Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

New Member - pamilya

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 New Member - pamilya on Fri Jun 29, 2012 1:20 am

OldNavyBlue


Arresto Menor
Magandang Gabi.

Sana po ay matulungan nyo ako sa aking problema. Medyo mahaba po ito pero sana po ay malinawan nyo ako.
Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ako ng isang completo at masayang pamilya.

Meron akong kinakasama at nag ka anak kami.
Sa mga taon ng aming pagsasama, hindi ko man lang nakita at nakilala ni isa sa kanyang mga pamilya at kaibigan kahit anu man ang pilit ko sa kanya.

Hinayaan ko ang mga panahon at taon na lumipas at Sa aming pagsasama ay nagkaroon kami ng 3 anak. Nagsikap ako para mabuhay kami ng maayos. Naka pag abroad ako at parang nawala sa aking ang tunay na kasaysayan ng isang pamilya. Inisip ko nlng mag trabaho at magpadala ng pera para sila ay mabuhay.

Sa mga taon na ako ay napalayo sa kanila, lalong napalayo na rin ang loob ko lalo na sa partner ko. Lage nlng kami nag aaway lalo na pag humihingi na sya ng pera. Nagduda na ako noon pa kung baket hindi man lang kami pinakikala sa pamilya nya at lalong tumindi ang pagduda ko nung Peneke nya rin ang mga birthcertificate ng mga anak namin kasi kahit hindi kami kasal, nilagyan nya ng date of marriage.

Dumating sa oras na ako ay napuno na at gusto ko ng totoong pamilya. Nakatagpo ako ng isang mabait at totoong tao while nasa abroad ako. Sinabi ko sa knya lahat ng nararamdaman ko tungkol sa problema ko. Hindi ko akalain na ako ay tatanggapin at mamahalin nya ng tunay.

Nung umuwi ako sa pilipinas 2 yrs ago naki pag hiwalay na ako sa ex partner ko. Pina uwi ko na sya sa kanila. Umalis sya dala ang 3 anak namin, mga gamit sa bahay, pera at kung ano pang pwede nyang madala.

Ngayon na kasal na ako at masaya sa aking totoong pamilya, nanggugulo sya.
Nakaktanggap ako ng mga text messages na nanakot sya na ipapakulong nya ako at ban working abroad dahil hindi daw ako nagbibigay ng suporta sa kanila.

Tanong ko lang po:
1. ang suporta ba sa mga bata dapat equally shared namin kahit walang trabaho ang ex partner ko?

2. pwede ba nya akong ipakulong at ban sa trabaho kaagad? or may process po ito?

3. pwede ba ako mag file ng threat or oral defamation sa mga text messages na pinagsasabi nya lalo na sa paninira nya sa wife ko?

4. pwede ko rin ba kasohan sya ng falsifying documents sa birth certificate ng mga anak namin?

5. and last po, malakas ang kutob ko na hindi nya tunay na pangalan ang ginagamit nya, may kaso po ba akong pwede isampa dito?

View user profile

2 New Member - pamilya on Fri Jun 29, 2012 2:19 pm

OldNavyBlue


Arresto Menor
Magandang umaga.

Sino po ba pwede makatulong at makasagut sa mga tanong ko.

View user profile

3 Re: New Member - pamilya on Fri Jul 06, 2012 12:22 pm

ambulancechaser


Arresto Menor
hindi nyo po nabangit kung kayo ang tatay o Nanay pero I assume sa Tema ng iyong pananalita kayo ang lalake. Estudyante plang po ako na nag nanais maging lawyer so take my opinions with great reservations.

1.)Kung sa birth certificate po ay pumirma kayo bilasng tatay. May pananagutan po kayo sa inyong mga anak. ngunit you spousal support napaguusapan naman po kung ilan sya.

2.)Lahat po ng bagay sa may due process hindi nya po kayo basta basta maipapakulong.

3.)pwede po kayo mag file ng restraining order kung maipapakita mo na mayroon talagang threat sa iyong asawa.

4.)Sakaling mag file sya ng kaso karapatan mong malaman ang kanyang tunasy na pangalan. Kung yung marriage date lang ang pagbabasihan parang mababaw lang etong dahilan. Pwede nyo pong tingnan kung tunay nga po talagang pangalan ang gamit nya.

View user profile

4 Re: New Member - pamilya Today at 12:43 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum