Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Stalking and threatening former friend

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Stalking and threatening former friend on Wed Jun 27, 2012 10:45 am

lisaveronika


Arresto Menor
Meron po akong (dating) kaibigang lalaki. Naawa po ako sa kanya kasi marami syang problema sa buhay kaya naisip kong damayan siya. Pinapakinggan ko po ang mga kwento nya tungkol sa family, work, etc. Sinabi rin po nya sa akin na may malala siyang sakit at maaaring may taning na ang buhay nya. Naniwala po ako sa mga sinabi nya kaya naisip ko na iparamdam sa kanya kung paano ang'may nagmamahal at may umiintindi' sa kanya. Pero hindi ko po siya talaga inisip bilang isang boyfriend. At lagi ko po sa kanya ng sinasabi na magkaibigan lang kami. Pero nung nagtagal ay naging possessive sya at ayaw na niyang humiwalay sa akin. Nag aasta na siyang boyfriend at ayaw na niya akong makipagkita sa ibang tao. Nung nakaraan lamang ay sinabi nya na wala na siyang sakit. Kaya hindi ko na alam kung ginagamit lang niya yung mga malungkot na kwento para pakinggang ko siya. At hindi ko na rin alam kung totoo pa ang mga yon. Nung napuno na po ako sa ugali nya, nagdecide po ako na pagtaguan na lang siya sa probinsya.
Pero dumating po sa punto na hinanap pa niya ako sa probinsya at nagthreat na hindi siya aalis sa labas ng bahay namin hanggang hindi ko siya kinakausap. Natatakot na po ako at ang pamilya ko. Sabi po niya, ay uulit ulitin nyang gawin yon (ang magbantay sa labas ng bahay namin) hanggang hindi niya ako nakukuha. pati po ang pamilya ko ay nadadamay na dahil nagtetext din siya sa kanila ng mga exaggerated na bagay na nakaka-disturb na. Sinabi ko na po na magsusumbong ako sa pulis pero sabi niya ay mas mabuti na yun para magkausap kami. Ayaw ko na po siyang kausapin dahil magaling po siyang magbaliktad ng sitwasyon. Nagbabanta rin siya na magpapakita raw siya ng mga katunayan na girlfriend niya ako at boyfriend ko siya. May mga pictures po kami dati at mahilig din po akong gumawa ng mga notes at letters at meron naman po talaga akong mga ibinigay sa kanya DATI. Pero hindi po ibig sabihin noon ay boyfriend ko talaga siya. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Natatakot na po ako dahil sinabi na rin niya dati na kung hindi nya ako makukuha ay hindi ako mapapakinabangan ng iba. Help! Ano po ang pwede kong gawin.
PS> lagi rin nyang ipinagmamalaki na anak siya ng pulis kaya marami siyang koneksyon. HIndi ko na po talaga alam ang dapat kong gawin.

View user profile

2 Re: Stalking and threatening former friend on Thu Jun 28, 2012 10:22 pm

attyLLL


moderator
i recommend you make a complaint at the women's desk of the nearest police station or nbi


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum