Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

What criminal liability and penalty applicable

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

PoorBoy


Arresto Menor
Magandang araw po sa lahat ng mga Attorneys. Gusto ko po sanang humingi ng payo at kaunting kaalaman tungkol sa isang pagkakamaling nagawa ng kaibigan ko sa kanyang kumpanyang pinapasukan. Nagtatrabaho po sya sa isang finance assistance company. Nagkasakit po ng matindi ang kanyang magulang at naubos ang lahat ng kanilang pera para madugtungan ang buhay nito. Dahil po dito, siya po ay napilitang mangutang gamit ang pangalan ng mga dating kliyente. Sa umpisa po ay maliit lamang po at isang tao lamang po ang kanyang ginamit n pangalan. Subalit sa kadahilanang baon sila sa utang sa pagkakasakit at kalaunang pagkamatay ng kanyang magulang, hindi niya ito nagawang mabayaran. Dahil sa takot nya na malaman ng amo at mawalan ng trabaho, nagbakasakali syang gumamit muli ng panibagong pekeng loan upang ipantapal sa kanyang naunang ginawa habang naghahanap sya ng pera para mabayaran ito lahat. Subalit sa katagalan ay hindi nya kinaya ang malaking interes na umaabot sa doble. Dahil nagkapatong patong na ang interes at utang, dumami ng dumami ang mga di tunay na loan. Ano po ba ang kasong pwedeng maisampa sa kanya? Ano po ba ang kaparusahan kung sakali? Kung demand letter lng po ang kasalukuyang natatanggap nya, maaari po ba syang hulihin na lang ng biglaan kahit wala pa syang natatanggap na subpoena?

Umaasa po ako sa inyo pong ekspertong opinyon sa usaping ito. Maraming salamat po.

View user profile

arden2603


Arresto Mayor
ESTAFA, the penalty will depend on the amount loaned.

View user profile

PoorBoy


Arresto Menor
Maraming salamat po sa inyong kasagutan. Sa panahon pong ito ay hindi ko po matiyak kung magkano ang kabuuuan ng kanyang pananagutan. Pero sa akin palagay, ito ay hindi bababa sa 200k. Sa sitwasyong ito, ano po ba ang maaaring maging parusa kung mapatunayan at maaari po ba siyang mag-piyansa? Salamat pong muli.

View user profile

arden2603


Arresto Mayor
opo bailable ang estafa.

View user profile

PoorBoy


Arresto Menor
Salamat pong muli Ginoong Arden. Sa inyo pong sariling opinyon, ano po kaya ang posibleng maging halaga ng piyansa sa ganitong sitwasyon?

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum