Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

child support or solo parent?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 child support or solo parent? on Mon Jul 02, 2012 8:49 am

buttercup30


Arresto Menor
magandang araw po,ano bang dapat gawin kung at san ba mas magbenefit? parehong professional kaming mag asawa pero di nagbibigay ng sweldo ang asawa ko dahil alam kong may ibang sinusuportahan sya na babae at minor pa, naiisip ko na lang mag file kaya lang san ba ko mas magbenefit sa solo parent o sa pagsampa ng kaso na non support? ayaw ko kasing mapagusapan kaming dalawa dahil kilala kami sa work at sa community. emotionally pagod n ako maghintay dahil ayaw nya makipag usap at madalas wala syang time mag alaga sa mga 2 bata kahit walang pasok lagi syang umaalis at madalas kung hindi hatinggabi ay madaling araw ng makalawa umuuwi at di nagtetext o nagpapaalam. ilan beses n ko nag attempt makipag usap pero wala akong napala.

salamat po

View user profile

2 Re: child support or solo parent? on Mon Jul 02, 2012 11:02 am

attyjoyce


Reclusion Perpetua
Hi buttercup30.

Pwede ko bang malaman kung ano talaga ang habol mo sa iyong asawa? Gusto mo lang ba ng support coming from him? o gusto mong makipaghiwalay na rin? kailangan natin maintindihan kung ano ultimately ang gusto mong mangyari para mapag-isipan kung ano talaga ang pinakamagandang i-file laban sa iyong asawa.

Para sa libreng impormasyon tungkol sa Family Law, maaari mong puntahan ang www.domingo-law.com.

View user profile http://www.domingo-law.com

3 Re: child support or solo parent? on Mon Jul 02, 2012 10:33 pm

buttercup30


Arresto Menor
attyjoyce,
gusto ko na syang umalis na lang dahil emotionally stress na ako sa ginagawa nya araw araw. kahit di na nya suportahan ang mga anak nya basta wag na lang sya magpakita sa min dahil ganun na ginagawa nya halos isang taon na.

salamat

View user profile

4 Re: child support or solo parent? on Tue Jul 03, 2012 2:37 pm

attyjoyce


Reclusion Perpetua
Pwede mo pagpilian ang pagfile ng criminal case against him para sa hindi nya pagsuporta sa inyo. Under yan ng Violence against Women and their Children Act. Pwede ka rin magfile ng action for support laban sa kanya. Civil case ito, ito ay para sa paghingi sa support na dapat ay binibigay nya sayo at sa mga anak ninyo. Kung gusto mo naman makipaghiwalay na sa kanya, pwede ka magfile ng annulment o ng legal separation, kung matapos mo ikwento sa iyong abugado ang buong facts ay makitaan nya ito ng tamang grounds.

View user profile http://www.domingo-law.com

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum