Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

financial suppport of illegitimate child.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 financial suppport of illegitimate child. on Tue Jul 10, 2012 10:29 am

emmy24


Arresto Menor
gud day i just want to ask if my child has the right to have a financial support from his father even if we are not married?please send me a sample of affidavit for me to used for the filing of case para po mapanotarized ko...thak you...please reply Smile

View user profile

2 Re: financial suppport of illegitimate child. on Tue Jul 10, 2012 12:09 pm

lawyeranger


Prision Correccional
yes, better consult a lawyer, sample complaints varies in certain respects

View user profile

3 Re: financial suppport of illegitimate child. on Tue Jul 10, 2012 4:18 pm

Rawr_U.


Arresto Menor
Good day, I had a boyfriend last January 2009, I was only 16 years old back then and I was totally fooled by him cause he was my first boyfriend and first love. I'm not matured enough po sa mga do's and don'ts sa isang relationship so I just did everything to keep our relationship at hindi kami magkahiwalay, at noon I considered him that he will be my husband in the future. He was a lascivious guy pero tiniis ko at tinanggap ko ang ugali niya dahil sa takot na iwanan niya ako... He always texted me late at night na makipagsex-on-phone kahit hindi ko gusto, pinipilit nya ako.. He was just 19 years old but he influenced me and thought me everything he knows about sex and ako naman si tanga na sumakay sa mga gusto nya. Saka lang nya ako tinitex kapag horny sya at hnd talaga nya ako inaalala. Ginawa lang nya akong pampalipas oras. Navirgin niya ako nong pinapunta niya ako sa stall nila at hindi ko naman inaasahan na iyon pala ang pakay at intensyon niya kaya niya ako sinabihang magmeet kami that day. Hindi na ako nakapalag dahil natakot po ako na iwanan niya ako, although wala naman syang sinabi na iiwan nya ako kapag hindi ako bumigay. And then naulit pa po iyon unexpectedly dahil naseduce nya ako na mamimis daw nya ako dahil babalik na po kasi ako ng Manila for school. On the 3rd time that we had mate, umaga nangyari yon, tapos kinagabihan, nakipagbreak sya sa akin at inamin niya na hindi talaga niya ako mahal, and lust lang nararamdaman nya sa akin. And saka ko nalaman din na nabuntis nya ako. 16 years old lang po ako non tapos kinontak ko sya at ininform, kung anu-anong sinasabi nyang mura sa akin dahil ginugulo ko daw sya, tapos pinagkakalat nya sa mga kaibigan nya na naghahabol ako sa kanya at namimis ko lang daw ang penis nya, sinadya niyang magpalit ng number para hindi ko makontak, sinadya niyang hindi magpakita at wala daw syang pakialam sa akin. Tapos kinuha ko ang contact no. nya sa ibang kaibigan nya kaya kami nagkaron ulit ng communication. Tapos sinabi nya na ipalaglag ko raw yung mga bata, kung anu-anong tinex nya sa akin na pinipilit nya akong bumili ng gamot pampalaglag, pinipilit nya akog tumalon ng hagdan tapos iparaspa ko na lang daw sa ospital yong baby ko. Tapos sinadya nyang madepress ako ng mga salita nyang masasakit para mastress ako at makunan.

That time graduating sya sa college kaya hindi ko sya inireklamo, dahil na rin umaasa akong magkakabalikan kami at magiging buong pamilya. Hinayaan ko po siya na grumadweyt at magkaron ng trabaho, binigyan ko po sya ng oras para makapag-isip par marealize nya mga ginawa nya sa aking masasama at hinintay ko pong magsory siya. Kaso nong manganak ako, nabalitaan ko na may girlfriend na siya at sobrang sama ng loob ko na nagagastusan pa niya ang syota nya, naililibre sa mga kainan, naihahatid sundo nya, at nabibigyan nya ng oras, yon mga bagay na never nyang nagawa sa akin nong buntis ako at nong magkarelasyon kami. At yong girlfriend pa nya noon ay may anak na rin sa ibang guy kaya isinumbat ko po sa lalaking yon na baka yong batang yon pa ang palamunin nya at palakihin kesa sa sarili nyang mga anak. Nabalitaan ko pa na dinideny nya iyong mga anak ko na anak nya, at sinisira pa nya ako na sinasabi niya na obsess lang daw po ako sa kanya at hindi daw ako makamove on kaya kinukulit ko sya. Kambal po ang anak namin at 2years old na po ngayon pero yong lalaking yon e never nagpakita at humarap sa akin. Never silang nag-apologize sa mga ginawa niya. Ginawa nya akong basura at patapon, sinira niya po ang buhay ko at kabataan ko, sinira po nya future ko at ng mga anak ko. Pati sakit nya na STD e inihawa niya sa akin. Never syang nagbigay para sa mga anak ko at isinusuka pa nya kami ng todo. Binalaan pa nya mga katrabaho nya,mga kamag-anak, kapitbahay, kabaranggay, batchmates nya sa college at hayskul na wag akong papansinin dahil baliw lang daw ako at napakasinungaling ko raw sa mga accusations ko sa kanya. Wala raw akong anak dahil hindi pa raw nya nakikita in person. E paano po nya makikita e ayaw po nyang puntahan at hindi sya interesadong makita yong mga anak namin. Hindi nya nirecognized sa birth certificate yong mga bata at tinaguan pa nya kami dahil iyong mother nya, tito at tita nya kapag pinupuntahan ko o kinokontak ko sa tex e ayaw nilang sabihin kung nasaan iyong lalaki. Pati mga katrabaho at kaibigan nong lalaki e sinabihan nyang wag na wag nilang ibibigay yong contact number nong lalaki sa akin dahil manggugulo lang daw ako.

Kaya nong naubos ang pasensya ko, nag-iskandalo ako thru tex at pinagtetex ko ang mga katrabaho nya at girlfriend nya na dahilan ng pagbrebreak nila. Pinagsalitaan ko yong lalaki ng mga words na judgments ko sa kanya like wala syang kwentang ama, hindi dapat pnagkakatiwalaan, wala syang paninindigan at napakaduwag nya, at marami pang panggigisang salita na ipinost ko rin sa Facebook page niya. Galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin at sa mga anak ko na walang kaalam-alam na gusto silang ipapatay ng sarili nilang tatay nung pinagbubuntis ko sila at paulit-ulit pang dinideny sa ibang tao at ako pa ang pinapalabas nyang naninira sa kanya at sya pa iyong inaargrabyado ko. Nagsampa sila sa brgy. namin ng libelo dahil nga po doon sa post ko sa FB na nadelete ko na at sira na ang ebidensya nila. Pinalabas nila sa brgy. namin na naghahabol lang ako sa kanya at patay na patay ako doon sa lalaki kaya ko sya sinisira daw sa mga tao. Hindi naman ako nakapunta ng brgy.hall that time dahil nasa Manila ako kaya hindi ko nadipensahan ang sarili ko. Ang parents ko naman ang sobrang nakakahiya at nagulantang sa mga ginawa nila dahil hindi nila alam ang tungkol sa ginawa ko don sa guy. Hindi kami nagreklamo noon sa kanya dahil gusto pa namin kami magkaayos at wala ring pera ang mga magulang ko at nag-aaral pa lang din ako ngayon. Pero sa ginawa nilang pagpapahiya sa akin at pagmamalinis ng lalaking iyon e talagang desidido na akong ipakulong sya. Hindi lang nya sinira ang pagkatao ko, pati kinabukasan ng mga anak ko sinira nya, ginawa nyang bastardo at binigyan ng kumplikadong buhay dahil sa pagiging broken family namin. Sirang-sira ako sa lahat ng tao sa municipality namin dahil kagawad ang mommy nya at inapak-apakan nila ako.

Ngayon po, gusto kong malaman ang mga maari kong isampang reklamo sa kanya dahil kung tutuusin, ako iyong miserable ang buhay dito at siya itong nagpapakasarap lang at nakukuha ang lahat ng gusto.

Dahil 19 years old na ako ngayon, at nangyari ang seduction/rape nng 16 years old ako e hindi ko yon pwedeng ireklamo?

Hindi ko po ba siya pwedeng ireklamo ng intentional abortion sa pang pupwersa nya sa akin noon magpaabort?

Ano po bang requirement na dapat para makasuhan ko sya ng multiple slander, oral defamation, character assasination, child abuse, sexual harrassment, simple seduction, unlawful carnal knowledge, libel para din sa mga post nya tungkol sa akin, moral and exemplefary damages, rape under having knowledge to hav STD, R.A. 9262, abandonement, multiple counts of unjust vexation, violation of youth welfare code, grave threats, and others?

Gusto ko po siyang maparusahan sa lahat ng ginawa nya sa akin at pagdusahan nya lahat ng pinagdaanan ko, gusto ko po siyang makulong. Dahil ang ginawa niya sa akin at sa mga anak ko ay lifetime misery. Hindi na ako pwedeng mag-asawa dahil nahawa ako ng sakit niya na STD at ayokong bigyan ng burden ang ibang tao at ipaobliga ang responsibilidad na dapat naman ay para sa ex ko. Kaya wasak na ang lovelife ko. Hindi na rin ako maari pang maging masaya dahil sa kanya.

sana mabigyan niyo po ako ng sagot. salamat po.

View user profile

4 Re: financial suppport of illegitimate child. on Tue Jul 10, 2012 5:29 pm

attyjoyce


Reclusion Perpetua
Hi Rawr_U.

You may visit PAO and tell them your story. Based on what you have said, there are several claims and charges that you may file against him. Your first step is to find a lawyer that can help you, PAO may do that for you.

View user profile http://www.domingo-law.com

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum