Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

please help, regarding bounce check from previous employer. what should we do?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

lalhaine911


Arresto Menor
nagfile po kami ng complaint sa dole regarding sa bounce check na ibinigay sa asawa ko ng dati niyang company para sa kanyang separation pay. bigla na lang ngbounce ang mga cheque na inissue ng may ari ng kumpanya sa asawa ko without any letter or notification kung bakit. they refuse to talk to us, kaya ngsend kami ng demand letter thru dole.nang magkita kami sa dole, sinabi ng dole na may kaso daw ang asawa ko sa dati niyang company, na sobrang ikinagulat niya, my clearance ang asawa ko sa company na yun. nagkaroon siya ng pagkakataon makipag diyalogo sa anak ng company sa harap ng arbiter,

-since matagal na nagtrabaho ang asawa ko sa company na ito, nagtiwala siya na babayaran ang kanyang separation pay ng hulugan sa loob ng isang taon.

- at ang dahilan ng kanyang pagreresign ay palagiang pagkadelay ng sahod. ang asawa ko lang ang nagtratrabaho sa pamilya namin kaya lahat ng gastusin at pagkain namin ay siya ang sumasagot kaya napakalaking problema samin kapag di siya sumasahod.

- at ang tinutukoy na kaso sa kanya ay isa sa mga naging kliyente nya na inaakusahan siyang nakipagsabwatan sa di pagreremit ng sales sa kumpanya sa kliyenteng ito.
( legal ang proseso ng pagkakabenta nya ng produkto sa kliyente na ito, may receipt,company papers at sales details at nairemit sa vicepresident (OIC) at accounting ng company ang lahat ng documents regarding this sale)
( note:sinabi ng vice president sa asawa ko na idirekta sa accounting ang sales para makasahod sila sa buwan na yun dahil itinatago daw ng president ng kumpanya ang kita ng kumpanya para kunwari wala daw pondo para sa sahod. dahil wala naman masama sa paningin ng asawa ko at gusto niyang sumahod, idirekta niya sa accounting since sa lahat naman ay may access ang presidente na may ari din ng company. sumahod sila ng buwan na iyon after makabayad ang kliyente nya.)

ngayon po, pagkatapos po ng diyalogo sa dole. paglabas po sa office ng dole, kinausap po ang asawa ko ng anak ng may ari ng kumpanya, ito po ang kanyang sinabi, " i know you need the money for the hospital bills of your baby, and putting this case on court will just be too costly for your family. we will make an affidavit that you know regarding this illegal transactions but your intentions are in good faith so that we can file a case to the vice president making your signed affidavit as an evidence"

masama man ang loob ng asawa ko,kailangan namin ang pera ngayon dahil di namin mailabas ang anak namin sa hospital dahil wala kaming pambayad (400k ang bill sa hospital), at kung babayaran nila ang pagkakautang nila sa amin, mailalabas namin ang anak ko sa hospital.

tawag po ng tawag yung attorney nila sa amin, hinihingi ang mga bounce check para mapalitan na daw ng bago at mapirmihan na daw nya ang affidavit dahil alam daw nila need na daw namin ang pera at gusto raw nilang makatulong, ano po b ang dapat namin gawin?

sobrang gipit kami ngayon kaya iniisip namin kung lalaban ba kami sa kaso o hinde. malinis po ang kunsensya ng asawa ko. kung wala lang sa hospital ang anak ko, itutuloy namin ito sa nlrc ng di na kami magdadalawang isip tutal naman wala siyang ginawang kasalanan. may company clearance at hinde sya basta ngresign, nagrender pa siya ng 15 days kaya bakit ngayon nila bigla ginawan ng issue ang asawa ko after 9 months ng wala sa company ang asawa ko.

sana po mabigyan nyo kami ng payo.

View user profile
your question is a matter of legal vs moral issues. personally if it is urgent, i'd get the money and let the vp go to jail.

but from legal perspective, bouncing check is covered by BP22, and it doesn't matter kung may kaso sa kumpanya ang asawa mo o wala. the issue is that the check bounced. pwede mong isampa sa prosecutors office yan, hindi na covered ng dole yan eh.

kung may mahihiraman ka for hospital bills go ahead, on court it might take 1-2yrs.

View user profile

lalhaine911


Arresto Menor
thanks po sa payo ninyo. as of now, nagagawan na namin ng paraan ang bayarin sa ospital .

by next week, we`ll give my husband's previous company our decision that we will pursue the case. siguro kung sa ibang paraan nila kami kinausap para hingan ng tulong regarding sa ginawa ng vice president sa company nila, baka tinulungan pa namin sila. pero yung pananakot at panggigipit na ginawa nila sa pamilya namin yun ang di namin mapapalagpas.

my previous client already promised me that they`ll give me a copy of invoice and receipts na nagpapatunay na wala akong kinalaman sa mga nawawalang bayad dahil nakapangalan lahat ng payment sa company at hinde sa akin.

thanks po ulit.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum