Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

verbal agreement na binago

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 verbal agreement na binago on Sat Dec 15, 2012 8:05 am

jake.bravo


Arresto Menor
Nangungupahan ako sa bussiness establishment ng isang kaanak sa loob ng mahigit 3 taon. Gumastos ako ng medyo malaking halaga para i-renovate ang pwesto. Napagkasunduan namin (verbally) na ang renta ay direkta na naming ipadadala sa kanyang anak bilang sustento at ang resibo na lang ng money transfer ang magiging patunay ng kabayaran. Subalit kinabukasan ay kinukuha na nya ang renta, nagkaroon kami ng pagtatalo at sa galit ay nasabihan ko sya na "WALANG BAYAG KAUSAP" meron din syang nabitiwang hindi magagandang salita. Nagkaroon din kami ng reconciliation pagkaraan ng ilang sandali humingi ako ng paumanhin sa nasabi ko at ganon din sya. Sinabi ko na kung kailangan nya yong pera ay ibibigay ko subalit tinanggihan nya kaya inisip ko na pinahalagahan pa rin nya ang naunang kasunduan.Gumawa ako ng written note kalakip ang resibo ng money transfer at pina-receive sa anak nyang 15 yrs old na dati nyang inuutusang kumuha ng renta. Nang sumunod na 5 buwan ay hindi na nya pinakuha ang resibo sa kabila ng pagpapaalala ko. Nagulat na lang ako ng ipa-subpoena sa barangay ng aking kaanak dahil daw sa hindi pagbabayad ng renta sa itinakdang panahon at pang-iinsulto raw sa kanya.Gusto nya rin na bakantehin ko na ang pwesto at iwanan kung anuman ang naipagawa kong improvement dahil gagamitin ng kanyang kapatid,hindi pa ako nakakabawi sa nagastos ko at hindi rin nya ibinibigay ang bill ng kuryente ng pwesto kaya nagdudulot ito ng abala. Meron ba syang pwedeng ikaso sa akin? At ano naman ang pwede kong ikaso sa kanya dahil sa tingin ko ay gusto nya akong gipitin para mapakinabangan nya ang pwesto. Ano ang pwede kong gawin para mapangalagaan ang aming seguridad sapagkat iisang compound lang ang aming tirahan.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum