Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

One-Sided Contract

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 One-Sided Contract on Mon Jul 16, 2012 10:28 pm

superjonay


Arresto Menor
Atty,
Nais ko po humingi ng advice sa bagay na ito. Nawa po ay kami ay inyong matulungan.

Isinangla ng aking tito ang isang pitak ng bahay sa nasabing tao. According sa kontrata, ito ay nakasangla sa halagang 33,000.00 piso. At nakasaad pa dito na sumasang-ayon ang nagsangla na ayusin ang kwarto na ito ng pinagsanglaan, gayunpaman ang halaga ng nagastos sa pagpapa-ayos ay idadagdag sa principal na perang hiniram. At nakasaad na ang nagastos sa pagpapaayos mg kwarto ay 18,000.00 kung kaya ang kabuuang perang dapat ibalik ay 51,000.00 piso. Gayunpaman, nakasaad sa kontrata na nagkasundo ang dalawang panig na gagamitin ng ikalawang panig (pinagsanglaan) ang kwarto sa loob ng 15 years. Na matatapos ang kasunduang iyon hanggapng sa matapos ang 15 taon (nagsimula noong marso 2009) at sa pagtubos ng pagkakasangla.

ang aking katanungan, nalagdaan ang nasabing kontrata, ngunit maari ba itong maging invalid? sapagkat napaka-mapanlamang ng nasabing contract. Ipinasagot ng taong pinagsanglaaan ang ginsatos nito sa kwarto gayong siya naman ang makikinabang nito.Nararapat po ba ito? at ang 15 taon na paggamit? Napakatagal nito para sa halagang 33,000.00 at isa pa, kahit matapos ang 15 taon ay nararapat pa rin naming bayaran ang nasabing kabuuang halaga na 51,000.00.

ano po ang inyong masasabi tungkol dito? Sana po kame ay inyong matulungan.



Ngayon po, nais kong maayos ang lahat ng pagkakautang ng aking pamilya. Baon na po kame sa utang na tingin ko naman ay di dapat at di makatarungan. ano po ang dapat naming gawin at maipapayo? ang aking mga magulang ay tila napagsamantalahan ng mga taong nanlalamang ng kapwa at nais ko itong maituwid. nawa po ay kami ay inyong matulungan. Salamat po.

View user profile

2 Re: One-Sided Contract on Sun Jul 22, 2012 10:43 pm

concepab


Reclusion Perpetua
If both parties concurred and signed the contract, therefore it is valid. Kahit pa sabihin natin na biased ang contract.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum