Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please help me,In a grocery I am harassed, falsely accused and also threaten me which cause me trauma

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

susiekee


Arresto Menor
Hello po, Question lang kung anu po pwedeng gawin ko sa nangyari sakin nitong sunday lang.
eto po yung story ko.

Hindi ko alam kung modus to sa mga grocery.
Sunday nag grocery kami with my bf's mother, then may Cart kami. Ikot ikot kami then may dinaanan kami then pag lagpas naming may nahulog.
Hindi naming pinansin dahin malayo na kami, then pabayad na kami biglang may lumapit samin na taga dun at sabi nahulog daw namin yung wall clock then may bengkong siya sa frame.
Sabi namin “hindi kami naka hulog niya pero kung napatunayang niyo na kami naka hulog niyan kami ang mag babayad”
Then may lumapit na IS masungit yung muka sabi niya “e kayo nga po yung naka hulog e kitang kita sa camera”
Sabi ko pakita muna nila basta alam ko wala akong natamaan.
Sabi daw hindi daw pwede, ang witness(mga pomodiser) nalang daw ang mag sasabi, dahil sila daw ang nakakita. Then sabi naming hindi kami mag babayad unless Makita namin! Then ayaw talaga, mdami kaming narinig na masasakit mula sakanila.
Di nila kami trinato ng maayos, trinato kami ng parang criminal sa halagang 315pesos, hinaras kami at sabi papabarangay daw nila kami, hindi pa nila maipakita yung cctv dahil security purpose at hindi pang personal, ang sakin lang panu magiging personal yun? Di naman naming kelangan tignan sa video kung cute kami sa camera or what e. Ang sabi pa ng Manager dun “Pag matinung tao lang e aamin ng kasalanan” anu kami hindi ba matinu yung itchura namin? Itchura siguro kasi di pa kami naliligo that time!
wala daw sinyang tinutukoy, kung wala naman siyang tinatamaan samin di niya kelangan sabihin yun.
Then habang nag hihintay kung anung step gagawin at sinusundan kami ng security at pinag titinginan ng mga tao (nakakahya diba) habang pinakdidikdikan nila kaming mag bayad at nakakarinig kami ng di magandang words mula sakanila!
Sa huli napapayag na din namin yung manager pakita, then sa room nakita nanaman naming yung isang babae na nang harass din samin, nanuod kami ng video pero nag react kami ng bf ko, sabi ng bf ko ang layo! Sabi ko oo nga. Pero yung babae sumabat “ hindi kitang kita naman na pag daan niyo nahulog at nasagi niyo” (w/ sarcastic face at mukang natutuwa pa na dinidiin kami!) Nakalimutan ata na customer kami! At take note nandun yung manager! Then sabi ng bf ko, “tumigil ka na!” then yung babae nag roll eyes sabay taas ng kilay w/ pokwang look na kala mo nag mamataas. Grabe.
Then pinaulit ulit ko yung video pinag aralan ko, then napansin ko lahat ng promodiser ndi nakatingin samin! Walang promo na nakatingin for short! Lumingon sila nung pag bagsak at sakto kami ang pinaka malapit dun. Di nila nakita yung naka white na lalaki na dumaan na parang siniksik yung katawan kasi magkasalubong kami.
Then yung manager bigla nag iba ang timpla, sabi ba naman samin! “ganito nalang po ma’am may 2 options po tayo, nasaamin na daw yun kung anu gusto ko,1st option babayaran namin yung clock. 2nd yung promodiser ang mag babayad. Isip ko that’s it?????? Isip ko may something eto ah. Di naman sila mamimilit ng ganun kung dun lang babagsak e, kasi ang intension nila sa umpisa palang e pabayarin kami.Ilang oras kami pinag tititnginan ng mga tao dun yun lang??????!!! Higit pa sa 2hrs kami nandun na pinag titinginan at nakakarinig nga mga di magagandang words at trinato kaming criminal? total of 3 hrs!
Sabi ko no! Teka labas tayo, sabi ko punta ako sa scene, then kumuha ako ng cart at nag test ako ayos sa pinangalingan ko,ang layo ng cart! Yung stante ng clock may patungan parang gutter para di sumabit ang cart, dinikit ko dun yung cart hindi ko talaga maabot yung stante ng clock, pero lumiko ako nun e so pag liliko ako ndi ako aabot dun sa clock kasi dinikit ko na yung cart sa gutter di pa abot e at di liliko ang cart pag naka sagad sa gilid yung cart pa square kasi yung patungan. Tapos yung head security dun hahanap pa ng butas e napanuod ko na e iibahin pa yung pwesto kung san ako nangaling hai.... nakipag talo nanaman at inakusa nanaman ako...... then sabi ko “wait ayoko makipag usap sayo, san ang manager?” nilapitan ko sabi ko “pwede ka ba sumama sakin sa scene may idedemo ako sayo” then pumunta yung mga head, at nag demo ako kumuha ako ng cart. Narealized nila na imposible nga. At sabi nung isa “ay oo baka yung blah blah blah” di ko na naintindhan kasi mahina na yung boses.
Well guess what, ang sabi nila PASENSYA.
May bata kaming kasama 3pm na at di pa kami ng lulunch! pasencya?!?!?!?!?!?!
kinuha ko mga pangalan na involved sa pnagyayari, di to basta grocery lang, madami silang branches. Sikat sila.
Na trauma kami at naharass, inakusaan kami ng di naming ginawa! Trinato kami ng parang criminal at tinakot pa kami, at hiniya kami sa maraming tao!
pasensya lang daw. gusto ko gumawa ng something para dito anu kaya ang pwede kong gawin? para matauhan sila.

Salamat

View user profile

attyLLL


moderator
you can file a complaint for damages. i recommend a small claims case, rules on sc.judiciary.gov.ph


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

susiekee


Arresto Menor
Hello po, may tatanong lang ulit ako, kasi nag meeting ako sa grocery may sinasabi sila na may unang tao tumama nung item pero nagkataon na ako yung katapat nito at nahulog, inshort nagkaron ng after shock, kaya tumama daw sa bag ko kasi nag sway daw yung item, kasalanan ko pa din po ba ito? at kung ako po nagkasala at binsatos nila ako sa harap ngmaraming tao pwede pa din po ba ako mag file? at pwede din po ba nila ako bastusin? pero alam ko po di ko natamaan yun, ginugulo nila isip ko na natamaan ko yung item para umatras ako, natamaan konan o hindi yung item pwede parin po ba ako mag reklamo? at sabi pa nila mahirap daw kalabanin yung company nila dahil malaking company sila. at wag makinig sa mga lawyer dahil palalakihin lang nila ang gulo para may kitain sila. lalo po ako kinbahan sa sinabi nila. pwede ko din ba file to as threat? Thank you po. a simple reply and advice will be a big help. thank you again. God bless

View user profile

attyLLL


moderator
my advice remains the same. no lawyer necessary


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum