Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Wed Sep 19, 2012 10:01 am

ladyconan


Arresto Menor
Good Morning Atty,

Ask ko lang po kung ano po ang dapat kung gawin, nalaman ko na po kung saan nakatira ang husband ko at ang kabit nya. pinuntahan ko po sila dun pero ang kabit lang po ang inabutan ko.wala po ang husband ko that time. pero nakausap ko po ang mga guard at kapitbahay nila dun sa condo na tinitirhan nila. ang alam daw po nila magasawa sila. pede pong patunayan ng mga guard and kapitbahay nila na nagsasama sila bilang magasawa. nung nagpunta po ako dun nagpatawag po ako ng mga taga brgy hall kasi ayaw po akong papasukin sa loob ng bahay nung kabit. dumating po ung konsehal at pinkiusapan kopo ung konsehal na iinvite sa brgy hall ang kabit pra po magkaharap harap kami dun pati ang assawa ko.pinapasok po sya ng kabit sa bahay nagusap po sila pero ang sabi po ng kabit eh ndi daw po sya sasama kung wala ang asawa ko..hintayin daw po naming umuwi ang asawa ko dun sa bahay nila.pero naghintay po kami hindi umuwi ang asawa ko.feeling ko po natatakot sya humarap.
ano po ba ang dapat kong gawin? pede ko po ba sila ipadampot sa pulis?

please advise po.

View user profile

2 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Wed Sep 19, 2012 11:49 am

arden2603


Arresto Mayor
Kasal ba kayo ng asawa mo? Kung oo, pwede kang magsampa ng Concubinage.
Mangyayari lang na may concubinage kapag:
1) ang asawa mo ay may kinakasama sa bahay na pagmamay ari ng magasawa;
2) ang asawa mo ay nakipagtalik sa ibang babae bukod sayo sa iskandalosong sitwasyon, o;
3)tumira ng magkasama ang kabit at ang asawa mo.

Kung mapapatunayan mo na may sala sila ang asawa mo ay pwedeng makulong ng 6 months 1 day to 6 years at ang kinakasama ng asawa mo ay hindi makakalapit sa lugar na may layo ng 25 kms.

View user profile

3 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Wed Sep 19, 2012 5:05 pm

Charles_026


Arresto Menor
pede rin pong psychological abuse section ng RA 9262. That is of course, provided you are not separated (legally or in-fact) with your husband. Pag hiwalay po kau, it can be deemed consent to the offense.

Layman's opinion lang po.

View user profile

4 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Wed Sep 19, 2012 6:01 pm

ladyconan


Arresto Menor
anong steps po ang pde ko gawin?
kelangan ba magsampa muna ako ng kaso bago ko sila mapadampot sa pulis?

View user profile

5 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Wed Sep 19, 2012 9:56 pm

arden2603


Arresto Mayor
opo, kelangan magsampa ka muna ng kaso, provide yourself an attorney private or PAO to file the case and to tell you the procedure. bailable naman yan so may chance na makalabas sa kukungan pansamantala yung asawa mo, knug makakapag bayad siya.

sa sinasabi ni charles_026 na psychological abuse ng RA 9262 VAWC, lapit ka lang sa DSWD they will help you..

View user profile

6 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Thu Sep 20, 2012 6:38 am

ladyconan


Arresto Menor
pag un pong sa psycholigal abuse pala sa DSWD lang.. ndi n kelangan ng lawyer pala dun?

View user profile

7 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Thu Sep 20, 2012 7:33 am

arden2603


Arresto Mayor
the public prosecutor will be your counsel in criminal cases..

View user profile

8 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Thu Sep 20, 2012 8:09 am

arden2603


Arresto Mayor
but you can choose you own counsel if you want if you file a case in the trial court and not with the prosecutor. provide yourself a counsel for the procedure in filing the case or you may ask a legal opinion from people engaged in the practice of law...

View user profile

9 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Fri Sep 21, 2012 10:38 am

ladyconan


Arresto Menor
thank you po.

ang hirap pala ng mga ganito ang daming pasikot sikot.. kya minsan ung mga nagrereklamo eh hinahayaan n lang.. ndi na sila nagpafile ng kaso.. kya naman yung mga gumagawa ng masama eh malalakas ang loob kasi tiwala sila n walang magrereklamo.

ganun ang asawa ko eh.. malakas ang loob nya kasi alam nyang wala akong pera kung sakaling kasuhan ko sya..
kya lagi nya akong dinedare na magdemanda daw ako kung gusto ko kung meron daw akong pera.. tas iisa isahin nya sakin ang mga presyo ng pagfile ng kasso..

hayss..

thank you po sa advise..

View user profile

10 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Sat Sep 22, 2012 4:01 am

arden2603


Arresto Mayor
may PAO naman at DSWD, they will help you, kung naagrabyado ka na talaga pursue the case.

View user profile

11 Re: HUSBAND AND HIS MISTRESS LIVING TOGETHER on Sun Sep 23, 2012 12:47 am

ladyconan


Arresto Menor
thank you po sa advise.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum