Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Sino ang may karapatan sa stock?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Sino ang may karapatan sa stock? on Sun Jul 08, 2012 11:46 pm

Bill Nightly


Arresto Menor
hi atty. patulong naman po, kahit minor lang ito. nung maliit pa po ang papa ko e binilhan po sya ng stocks ng tatay nya. bale tatay nya po ang nagtransact at sa pangalan nya inilagay. nung malaman ito ng mga sisters nya, naging target po si papa at sinasabihan syang ganid dahil nga hindi raw nya ishinishare yung dividends nung stock sa mga kapatid nya. sa totoo lang po e wala po talagang naibayad ni piso ang stock na to. hindi ko lang po alam kung bakit pero dahil na rin siguro dahil kokonti lang at di naman gaanong sikat yung kumpanya.

for many years po pinag-iinteresan po ito ng mga sisters ni papa. meron pa ngang isa na gustong magpa SPA para sya na raw ang haharap dun sa board at mag-iinquire tungkol sa dividend. kahit iniinsist ni papa na walang dividend na binabayad e hindi po sila naniniwala. ngayon po ay may narinig po akong balak nung sister na yun na puntahan yung company at ipalipat ni papa sa kanya yung share kasi raw hindi naman daw interesado si papa dun kaya bakit hindi na lang daw sa kanya ipangaln. anyway din daw po e tatay din naman daw nila yung bumili nung stock.

tanong ko lang po, minor lang po si papa nung ipinangalan sa knya yung stock. valid pa rin po ba yun at may right po ba yung mga sister nya na kunin sa kanya yung stock na yun? hindi naman po nabo-bother masyado si papa dahil natatawa pa nga pero ako po ang nabo-bother kze nga po e minsan po diretsahang lait ang naririnig ko sa mga kapatid nya. gusto ko lang po malaman kung sino po ang tama sa kanila at kung may claim din po yung mga sisters. marami pong salamat atty.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum