Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Im a mistress and I need help.

Go to page : 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10  Next

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 10]

1 Im a mistress and I need help. on Sat Oct 20, 2012 1:28 pm

IMERFECT


Arresto Menor
Im a mistress. Hindi na mahal ng boyfriend ko asawa niya. Will that be enough para sa annulment or legal separation? Ano pwede naming maging laban or para maiwasan ang mga demanda?

I know this is impossible but Im taking my chances.
Thank you.

View user profile

2 Re: Im a mistress and I need help. on Sat Oct 20, 2012 1:57 pm

Lone Lee


Arresto Menor
IMERFECT wrote:Im a mistress. Hindi na mahal ng boyfriend ko asawa niya. Will that be enough para sa annulment or legal separation? Ano pwede naming maging laban or para maiwasan ang mga demanda?

I know this is impossible but Im taking my chances.
Thank you.

demanda is always there
the fact the guy is married
kung maghahabol ang asawa and finds out like for example you guys are living in together,,she can file concubinage against you and your boyfriend
tsaka,,ang mga tao,, minsan,,paiba-iba ang isip
maganda sa simula..pero,,sa kalagitnaan,,bigla nalang nag iba

advise ko lang,,be careful
pwede ka kasi kasuhan ng monetary damages ng asawa niya for ruining her family

not unless kung sports lang din ung wife niya at tanggap na may mahal ng iba ang mister niya

View user profile

3 Re: Im a mistress and I need help. on Sat Oct 20, 2012 2:02 pm

IMERFECT


Arresto Menor
If proven sa concubinage, anong mga possible punishment?
With all of these, pwede ba kami makulong? Sorry, wala kasi tlga ako alam.
If I will be out of the picture then he file for annulment because of irreconcilable differences, is that a good idea?

How I wish matanggap na lang nya para tahimik na ang lahat.

Thank you.

View user profile

4 Re: Im a mistress and I need help. on Sat Oct 20, 2012 2:48 pm

samsomi


Arresto Menor
Question: Magkasama pa ba sa iisang bubong c bf mo & c mrs. nya? If magkasama pa din, well medyo ingat ka. And lalo wag ka muna magpapabuntis sa bf mo.

View user profile

5 Re: Im a mistress and I need help. on Sat Oct 20, 2012 7:48 pm

caramelpugo


Arresto Menor
I have a very, very similar scenario - as if ako ung nagsulat nito. I don't want to start a new thread kaya I'd like to ask na rin lang.

HIwalay na po ung bf ko at ung asawa nia kaso di pa xa nakakamove-out, kaso ung lawyer sabi mahina daw ung grounds nila for annulment and si wife is nagbabanta na magdedemanda kung may iba sya. Eh ayaw na talaga sa kanya ni bf noon pa kasi oportunista lang si wife.

Anyways, ano po ba maganda gawin? if they are legally separated, ok lan ba magsama kami kahit di kami ikasal (kasi I know di naman po pde). If hiwalay na sila at may kasulatan na ok lan sumama xa sa iba, will that be enough to dismiss a complaint against concubinage?

thanks po!

View user profile

6 Re: Im a mistress and I need help. on Sun Oct 21, 2012 1:50 am

IMERFECT


Arresto Menor
samsomi wrote:Question: Magkasama pa ba sa iisang bubong c bf mo & c mrs. nya? If magkasama pa din, well medyo ingat ka. And lalo wag ka muna magpapabuntis sa bf mo.

- Yes, magkasama pa sila. And ngaun pa lang ngstart na maghinala yung asawa kaya medyo hirap kami sa communication though magksama kami araw araw dahil magkawork kami. Having a baby? Gustong gusto nya, never kami nghesitate when it comes to that. Di lang binibigay ni God, siguro hindi pa time. Kawawa kasi baby ko if ever. Sad

This is really hard. Sana may batas naman para sa katulad naming mga mistress. Hindi kami salot. Luma na ang salitang NAGMAHAL LANG KAMI pero thats the truth. Kung ako amg magpaparaya, para ko na din siyang pinatay. Lalaban talaga ko! Sad

View user profile

7 Re: Im a mistress and I need help. on Sun Oct 21, 2012 11:04 pm

heartstain


Arresto Menor
hi,naka relate po kc ako sa topic,kc 4 yrs na kmi nag sasama ng partner ko,hiwalay n sya sa asawa nya.kc nag kaanak ito sa ibang lalaki nung nasa abroad pa Mr. ko.niloko nya sabi nya anak nya dw un bata pero nung pinanganak eh dun napatunayan n di nya anak..ngaun may 2 na kming anak balak na nya mag file ng unnulment,may laban po kaya sya kung sakali na lumaban pa ang ex nya?at mag kano po kaya ang maga2stos sa unnulment?thank u po

View user profile

8 Re: Im a mistress and I need help. on Mon Oct 22, 2012 12:05 am

AWV


Reclusion Perpetua
Mahirap yan kalagayan mo kasi minsan di mo rin masasabi kung totoong mahal ka nga ng partner mo dahil nagsasama pa sila sa iisang bubong ng asawa nya! maraming lalaki ang gagawin ang lahat nang magagawa nila ma keep lang ang babaing gusto nila. papano ka naman nakakasiguro na mas mahal ka nga nya at hindi ang asawa nya kung sa hanggang ngayon ay nagsasama pa sila sa iisang bubong? dapat ay maasikaso muna na maghiwalay sila at magpa annul kung maaari upang hindi ka magkaroon ng mabigat na problema sa hinaharap! mabuti na lang kung ibang lahi yan eh kaso Pilipino rin! hindi ka makakalusot sa batas nyan kapag pinerwisyo ka ng asawa o kung iwan man nya at pakasalan ka para patunayan sa iyong mahal ka eh di sabit naman ang lalaki ng bigamya! at damay ka rin, kaya minsan mag isip ka muna ng maraming beses bago ka sumang ayon sa gusto nyang mangyari. aanhin mo naman ang pagmamahal kung mapapahamak ka lang sa bandang huli?

IMERFECT wrote:
- Yes, magkasama pa sila. And ngaun pa lang ngstart na maghinala yung asawa kaya medyo hirap kami sa communication though magksama kami araw araw dahil magkawork kami. Having a baby? Gustong gusto nya, never kami nghesitate when it comes to that. Di lang binibigay ni God, siguro hindi pa time. Kawawa kasi baby ko if ever. Sad

This is really hard. Sana may batas naman para sa katulad naming mga mistress. Hindi kami salot. Luma na ang salitang NAGMAHAL LANG KAMI pero thats the truth. Kung ako amg magpaparaya, para ko na din siyang pinatay. Lalaban talaga ko! Sad

View user profile

9 Re: Im a mistress and I need help. on Mon Oct 22, 2012 12:19 am

AWV


Reclusion Perpetua
ikaw naman,since na inamin naman at napatunayan na anak sa ibang lalaki ang ama ng anak ng kinakasama mo medyo magulo ang laban nyo. very complicated ang kaso mo dahil asawa sya pero lumalabas na pareho sila ng asawang nagloko dahil may anak sa iba ang babae at may anak si lalaki sa iyo! hindi sapat na katibayan ang infedelity para ma approved ang annulment kaya medyo mahihirapan kayo at matatagalan dyan sa battle nyo! depende ang basehan nyan yan kung sino ang naunang nagloko si lalaki o si babae.

heartstain wrote:hi,naka relate po kc ako sa topic,kc 4 yrs na kmi nag sasama ng partner ko,hiwalay n sya sa asawa nya.kc nag kaanak ito sa ibang lalaki nung nasa abroad pa Mr. ko.niloko nya sabi nya anak nya dw un bata pero nung pinanganak eh dun napatunayan n di nya anak..ngaun may 2 na kming anak balak na nya mag file ng unnulment,may laban po kaya sya kung sakali na lumaban pa ang ex nya?at mag kano po kaya ang maga2stos sa unnulment?thank u po

View user profile

10 Re: Im a mistress and I need help. on Mon Oct 22, 2012 10:14 am

Pedro Parkero


Reclusion Perpetua
itigil mo na ang kahibangan na yan te...

View user profile

11 Re: Im a mistress and I need help. on Mon Oct 22, 2012 12:56 pm

IMERFECT


Arresto Menor
Pedro Parkero wrote:itigil mo na ang kahibangan na yan te...

- I need legal advices, hindi ganito. Im not here to be tortured. I had enough.

View user profile

12 Re: Im a mistress and I need help. on Mon Oct 22, 2012 3:10 pm

AWV


Reclusion Perpetua
not enough she can still sue you!
annulment needs a strong grounds I'm afraid! Sad

caramelpugo wrote:I have a very, very similar scenario - as if ako ung nagsulat nito. I don't want to start a new thread kaya I'd like to ask na rin lang.

HIwalay na po ung bf ko at ung asawa nia kaso di pa xa nakakamove-out, kaso ung lawyer sabi mahina daw ung grounds nila for annulment and si wife is nagbabanta na magdedemanda kung may iba sya. Eh ayaw na talaga sa kanya ni bf noon pa kasi oportunista lang si wife.

Anyways, ano po ba maganda gawin? if they are legally separated, ok lan ba magsama kami kahit di kami ikasal (kasi I know di naman po pde). If hiwalay na sila at may kasulatan na ok lan sumama xa sa iba, will that be enough to dismiss a complaint against concubinage?

thanks po!

View user profile

13 Re: Im a mistress and I need help. on Mon Oct 22, 2012 3:16 pm

AWV


Reclusion Perpetua
@Pedro Parkero! she is here to get legal advice maayos syang lumapit dito hindi para lait laitin mo! kaya sana naman lubayan mo na sya dahil hindi lang sya ang may case na ganito marami sila kaya nga humihingi ng advice dahil hindi nila alam ang dapat gawin sa kanilang mga suliranin dadagdagan mo pa ng torture!

IMERFECT wrote:
Pedro Parkero wrote:itigil mo na ang kahibangan na yan te...

- I need legal advices, hindi ganito. Im not here to be tortured. I had enough.

View user profile

14 Im a mistress and I need help. on Mon Oct 22, 2012 6:23 pm

em


Arresto Menor
@IMERFECT
Share ko lang atleast d ka nag iisa,marami tayo.
Im a mistrees also pero wala silang anak.
Im not guilty being a mistress.
we are not a bad person but we are just inlove with the married guy.
Being a mistress magkaiba kasi kwento natin.

1. IIwan ni Mr. si Mises kasi hinde na nya mahal.
Bakit?
a)hinde caring
b)iscandalusa
c)selosa
d)hindi na marunong mag ayos sa sarili
e)Lalo na Pag wala silang anak.
f) napilitan lang pakasalan si misis.

Nong sinabi ng Mr. na mahal nya ako, at ako daw ang true love nya, so sinabi ko sa kanya kaya mo ba akung ipaglaban at iiwan mo asawa mo para sa akin? iniiwan nga nya. Iniwan nya asawa pero maraming dahilan.
Nong pumayag na ako mki pag livein sa kanya,pero hinde na sila nagsasama sa iisang bubung nun. Nalalaman na ng asawa nya tungkol samin ngayon, Atleast nakaka move on na sya,saka lang nya nlalaman livein na kami. Madali lang na tatanggap ng mises nya kasi wala silang anak.
But i have a plan to talk to her soon..para pag usapan ang legally seperation nila. Pariho lng kami hinde mayaman, we cant afford to file an annulment.

Alam mo, being a mistress ang sakit. Paulit-ulit ang sakit. Kaya pag isipan mong mabuti ang decision mo. Kung mahal nyo nga ang isat-isa, Kung kayo nga talaga GOD will find a sulotion for this problem.

Every problem has a reason and sulotion!!!

View user profile

15 Re: Im a mistress and I need help. on Tue Oct 23, 2012 12:54 pm

IMERFECT


Arresto Menor
@EM

Thanks. Knowing that Im not alone makes me a bit stronger. Super hirap. I know in our case, kahit ubusin namin lahat ng savings namin kaka-consult sa lawyer, I know na wala kaming panalo. Im here to take my chances. Baka sakaling may magpagaan ng sitwasyon ko. Also, I need to be aware sa mga dapat kong iwasan. I envy you kasi nalagpasan mo na ang masakit na parte ng pagiging mistress, me? The fight haven't started yet. All I have right now is emotional stress and my love for him. Ang hirap i-balance. Im so drain with this pero I wont give up. I love him too much. Thanks for your support, naapreciate ko.

View user profile

16 Re: Im a mistress and I need help. on Tue Oct 23, 2012 12:55 pm

IMERFECT


Arresto Menor
@AWV

I cant THANK YOU enough. Hayaan na natin ang mga taong gnyan. We cant do anything. Basta, thank you. Smile

View user profile

17 Re: Im a mistress and I need help. on Fri Oct 26, 2012 5:53 pm

alu


Arresto Menor
Para sa mga mistresses...I am a legal wife, nakipag hiwalay ako sa asawa ko sa maraming dahilan...isa na dito ang dalhin nya sa bahay nmin ang kabit nya na nabuntis nya ng 2 beses. I know from the start na kerida nya ang girl, pero hindi ako umimik...ayaw ko kasi masira ang pamilya ko at ayaw ko malaman ng anak ko, bata pa sya para madungisan ang brain cells nya...pinakain ko ang mistress nya, since ako ang breadwinner ng pamilya ko. tinrato ng maayos pati anak nila ng mister ko after ilang months na lumipas ( dumalaw pa kasi sila sa bahay after nya manganak...palabas nila wala sila relasyon, pero malakas kutob ko eh)
ngayon hiwalay na kami ng asawa ko at hindi rin sila nag sasama ng kerida nya...andg message ko lang, ang relasyon na nagsimula sa mali, magiging mali habang buhay, at hindi mo maaasahan na magtatagal. wag kyo maging matapang pa sa mga legal na asawa, dahil kahit anu pa man ang mangyari, ang kabit ay kabit. Surprised

View user profile

18 Re: Im a mistress and I need help. on Fri Oct 26, 2012 6:12 pm

Lone Lee


Arresto Menor
em wrote:@IMERFECT
Share ko lang atleast d ka nag iisa,marami tayo.
Im a mistrees also pero wala silang anak.
Im not guilty being a mistress.
we are not a bad person but we are just inlove with the married guy.
Being a mistress magkaiba kasi kwento natin.

1. IIwan ni Mr. si Mises kasi hinde na nya mahal.
Bakit?
a)hinde caring
b)iscandalusa
c)selosa
d)hindi na marunong mag ayos sa sarili
e)Lalo na Pag wala silang anak.
f) napilitan lang pakasalan si misis.

Nong sinabi ng Mr. na mahal nya ako, at ako daw ang true love nya, so sinabi ko sa kanya kaya mo ba akung ipaglaban at iiwan mo asawa mo para sa akin? iniiwan nga nya. Iniwan nya asawa pero maraming dahilan.
Nong pumayag na ako mki pag livein sa kanya,pero hinde na sila nagsasama sa iisang bubung nun. Nalalaman na ng asawa nya tungkol samin ngayon, Atleast nakaka move on na sya,saka lang nya nlalaman livein na kami. Madali lang na tatanggap ng mises nya kasi wala silang anak.
But i have a plan to talk to her soon..para pag usapan ang legally seperation nila. Pariho lng kami hinde mayaman, we cant afford to file an annulment.

Alam mo, being a mistress ang sakit. Paulit-ulit ang sakit. Kaya pag isipan mong mabuti ang decision mo. Kung mahal nyo nga ang isat-isa, Kung kayo nga talaga GOD will find a sulotion for this problem.

Every problem has a reason and sulotion!!!



I agree with this
but again..
we have to remember na pag nagmahal tau ng totoo,,minsan kailangan natin mag sakripisyo
---kung magkakagulo lang din ang buhay ng mga mistresses,,
Girls,,maraming naka reserve para sa atin,,,
ako,,naka move on na..masakit man ay tanggap ko na walang lugar ang mistress sa mundo kundi sa isang madilim na yungib lamang..

Payo lang poh: Both to married people and to the mistresses...
kung ayaw na ng partner,pakawalan na..kesa naman kasama mo nga pero,,sakal na sakal na sayo..
For us to prove that we love them (very much!) we have to set them free to make them happy..

Peace Guys...advance Merry Xmas

View user profile

19 Re: Im a mistress and I need help. on Fri Oct 26, 2012 6:17 pm

Lone Lee


Arresto Menor
alu wrote:Para sa mga mistresses...I am a legal wife, nakipag hiwalay ako sa asawa ko sa maraming dahilan...isa na dito ang dalhin nya sa bahay nmin ang kabit nya na nabuntis nya ng 2 beses. I know from the start na kerida nya ang girl, pero hindi ako umimik...ayaw ko kasi masira ang pamilya ko at ayaw ko malaman ng anak ko, bata pa sya para madungisan ang brain cells nya...pinakain ko ang mistress nya, since ako ang breadwinner ng pamilya ko. tinrato ng maayos pati anak nila ng mister ko after ilang months na lumipas ( dumalaw pa kasi sila sa bahay after nya manganak...palabas nila wala sila relasyon, pero malakas kutob ko eh)
ngayon hiwalay na kami ng asawa ko at hindi rin sila nag sasama ng kerida nya...andg message ko lang, ang relasyon na nagsimula sa mali, magiging mali habang buhay, at hindi mo maaasahan na magtatagal. wag kyo maging matapang pa sa mga legal na asawa, dahil kahit anu pa man ang mangyari, ang kabit ay kabit. Surprised


Sorry to hear that Miss Alu..
siguro,,ang tamang sabihin ay
Hintayin nalang maging Tama ang Mali at maging dapat ang hindi dapat at maging Posible ang Imposible..

Move on Guys...
I know how it feels but we have to love ourselves naman
may pLan pa si Lord sa atin...



Last edited by Lone Lee on Fri Oct 26, 2012 6:18 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : incorrect term)

View user profile

20 Re: Im a mistress and I need help. on Fri Oct 26, 2012 8:10 pm

AWV


Reclusion Perpetua
ang pagkakamali lang naman ng mga mistress eh umibig pa sila sa taong may asawa na kasi hindi naman natuturuan ang puso na maghanap ng walang sabit eh! Sad so dapat wag silang ituring salot dahil ang puso ay hindi natuturuan kung sino ang iibigin at mamahalin! Mad dahil tao lang naman tayo kaya "kahit puso'y masugatan" hindi basta basta maiiwasan ang umibig ng "walang hanggan" dahil kapag tayo'y may kadamay ibig sabihin "hindi ka na magiisa" Smile kaya dapat "please be careful with my heart" Very Happy oh smile na lang para kahit papano mabawasan ang kalbaryo nyo sa buhay! Cool

View user profile

21 Re: Im a mistress and I need help. on Fri Oct 26, 2012 8:15 pm

Lone Lee


Arresto Menor
AWV wrote:ang pagkakamali lang naman ng mga mistress eh umibig pa sila sa taong may asawa na kasi hindi naman natuturuan ang puso na maghanap ng walang sabit eh! Sad so dapat wag silang ituring salot dahil ang puso ay hindi natuturuan kung sino ang iibigin at mamahalin! Mad dahil tao lang naman tayo kaya "kahit puso'y masugatan" hindi basta basta maiiwasan ang umibig ng "walang hanggan" dahil kapag tayo'y may kadamay ibig sabihin "hindi ka na magiisa" Smile kaya dapat "please be careful with my heart" Very Happy oh smile na lang para kahit papano mabawasan ang kalbaryo nyo sa buhay! Cool


ang kuleeeeeeeeeeettt :-)
tama,,hindi naman salot ang mga mistress
Kung si Iamperfect pa: Luma na ang salitang "nagmahal lang kami" pero,,un ang totoo
wag lang mawalan ng pag asa...
marami pa jan sa paligid,,,Lingon lang

View user profile

22 Re: Im a mistress and I need help. on Sat Oct 27, 2012 12:34 am

rowenagay


Arresto Menor
nakakarelate lang.... hindi kasalanan ng girl pag di niya alam from the start na married yung guy, pero kung alam na from the very start... malaking kasalanan yun... natuturuan ang puso... dapat umiwas na pag alam ng may sabit na ang lalaki... epro kung di pa alam at nagsinungaling ang lalaki, walang kasalanan ang girl... nakakaawa

View user profile

23 re: i'm a msitress and i need help on Sat Oct 27, 2012 11:22 am

alu


Arresto Menor
@ imerfect
personal advise for you, hindi mo kailangan humingi ng tulong sa ibang tao, ikaw lang ang bukod tanging makakatulong sa sarili mo...kung mahal ka talaga ng guy, hayaan mo pakitaan ka nya ng annulment papers o anu mang katibayan na malaya na sya para umibig muli. Ngayon, kung wala sya mapakita at puro pangako lang ang ibibigay nya sayo, better yet tapusin mo na ang relasyon nyo - bakit? 1. kasi walang kasiguraduhan na magiging masaya ang pagsasama nyo..2. bigyan mo ng respeto ang sarili mo..3. hindi sya nalalaan sayo. Aminin na natin, lahat nmn ng pangangaliwa eh nagmumula sa init ng katawan at pagnanasa na makatikim ng ibang laman, diba? it's just lust after all... hindi din magandang proof ang pag-iwan ng guy sa kanyang tunay na pamilya para ipakita na mahal ka nya - kaya ba ng kunsensya mo na ikaw ang maging dahilan para masira ang pamilya nila?? wala ka ba awa sa mga anak nila na mawawalang ng kumpletong pamilya? pano kung sayo kaya mangyari yan, gusto mo ba? kakayanin mo ba? what comes around, goes around at kapag binalikan ka ng karma, mas matindi pa yan...Kaya sana, habang may pag-asa ka pa, ituwid mo ang buhay mo, madami lalaki dyan, matuto ka pumili ng tama para di kawawa ang magiging anak mo. mag iisip ka muna, ok?? God Bless Very Happy

View user profile

24 Re: Im a mistress and I need help. on Sat Oct 27, 2012 3:10 pm

em


Arresto Menor
I LOVE THIS FORUM!!!!!


To all....

Kaya nga ang sabi ko, being a mistress may kanya-kanyang kwento.At may mga dahilan eyon. Minsan ginagamit tayong instrumento ni GOD. Lalo na don sa may mga pagkukulang sa mga asawa nila, pagkakamali. Saka nlang nla marealized na importante pala sa knila yong asawa nla pag may iba na, at kng wala na. Legal ka man o mistress Pareho lang yon, nasasaktan.

MGA DAHILAN
Ang iba ikinasal dahil nabuntis yong babae,ka gustohan ng parents o kaya napikot. At nagsasama bilang mag asawa pero lagi nlang nag aaway, d mag kasundo, walang love. Useless nman talaga ang kasal pag hinde love ang dahilan sa pag papakasal. Sa hiwalayan talaga ang hantongan nyan. Aanhin nga ba ang Legal kung hinde na kayo happy sa isa't isa, mag suffer ka nlang habambuhay? Let him/her go.. Isipin mo,nabubuhay tayo dito sa mundo para magmahal at mahalin para maging masaya. Dapat eenjoy nlang natin ang Life habang BUHAY pa tayo dito sa mundo.

Meron ding mag asawa nag sasama parin sa iisang bubong pero wala ng love affair, their living together for the sake of their children. Ganon lang talaga.

Ang pinaka masakit being a mistress yong nag mamahalan pa ang mag asawa at nag sasama pa sa iisang bubong. Pero malalampasan parin yan, only God knows.

May ibang mistress nman nag sabi, biktima lang sila, pero impisebly nman yon..tayong mga babae malalaman nman natin yong guy kung may asawa o wala. "Wala namang mangloko kung walang magpapaluko". Choice natin yan. Minsan kasi ang tao nagmamalinis, pra lang hinde ma blame.

Meron talagang pangyayari d natin inaasahan at d maiintidihan, kusang nangyayari, kaya tanggapin nalang natin yon. Hinde kasi natin ma appreciate ang tunay na kaligayahan pag hinde tayo nasasaktan.

Ako nga sa 29 years na ako dito sa mundo, lots of freinds and having a boyfreinds pero sa kasamaang palad, ngayon ko lang to naramdaman at natagpuan ang tunay na pagmamahal sa may asawa pa.Masakit pero masaya rin.

Kaya pra don sa mga Legal alagaan nyong mabuti mga asawa nyo. Para walang dahilan na magluko mga asawa nyo. Pra d maagaw sa mistress.

Para sa ating mga mistress, pag isipan nating mabuti ang pinapasokan natin. Kung karapat-dapat ba ang ipaglaban natin. Marami ang masasaktan at maapekton. Mas lalong masasaktan tayo sa pangyayari. Pero it depense upon the situation.

We have to plan na ipe annul yong kasal ng bf ko at sa wife nya,kaso magastos na talaga eh, marami pa ang dapat gastosan kay sa annulment. Ang importante magka intindihan nlang both side. Living Happy and Healhty!!!

ONLY GOD CAN JUDGE THE MISTRESS...
WHY IS THAT HAPPENED......
PEACE TO ALL......



View user profile

25 Re: Im a mistress and I need help. on Sat Oct 27, 2012 3:28 pm

Lone Lee


Arresto Menor
alu wrote:@ imerfect
personal advise for you, hindi mo kailangan humingi ng tulong sa ibang tao, ikaw lang ang bukod tanging makakatulong sa sarili mo...kung mahal ka talaga ng guy, hayaan mo pakitaan ka nya ng annulment papers o anu mang katibayan na malaya na sya para umibig muli. Ngayon, kung wala sya mapakita at puro pangako lang ang ibibigay nya sayo, better yet tapusin mo na ang relasyon nyo - bakit? 1. kasi walang kasiguraduhan na magiging masaya ang pagsasama nyo..2. bigyan mo ng respeto ang sarili mo..3. hindi sya nalalaan sayo. Aminin na natin, lahat nmn ng pangangaliwa eh nagmumula sa init ng katawan at pagnanasa na makatikim ng ibang laman, diba? it's just lust after all... hindi din magandang proof ang pag-iwan ng guy sa kanyang tunay na pamilya para ipakita na mahal ka nya - kaya ba ng kunsensya mo na ikaw ang maging dahilan para masira ang pamilya nila?? wala ka ba awa sa mga anak nila na mawawalang ng kumpletong pamilya? pano kung sayo kaya mangyari yan, gusto mo ba? kakayanin mo ba? what comes around, goes around at kapag binalikan ka ng karma, mas matindi pa yan...Kaya sana, habang may pag-asa ka pa, ituwid mo ang buhay mo, madami lalaki dyan, matuto ka pumili ng tama para di kawawa ang magiging anak mo. mag iisip ka muna, ok?? God Bless Very Happy

I agree to her..
hindi lahat ng pangako ay natutupad..
at ang pangako minsan ay pwedeng mahulog sa wala..

Love yourself first..
tama ka Alu,,minsan pag ang karma bumalik,,times two pa ang sakit...

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 10]

Go to page : 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum