ng mahigit 70k
dahil po hindi ko nagalaw yung kinuha ko pong 15pc na Genuine Windows XP pinasaoli po sa akin kaya po binawasan nila ng 13K yung 70K kaya po naging 57k ang total ng babayaran ko po.

sinabi ko po sa kanila na hindi ko po kayang bayaran sa loob ng 3buwan ang 57k nagtratrabaho po ako ngayon sa maliit at baguhan na comuter shop ang sahod ko po sa 1 buwan ay 12k buong sahod ko po yan walang pang bawas para sa allowance. sinabi ko po kung pwede nila gawin 5buwan hindi po sila pumayag, dahil sila daw po ang na-argrabyado, may mga dapat daw na iprioritized dahil sa mga nagawang kasalanan.

hindi napo kasi ako makatulog attorney,kaya ko pong bayaran yung mga pinapabayad nila sa akin, kaso po sa sobrang ikli na panahon. saan po ako kukuha ng ganun kalaking pera sa loob ng 3buwan?

Ang tanong ko po attorney, kung makapagbigay po ako ng kalahati ng hinihingi nilang kabayaran, ano pong mangyayari sa kaso ko po?

ilang buwan o taon po ang kulong po sa Qualified Theft? pwede po ba akong magpyansa? kapag kumuha po ako ng NBI at Police clearance meron napo ba akong record?

gusto ko po makipag-tulungan sa may-ari para matapos at malinis po yung kaso po.
kaso parang gusto po nila ako bigyan ng leksyon, gusto po nila akong ipakulong.
hindi po alam ng magulang ko na meron po akong ginawang kalokohan.
at ayaw ko pong ipaalam kaya po gumagawa po ako ng paraan para maka-ipon ng pambayad. halos lahat po ng pinundar kong gamit binebenta ko napo para meron po akong pambayad. pero hindi po talaga kayang umabot ng 3buwan para mabayaran ko lahat.

ano pong pwede kong gawin attorney para po, matapos at malinis po ang kaso ko?
nakikipagtulungan naman po ako sa may-ari pero parang pinaglalaruan napo nila ako na pinapupunta ng mga biglaan. meron din po akong trabaho na pinapasukan ngayon at nagpapakabait napo ako last napo at hindi ko napo uulitin mga ginawa ko sa dati kong pinagtrabahuan.

ayoko po makulong attorney, hindi na po talaga ako makatulog, wala din po akong lawyer wala po akong pera pambayad sa lawyer na magtatanggol sa akin, inamin ko naman po mga ginawa ko at kapag pinapupunta ako pumupunta naman po ako.

sana po mabigyan niyo po ako ng advice attorney, parang masisiraan na ako ng bait, parang gusto ko na po magpakulong kaso po paano po yung mga 2 kong anak
ako po nag-aasikaso sa kanila naghahatid sa skul tapos papasok naman po ako sa trabahao, pinapasundo ko nalang po sila sa parents ko.

maraming salamat po attorney sana po mabigyan niyo po ako ng advice.

View user profile

6 Re: Qualified theft Today at 12:40 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum