Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Qualified Theft

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Qualified Theft on Thu Oct 11, 2012 4:25 pm

joeygamboa32


Arresto Menor
Meron po akong friend na nagwork sa isang malaking realty corporation. Inamin naman niya sa akin na binibigyan siya ng supplier niya ng pera tuwing makakakolekta ng payment yong supplier, which means parang komisyon o gratitude. Noong nagresign siya, tinawagan siya ng supplier niya na ang sabi pina-hold daw po ng procurement director yong payment niya na worth mga 2.7 to 3 million. Ang kuwento po sa kanya ng mga officemate niya na hinahabol daw po siya ng company na inalisan niya. At nag-meeting yong procurement director at ung supplier. Pinasulat ung supplier ng mga kasinungalingan na statement/affidavit, ang sabi niya yong binibigay niyang pera sa friend ko ay para sa company at yon ung discount. Base sa sinabi ng friend ko yong supplier daw po ay napilitang magsulat ng mga hindi naman totoo na statement at labag sa kalooban ng supplier, dahil ang affidavit na ginawa niya ay hindi naman galing sa kanya, ginawa un ng company para i-attach nila sa complaint nila laban sa friend ko, at tapos pina-notary lang nila at hindi pina-sworn sa prosecutor's office. Nakausap ng asawa ng friend ko ang supplier na ito, at ang sabi niya " wala akong magawa dahil malaking companya ang makakalaban ko, kung hindi ko pipirmahan ang affidavit ako naman ang madedemanda nila" ito ang mga naikuwento sa aking ng friend ko at kaya naman din daw pinirmahan ng supplier yong affidavit na ginawa ng company in exchange na mababayaran siya ng kanya mga singilin, pero kabaliktaran ang nangyari, hindi siya binayaran ng companya. Nang na-receive ng friend ko yong subpoena, pinabasa niya sa akin, lahat ng mga sinabi ng complainant ay pawang hindi totoo at paninira lang. Ang sabi ng witness nila (yong supplier)yong daw pera na binibigay ng supplier sa friend ko ay ang discount ng kompanya. Paanong nangyaring discount? as per my friend told me, bago siya gumawa ng purchase order gumagawa muna siya ng summary of canvass, subject for approval ng manager, procurement director at project diretor, at pagkatapos tumatawag sila sa supplier na napili nila at kakausapin para sa discounting ng mga items na bibilhin bago gumawa ng purchase order, at pipirmahan nila yong summary of canvass base on the agreed price/amount of the item to be purchased. At pagkatapos noon gagawa na ng purchase order subject for approval ng procurement director at chief of finance. Kapag naapprobahan na ang purchase order, isesend na niya sa supplier indicating the negotiated discount amount appeared in the approved purchased order. Yong boss ng friend ko ay galit sa kanya at mainit ang ulo sa kanya, in short pinag-iinitan siya. Ipinakita namin sa mga kakilala namin na abogado ang case na isinampa sa kanya na qualified theft, at ang sabi walang qualified theft sa case niya dahil wala naman siyang kinuha na pera sa company na inalisan, yong pera na binibigay sa kanya ay hindi para sa company at ito ay gratitude, gift or komisyon niya. At wala rin naman daw probale cause para isampa ang case na qualified theft sa kanya. Kaya lang may sinabi yong isang lawyer na kakilala nila na kahit na walang probable cause kapag company ang kalaban mo mahihirapan silang desisyonan ang case, kasi nga raw po qualified theft yoon, which is criminal offence, at non-bailable. Isa pa po, sabi ng supplier doon sa affidavit na ginawa ng company, ibinigay daw po ng supplier sa friend ko ang amount na Php229,000.00 which is 5% total ng nakolekta ng supplier, kaya walang evidence na pinareceive ng suppier yong pera sa friend ko, although wala naman talagang nareceive ang friend ko na ganon kalaking amount. Doon sa complaint letter ng company ang naka-attached lang po ay yong cheque voucher na nireceive ng supplier as payment sa kanya na meron signature niya, proof as nireceive niya yong payment. Nakakaawa po ung friend ko malaki na ang naging epekto ng pangyayari ito, hindi na po siya makakita ng trabaho dahil sa takot niya...meron po siyang isang apat na taon na anak na nag-aaral at nakita ko po naaawa ako dahil hindi pa alam ng anak niya kung ano ang nangyayari.,lagi nga po nagtatanong yong bata na "daddy are you ok?What is happening?"awang awa po talaga ako.
Sana po ay matulungan po ninyo siya sa pamamagitan ng inyong advice. Yong case po ay nasa Makati Court.......Maraming salamat po.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum