Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Physical Injury of a Barangay Captain

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Physical Injury of a Barangay Captain on Thu Aug 16, 2012 8:53 am

kristian_jacinto19


Arresto Menor
Good Day,
So this is the case, dinala po ang tatay ko sa ospital kagabi dahil binugbog po siya ng barangay captain namin. Ang kwento po ng tatay ko sa akin ng magkausap kami sa telepono, nung umaga na yun, ng araw ng mangyari ang pambubugbog, kinausap niya daw yung kabit ng barangay captain tungkol sa ginagwa nila. Pinagsabihan niya yung babae na magpalamig muna sila ni Kap. May asawang tao yung kapitan kaya napapansin ng tatay ko na nag aaway na sila dahil sa kabit ni Kap. Madalas sumasakay sa tricycle ng tatay ko yung babae gawa ng magkaibigan naman sila ni kapitan. Kaya hindi niya akalain na gagawin sa kanya ni Kap ang pambubugbog. Gabi ng araw ding yun nangyari ang insidente. Nag text umano si kapitan sa tatay ko na sunduin yung babae nya at ihatid sa may simenteryo malapit sa barangay Hall. Siguro dun din ang madalas nilang tagpuan kaya hindi nagisip ng masama ang tatay ko. Subalit ng pagdating sa sinabing lugar ay bigla nalang inundayan ni Kap ang tatay ko ng suntok. Hindi nakahanda ang tatay ko kayat hindi na nya naipagtangol ang kanyang sarili. Sabi ng tatay ko ang naaalala lang daw nyang sinabi ni Kap bago sya birahin ay, "bakit kasi nakikialam ka". Pagkatapos ay wla na daw sya naaalala. Marahil sa dami ng suntok na binigay sa kanya ni Kap. nawalan ng malay ang tatay ko,. Mabuti nalang nung mangyari yun, nasa kalapit na bahay lang ang kapatid ko. Nakita daw dumaan sa tapat ng bahay ng kaibigan ng kapatid ang tricycle ng tatay ko kung saan naron ang kapatid ko. Ilang sandali lang may narinig na silang sumisigaw sa gawi ng simenteryo. Lumabas sila ng kaibigan nya at nakitang nasa gitna ng kalsada ang tricycle ng tatay ko. Ng lumapit sila nakahandusay na daw sa daan ang tatay ko. Nakasalubong pa nila si Kap. Ang sabi ng kapatid ko ang sabi lng daw ni Kap ay "Bakit kasi hinatid ng tatay mo si Malou" (malou babae ni kapitan). Parang naprame-up pa ang tatay ko. Dinala ng kapatid ko sa bahay ang tatay ko. Walang malay, pagdating sa ospital hindi alam ng tatay ko kung ano ang nangyari. Hindi pa natapos don ang ginawa ni Kap. Nagwala pa sya sa harap ng bahay ng mga lola ko at hinahanap ang tatay ko. Nagpunta din sya sa bar kung san nagtratrabaho ang babae at nanggulo.

Ano po ba ang the most na pwede naming gawin tungkol dito. Lumalabas na nakaplano na papuntahin ang tatay ko sa lugar para bugbugin. The fact na nawalan ng malay ang tatay ko pwede bang bumagsak to sa serious physical injury. At dahil pinlano ni Kap ang pagpunta ng tatay ko sa lugar na pinangyarihan,(ang lugar ay walng masyadong bahayan, madilim papuntang simenteryo) pwede po ba itong matawag na frustrated murder. At ang panghuli po, As a barangay Captain, mayroon po bang batas na makakapagpabigat sa ginawa nya as a public official.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum