Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

how to file an annulment?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 how to file an annulment? on Thu Nov 08, 2012 3:25 pm

mojacko29


Arresto Menor
hi 12 years na po akong kasal sa wife ko. at 9 years na po akong nagtatrabaho dito sa macao. sa mga unang taon ko po dito kinukuha ko ang asawa ko para po mailayo ko sya sa bisyo nya sa pinas na sugal. kaso ang masma po lalo syang nalulong dahil natuto syang mag casino. pero tiniis ko yan hanggang maubos ang visa nya at kinuha ko sya ulit pero piang apply ko na sya ng work nya para naman kako may mapagkaabalahan sya at dina magcasino. pero sa maraming beses na pabalik balik nya dito sa macao sabi nya di dw sya matanggap, bukod pa don lalo na sya nalulong at natuto na syang magbenta ng kung ano anong bagay para lang sa sugal. pati ang kaisa isahan kong naipundar na laptop,at kwintas ng anak ko sinanala nya. duamting ung point na nakikipaghiwalay na ako sa kanya dahil sobra na. pero d sya pumayag at magbabago na daw sya. ok, pumayag ako at kinuha ko ulit sya sa macao. hanggang sa ung mga tinubos ko na sinanla nya dati, sinanla nya ulit para ipangsugal, pati pera na papadala ko sa mga anak ko ginastos nya, pati pangbayad sa bahay na inuupahan ko pinagsugal nya, rason para mapalayas ako ng may ari.. don na talaga ako sumuko at alam kong wala na syang pagbabago. nawala na ang tiwala, respeto at pagmamahal ko sa kanya.9 years ako kuba sa pagtatrabaho sa wala, walang ipon at walang pundar na kahit ano. sa ngayon may 3years GF na ako, at gusto ko syang pakasalan pero gusto ko maging maayos ang lahat at legal na pakikipaghiwalay. at ayon sa balita ko may BF na din ang wife ko na foreigner. sana po matulungan nio ako. Very Happy

QUESTIONS:

1. andito po ako sa macao. paano at saan ako mag uumpisa?
2. paano ako makakakuha ng attorney?
3. sa case ko pwede ba akong lumapit sa public attorney?
4. magkano ang magagastos ko?
5. gaano katagal bago ko mai-annul ang wife ko?
6. psychological incapacity ang ground nya hindi po ba?

thank you.

mojacko29



Last edited by mojacko29 on Thu Nov 08, 2012 3:30 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong spelling)

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum