Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PLEASE HELP...pano po makakasingil sa taong maraming pinagkakautangan?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Adoptechild


Arresto Menor
Here's the complete story:

Last Oct. 1, 2012 si Ms.X ay may binabayarang utang sa akin na 500Php. Pagka abot ng pera, sabi nya "kung hindi mo pa kailangan yun 500 kunin ko na muna uli kasi kulang yun babayaran ko sa isang lending company para makapag renew na ako this week." Pumayag ako kasi alam ko naman na nagbabayad sya pag nangako.

Oct. 2, 2012, may nareceive ako na pera 30k.
Nanghihiram uli si Ms. X ng 12K kasi daw nadelay ng two days yun renewal nila. May dati na kaming usapan na pag na una akong nagkapera sa kanya papa-utangin ko sya ng 10K at 2-3 days lang ibabalik nya. Ganito ang dialog ni Ms. X, "gawin mo ng 12K yun ipapautang mo sa akin BABAYARAN KO SA OCT. 4, 2012 NG AFTER LUNCH PATI NA YUN NA UNANG 5OOPhp, GAGAWIN KONG 13K LAHAT." Verbal agreement lang lahat ito, walang pirmahan. Meron pang isang item na electronic cigarette nun asawa nya worth 1,300Php na pangako din nya babayarang pag narelease yun loan nya ng 1st week of Oct. So, pina-utang ko uli siya ng 12K ng Oct. 2, 2012. Ang total ng dapat nyang bayaran sa aking ay 14,300Php. 12,500Php na cash, 1,300Php na electronic cigarette at yun offer nya na 500Php na "pakunswelo" daw.

Dumating ang Oct. 4, 2012, after lunch. Dumating siya sa tindahan ng kapit-bahay kung saan ako naghihintay. Dalawa kaming katao na naghihintay na babayaran nya dun. Eto ang dialog ni Ms.X, "nabawasan yun loan namin." Kinabahan ako,tinawag na nya yun isang naghihintay sa kanya, bago pa sila pumasok dun sa sala ng bahay kung saan sila magbabayaran sinabi ko na sa kanya "Wag mo babawasan yun babayaran mo sa akin ha." Kampante ako na as promised, babayaran nya ako ng buo pagkatapos nilang magbayaran nun isa pang naghihintay sa kanya. After 5-10 minutes, lumabas sila at umalis na yun na una nyang bayaran. Nagsalita si Ms. X, mamaya na lang yun sa'yo ha kulang na yun pera, pahihiramin ako ng pampuno nun uamalis mamya. Umabot ang 7pm ng Oct. 4, 2012 naghihintay pa rin ako pero na iinis na, kaharap yun may ari ng tindahan at ang anak ko ang sabi ni Ms. X uli "BABAYARAN KO NGAYON YUN, WAG KAYONG MAG ALALA GAGAWA AKO NG PARAAN, HINDI PWEDENG HINDI MABAYARAN NGAYON YUN". Umabot ang 9pm wala pa rin.

Oct. 5, 2012, 7am. Wala syang nabayaran sa akin ng Oct. 4 , 2012 hanggang gabi. Wala din siyang iniwan na pambayad sa akin dun sa may ari ng tindahan. Hindi pa ring sya nakabayad ng hanggang Oct. 5 ng gabi.

Oct. 6, 2012, 10am. Sa inis ko, sinabi ko sa kanya na kailangan ko na yun pera at ang usapan namin pagka-release nun loan nya ng Oct.4 babayaran na nya ako at hindi pag nakagawa pa sya ng paraan. Oct. 6 ng before lunch binayaran nya ako ng 10K at nag sabi na "kunin mo na muna itong sampung libo, yun balanse na 4,300Php sa Nov. 4, 2012 na lang, sa Nov. 4, 2012 gagawin ko yan buong 5k. Wala na talaga akong mapagkukunan nun kulang pa sa ngayon, pinasanla lang nun bayaw ko sakin yun singsing nya, yan yun 10K na yan." Pumayag ako kasi nakita kong wala na talaga siyang mapagkukunan.

Ngayon, Oct. 31, 2012, according sa mga kapit-bahay kagabi pa sya umalis. May naka-kita ng 1:30am kaninang madaling araw, may dalang mga bag at kasama nya ang panganay nyang anak nag-aabang ng sasakyan. Sinabi na rin ng kapatid nya at mga pamangkin umalis nga daw pero hindi nila alam kung saan ang punta. Pati nga raw yun singsing hindi matutubos kasi wala syang pirma.

Marami syang iniwang utang dito.
1. 2 lending companies
2. Mga nagpapa-5/6

Naiwan dito yun asawa at ibang anak nya.

May possibility na bumalik pa sya bago mag Nov, 4, 2012. Gusto ko lang malaman kung pano ang mabuting gawin ko para makasingil.
1. Dapat bang ipa-summon ko sa baranggay yun asawa nya para malinawan pano yun utang nya sa akin?
2. Kung sakaling hindi na sya bumalik pwede bang yun asawa ang singilin ko?
3.Pano po ang process na dapat gawin ko sa baranggay at pag hindi sya o ang asawa nya makatupad pano po iaakyat sa demanda ang usaping eto?

PLEASE HELP PO, nagtiwala at tumulong lang ako sa taong ito.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum