Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

child custody/adultery/concubinage

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 child custody/adultery/concubinage on Wed Aug 01, 2012 7:48 am

pengkoy


Arresto Menor
Good Day po!
Gusto ko lang pong humingi ng legal advise tungkol sa "child custody/adultery/concubinage".
Mahaba po ang istorya ng buhay ko pero dederetsuhin ko na lang sa kelangan kong malaman.

--Ang asawa ko po ay nasa Singapore ngayon. Kasal kami pero may kinakasama na syang iba at ngayon ay may anak na sila. May asawa't anak din ang lalaking nakabuntis sa kanya. Nagsimula ang relasyon nila nung nasa Taiwan pa sila at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa din at nagbunga pa. Maayos na ang paghihiwalay namin subalit hindi sa legal na paraan kundi sa "verbal" lamang. Ako din naman ngayon ay may kinakasama na at kasalukuyan syang nagdadalang tao. Ang aking pong kinakatakot ay kung kanino mapupunta ang karapatan sa una kong anak. Alam ko po na dapat sa ina ang bata hanggang hindi pa ito maaring mamili ng sasamahan pero depende pa rin sa pasya ng korte kung ako ang maghahain ng "Petition for Custody".
Subalit eto po ang pangyayari, magmula pa noong umalis sya papuntang Taiwan ay na sa aking pangangalaga ang anak namin magpahanggang ngayon. Sa August 3 ay may balak syang umuwi at hiramin ang anak namin hanggang 2 buwan ng kanyang pamamalagi dito sa Pilipinas. Nagdadalawang isip ako na ibigay ang bata sa kadahilanang baka hindi na nya ibalik sa akin. Bukod pa dun ay madaling ma"Brain Wash" ang anak ko sa mga mabulaklak na salita at pamamaraan ng pagsuyo na ginagawa nila.
Narito po ang aking mga katanungan?
1. Dahil mula noon ay nasa akin ang anak namin, kung hindi ako pumayag na ibigay sa kanya ang bata, kinakailangan ba na sya ang magfile ng "Petition for Custody" o maari nya itong kunin ng wala akong laban alinsunod sa batas?
2. Maari bang maging ground for custody ang adultery at concubinage? Kung hindi ano ang mga halimbawa ng mga grounds na maaring kong ilahad sa korte?
3. May bigat po ba sa korte kung sino ang unang nagkasala (adultery/concubinage)?
4. Ano ang maaring gawing ebidensya kung ako ay magsasampa ng kasong adultery? Ano din ang maari nyang maging ebidensya kung sya naman ay magsampa ng kontra-demandang concubinage.
5. Kung mapapatunayan sa batas ang salang adultery sa aming sitwasyon, ano ang parusang maaring maipataw sa nagkasala? Maari pa ba sayang makaalis ng Pilipinas?
6. Makakaalis pa rin ba ako ng bansa kung sya naman ang panigan ng korte sa paghatol sakin sa kasong "concubinage"
7. At ang huli po, ano ang aking "CHANCE" na maipanalo ang mga maari kong isampang kaso?

Maraming Salamat po!

View user profile

2 Re: child custody/adultery/concubinage on Wed Aug 01, 2012 11:38 am

attyjoyce


Reclusion Perpetua
Hi pengkoy.

1. Habang wala pang judicial order tungkol sa custody ng inyong anak, ang ibig sabihin ay dalawa parin kayong may joint custody sa bata. Kahit sino sa inyo ay pwedeng samahan ng bata dahil equal ang rights ninyo sa kanya. Dahil dito, may karapatan din ang asawa mo na makasama ang bata ng 2 buwan.

2. Sa custody cases ng bata, ang kailangang mapatunayan ay kung sino ang mas may kakayahan para palakihin at alagaan ang bata. Ang adultery at concubinage ay pwedeng maging ground lalo na kung dahil sa mga kasong ito ay hindi na maalagaan ang bata. Pero ultimately, ang dapat mapatunayan ay ang "fitness" ng magulang para alagaan ang bata.

3. Dapat mong tandaan na ang adultery at concubinage ay mga kasong dapat nagawa dito sa Pilipinas para maging sakop ito ng batas ng Pilipinas. Pwede mong icheck ang Revised Penal Code of the Philippines para malaman kung ano ang makakpagsabing adultery o concubinage ang ang nagawa ng isang tao.

Para sa mas marami pang free legal information tungkol sa Family laws, pwede mong bisitahin ang www.domingo-law.com

View user profile http://www.domingo-law.com

3 Re: child custody/adultery/concubinage on Thu Aug 02, 2012 12:35 am

pengkoy


Arresto Menor
Maraming salamat attyjoyce!

Ayon po sa inyo ay parehas kaming may karapatan sa bata dahil sa legal ang aming anak at kasal higit sa lahat ay wala pang judicial order. Mukhang malabo din kung magfifile ako ng adultery ay maaring hindi maging sapat ito dahil nagawa nya yun sa labas ng Pilipinas at maaaring hindi maging sakop ng ating batas.

1. Ngayon po ay gusto kong malaman kung ano ang maari kong magawa upang mapigilan ang balak nyang kunin ang anak ko na dalhin sya sa ibang bansa?
Totoo po ba na hindi makakaalis ang anak ko nang wala ang aking pahintulot o malaya nyang mailalabas ang anak ko ng bansa?
2. May nabasa po ako tungkol sa "watchlist" ano po ang aking maaring gawing dahilan sa Bureau of Immigration kung bakit hindi maaring lumabas ng bansa ang aking anak?(ano yung grounds?)

Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong makabuluhang payo!

View user profile

4 Re: child custody/adultery/concubinage on Thu Aug 02, 2012 11:03 am

attyjoyce


Reclusion Perpetua
pengkoy wrote:Maraming salamat attyjoyce!

Ayon po sa inyo ay parehas kaming may karapatan sa bata dahil sa legal ang aming anak at kasal higit sa lahat ay wala pang judicial order. Mukhang malabo din kung magfifile ako ng adultery ay maaring hindi maging sapat ito dahil nagawa nya yun sa labas ng Pilipinas at maaaring hindi maging sakop ng ating batas.

1. Ngayon po ay gusto kong malaman kung ano ang maari kong magawa upang mapigilan ang balak nyang kunin ang anak ko na dalhin sya sa ibang bansa?
Totoo po ba na hindi makakaalis ang anak ko nang wala ang aking pahintulot o malaya nyang mailalabas ang anak ko ng bansa?
2. May nabasa po ako tungkol sa "watchlist" ano po ang aking maaring gawing dahilan sa Bureau of Immigration kung bakit hindi maaring lumabas ng bansa ang aking anak?(ano yung grounds?)

Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong makabuluhang payo!

1. Kung ang asawa mo ang magdadala sa kanya sa ibang bansa, pwede nya iyon gawin kahit walang travel clearance o consent mo.

2. Oo, pwede ka magfile ng petition sa Bureau of Immigration para mag-issue sila ng watchlist order. Kailangan lang maipakita ng letter mo ang "urgency" para pigilan ang pag-alis ng anak mo.

View user profile http://www.domingo-law.com

5 Re: child custody/adultery/concubinage on Thu Aug 02, 2012 9:49 pm

pengkoy


Arresto Menor
marami pong salamat sa inyong speedy reply

meron pa po akong mga katanungan, pasensya no po kasi talagang nahihirapan lang ako sa kalagayan namin pagdating sa anak namin. iniisip ko din po kasi ang anak ko.

1.Nasa akin po ang passport ng anak ko, "prerogative" ko po ba iyon na hindi ibigay sa kanya para hindi nya mailabas ang anak ko ng bansa?
2.Anong ang maari nyang gawing aksyon laban sa akin kung hindi ko man ibigay ang passport ng anak namin?
3.Kung hindi ko ibigay o ipakita ang anak namin sa kanya, maaari nya ba akong kasuhan ng "kidnapping"?

Muli po ay nagpapasalamat ako sa tulong nyo.

View user profile

6 Re: child custody/adultery/concubinage on Fri Aug 03, 2012 11:58 am

attyjoyce


Reclusion Perpetua
1. Sa palagay ko naman, pwede mo iyon gawin para maprotektahan ang right mo over your child.

2. Wala ako maisip na pwede nya i-file sa iyo dahil hindi mo naman pinagdadamot ang bata, iniiwasan mo lang na dalhin nya ito sa ibang bansa.

3. Hindi ka nya pwede kasuhan ng kidnapping dahil pareho kayong may right sa custody ng anak ninyo.

View user profile http://www.domingo-law.com

7 Re: child custody/adultery/concubinage on Fri Aug 03, 2012 9:53 pm

pengkoy


Arresto Menor
Salamat po atty joyce!

Yun na lang po muna ang kelangan kong malaman sa ngayon. Magpopost na lang po ulit ako kung sakaling kailanganin ko muli ang inyong tulong

More power!

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum