Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Advice for warrant arrest re drugs and case

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Advice for warrant arrest re drugs and case on Sun Jan 13, 2013 1:32 pm

anonymous10181989


Arresto Menor
Good day!Ano po ba ang maaaring gawin sa kaso ng aking Tatay? Siya ay nakasuhan tungkol sa Drugs(SHABU). Taong 2010 ng maganap ang insidente.

Buwan iyon ng September 2 pulis ang pumasok sa loob na aming bahay. Kahit sila ay walang dala-dalang search warrant. Hinayaan sila ng aking Nanay na magkalkal sa loob upang mapatunayan na walang ginagawang masama ang aking Tatay. Bigo ang mga pulis na makakuha ng ebidensya. Tatlong beses nilang pinasok ang aming bahay. Ultimo bahay ng aking lola at aking mga tiyahin ay pinasok nila isa-isa ang mga bahay sa buong compound. Nakatakbo noon ang aking Tatay at nakaiwas sa mga pulis dahilan na baka kapag siya ay nahuli ay baka makulong ito kahit wala itong kasalanan.

Nagtago ng isang buwan at muling nakalitaw dito sa aming baryo. Makalipas ang isang buwan. December ay may lumabas na warrant of arrest sa aking tatay. Nakakapagtaka, nakakapagduda. Dahil taliwas sa mga pahayag ng pulis ang tunay na naganap sa kanilang paghahalughog gayundin ang mga ebidensyang nakuha kung saan at sinasabing nakuha ito malapit sa aming tahanan.

Ngayon dalawang taon na ang nakakalipas kasalukuyang pa rin nagtatago ang aking ama. Hirap na hirap na po kami. Hindi namin alam kung paano makakamit ang hustisya. Payuhan niyo naman po kami sa kung anong dapat gawin.

Sa kabilang banda, mayroon nga palang nakabanggaang Pulis ang aking ama. Isa siyang SPO4 pulpol! Naging matalik na kaibigan ng aking ama ngunit hindi namin akalain na siya ang magiging dahilan ng pagkakaganito ng aming ama. Siya ang Collector ng mga Illegal dito sa aming bayan. At mayroon din siyang iligal na Video-Karera. Ano po ang pwede naming gawin. Mabigat na tao po itong SPO4 at sinasabing may humahawak po sa kanya na mataas kaya po ganun na lamang ang takot namin na ilaban ang kaso ng aming ama dahil nga may mga taong humahawak at gumagalamay sa kasong hindi naman ginawa ng aking ama.. Tulungan ninyo po kami!

Maraming salamat po!

View user profile

aboy21


Arresto Menor
Buwan iyon ng September 2 pulis ang pumasok sa loob na aming bahay. Kahit sila ay walang dala-dalang search warrant. Hinayaan sila ng aking Nanay na magkalkal sa loob upang mapatunayan na walang ginagawang masama ang aking Tatay. ``

` pwede silang kasuhan ng Theft/Robbery ang mga pulis.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum