Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

lupang pinatituluhan ng iba

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 lupang pinatituluhan ng iba on Mon Jun 25, 2012 5:19 am

juan at pedro


Arresto Menor
meron po kaming lupa na namana pa po sa lolo namin. dati po itong parti ng timberland hanggang naging release area sometime in 1996. Ang lupa pong ito ay humigit kumulang ng pitong ektarya.
dumating po ang lolo ko sa lupang ito noong 1960, simula po noon cya na ang nag alaga sa lupaing iyon na mismo cya hanggang tantya lang kc hindi po ito kasali sa lumang mapa na pwedeng tituluhan. magkalaonan po, ang lupang iyon ay pinamana po sa tatay ko kc cya lang ang interesado magbungkal sa lupang iyon at ayaw narin ng mga kapatid ni tatay manirahan doon kc bukod sa malayo sa baryo ay mahirap tahakin dahil sa walang tamang daan, nasa paanan pa ito ng malaking gubat. mahirap din daw po maglabas ng produkto kung may aanihin sa sakahan.
nang dumating ang taga DENR sa lugar namin po ay akala namin kung ano lang ang ginawang survey. sinabihan kami ng isang surveyor na pwd na raw namin aplayan ng titulo ang lupa namin kc parte na ito ng release area, taong 1996 po yun at buhay pa po ang lolo namin pero nasa bayan na nakatira kc matandang matanda na at inaalagaan na ng kapatid ni tatay.
hindi po namin agad pinuntahan ang opisina ng DENR sa panahong iyon. tsaka nalang po namin pinuntahan nang makaipon na po kami ng pera sa taong 2003. nang makarating kami sa opisina po ng DENR o CENRO. di namin sukat akalain na malaman namin na titulado na pala ang lupang kinatitirikan ng kabuhayan namin. nang pumunta po kami sa municipal assessors office di na po namin pwede kunan ng tax declaration ang lupang yaon kc may nakakuha na noong 1997. ang masaklap pa po pinapaalis na po kami sa lupang iyon pero ayaw umalis ni tatay mamatay man cya.
pumunta po kami sa provincial office po ng DENR o PENRO. inasikaso po kami ng isang casual employee at pinapangako na aayusin po ang problema namin.
ang sabi po ng casual employee doon ay kung papayag po kami na yung aktwal nalang na lupa na ginagamit namin sa kasalukuyang ang ilalaban namin. ayaw po ni tatay ng ganun kc ang buong lupain na yaon natamnan na niya ng mga durabling puno at prutas.
hanggang ngaun po ay nakabinbin parin po sa PENRO ang problema namin mula noong 2003 hanggang ngaun. gusto po sana namin malaman kung paano nakalusot ang application ng taong yun pero hindi po namin alam kung paano makakakuha ng kopya ng karpeta. gusto po naming makita kung anong katibayan ang nakalagay sa karpetang iyon para maintindihan namin kung bakit sadyang ganun lang kadali ang pagkuha sa lupa ng lolo at tatay ko.
ni minsan di po kami umalis sa lupang iyon at hanggang ngaun doon parin kami namumuhay.
may habol pa po ba kami? tulungan nyo po kami parang awa nyo na po.

View user profile

2 Re: lupang pinatituluhan ng iba on Mon Jun 25, 2012 7:57 pm

lawyeranger


Prision Correccional
matagal taga na din na panahon na natulog kayo sa inyong karapatan sa inyong lupa, sa aking palagay malabo na po nating mapapatunayan na kayo nga ang may ari ng lupa, ang mabuti po ninyong gawin dumulog kayo sa pinakamalapit na tanggapan ng isang abogado o sa opisina ng Public Attorneys office na malapit sa inyo

View user profile

3 Re: lupang pinatituluhan ng iba on Tue Jun 26, 2012 12:31 am

juan at pedro


Arresto Menor
may abogado po nakapagsabi sakin na humingi po ako ng second opinion sa mga abogado na mataas ang karanasan sa mga ganitong kaso kaya po dumulog po ako dito. sana po may iba pang opinion akong masagap:((

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum