Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ano po ang Dapat kong gawin?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 ano po ang Dapat kong gawin? on Tue Feb 26, 2013 10:22 pm

mizukki4u


Arresto Menor
Hello po,

Tawagin niyo nalang po ako sa pangalang Honey, itatanong ko po sana kung ano pong pwedeng ikaso sa aking ama na kumabit, ano po ang pwedeng ibidensiya para matuloy ang kaso, nababasa na po kasi namin ang mga txt nila ng babae at naririnig narin po na naguusap at pinaparinig narin sa aming mga anak niya ang pag uusap nila, at wala daw pong pakialam ang aming ama na marinig namin, Sobrang sakit po para sakin yun, tinitibayan ko lang ang aking loob para sa aking ina, at gumagawa narin po ang aking ama ng paraan at dahilan para mag-away sila ng aking ina, at pinaparinig narin po sa aming mga anak niya na gusto niya ng maghiwalay sila, at one time po hindi lang ata isang beses na pinapalayas narin po kami sa bahay at binabantaan ang ibang pamilya ng aking ina, matapang po kasi siya kasi lagi niyang dinadahilan at sinasabi samin na babarilin niya daw po kami, lalo na po kapag umuuwi siyang lasing, natatakot po kami kaya tumatahimik nalang kami para po hindi uminit lalo ang ulo, at madalas po siyang kumuha ng pera madalas malaking pera sa nanay ko na inipon para po sa pag-aaral namin at sa aking bunsong kapatid na sakitin, samantalang hindi po siya nagbibigay ng pera sa amin, ni singko po wala po, magbigay man kukunin din,kapag po tinatanong namin at sinasabihan, dinadaan niya po kami sa init ng ulo at pananakot,ano po ang gagawin ko? natatakot na po ako para sa aming pamilya, hindi po ako makalapit sa brgy o malapit na pulis dito sa kadahilanang siya po ang kagawad at maraming barkada at kakilalang mga pulis, at kilala po siya dito sa amin. kaya po natatakot lang din akong mag sumbong dito, ayaw ko pong masira ang aking pamilya pero kami na po ang nahihirapan, bata pa po kaming mga anak niya, ako po ay 18 pa lamang at ang sumunod ay 14 at isang 11months ngayong buwan. natatakot po ako sa pwedeng mangyari, ayoko po sana talaga itong gawin kaso kapag po nagalit ang aking ama ay nakakatakot, lagi po siyang umuuwing lasing at walang pakialam samin , natatakot po ako sa pwedeng mangyari sa pamilya ko at sa pamilya ng nanay ko, ayaw ko pong dumating sa puntong sasaktan niya na kaming lahat para masunod ang gusto niya, tulungan niyo po ako at ako po ay NAKIKIUSAP, nakausap narin po namin ang babae at sinasabi nito na may anak na daw sila pero di pa po namin mapatunayan na may anak sila, ano po ba ang maaring gawing ebidensiya na siya ay may kabit. Maraming maraming salamat po! ASAP po PLEASE.

View user profile

2 Re: ano po ang Dapat kong gawin? on Wed Feb 27, 2013 7:16 pm

attyLLL


moderator
if you will file concubinage, the only your mother can file it.

if it will be vawc, you can file it, but you will need to prove that there is repeated marital infidelity.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum