Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Questionable Total Loan Amount Due (Sanla-Tira)

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

ninaonella


Arresto Menor
Hi Atty. Sana ay matulong nyo ang aking kaibigan sa kanyang mga dapat na gawin para maayos na matubos ang sinanlang maliit na lupa (rights lamang)nung Dec 2011, na ngayon ay may maliit na bahay.

Dec 2011 sinanla ng kaibigan ko ang bahagi ng kanyang bakuran sa halagang 20K. Siya ay may 7 anak at umaasa lamang sa pension ng namatay nyang asawa (6K per month). Dahil gipit, pumayag sha sa kasunduan na magpapatayo ng bahay (1 kwarto at 1 cr) sa sinanlang lupa at ang magagastos ay isasama sa sanla. Ito ang nakasaad sa sulat kamay na kontrata. 6 na araw natapos ang pag gawa ng bahay at duon na sila tumira mula nuon.

Lumipas ang 8 buwan, nagsabi na ang kaibigan ko na magbabayad na sha ng utang (isasanla nya kasi ang ATM sa ibang tao para makapagbayad). Binigyan sha ng photocopy ng mga resibo ng hardware. Ngunit laking gulat nya na umabot ng 80K+ ang sinisingil sa kanya (20K cash + 44 K materials + 16K labor).

Ang bahay ay may sahig na gawa sa semento, dingding na gawa sa plywood at walang kisame. Nagpasya ang kaibigan ko na makiusap kunin ang original na resibo, dahil may ibang items dun na doble. Maliban pa dun, nakausap nya ang pinaka head na gumawa na nagsabi na questionable ang mga ibang materyales. Dahil dito nakiusap ang kaibigan ko na kung maaari ay mag inspect at kung pwede based sa value na talaga ng bahay. Dahil wala naman alam ang kaibigan ko sa mga bagay bagay, sinabihan pa sha na magdadala ng abogado.

Doubtful sila sa resibo dahil makikita naman talaga sa maliit na bahay kung anu lang ang mga nagamit. Doubtful din ang labor fee. Ang sigurado nya ay yung 20K.

Sa ngayon ang meron lang sha pinaghahawakan ay may mga dobleng entries sa resibo, yung isa sa mga gumawa.

Pwede po ba idemand na ipa assess ang bahay at base dun yung dapat nyang bayaran? Sinu po ang dapat na mag-assess? Kung may abogado po ang kabila, san po pwede humingi ng tulong ang kaibigan ko kasi wala po talaga shang pambayad. May pagasa po kayang maconsider ang pagpapababa ng singil, kung quequestionin ang resibo?

Napakahaba na po nito, kung anu po ang maiaadvice ninyo maraming salamat.

Regards,
Nina

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum