Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

May hit sa application ng NBI clearance, Guys pls. help me... thanks!

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

negro04


Arresto Menor
Gusto ko po sana humingi ng advice sa inyo tungkol sa pag-aaply ko ng NBI clearance, actually renewal po ng NBI clearance ko, pero nag-advice ang NBI branch sa lugar namin na pumunta ako sa main sa taft ave. pinapunta ako sa Quality Control Section for interview daw po, doon ko po nalaman na may kapangalan ako na may case ng robbery, kaya pinapunta nila ako sa RTC para humingi ng Cerificate of Case Disposition, pero di po ako nabigyan ng certificate, ang gusto nila puntahan ko yung complainant at humingi ng letter na katunayan na hindi ako yung taong tinutukoy nila, ngunit wala na yung complainant sa tinitirahan nyang bahay umuwi na daw ng probinsya kaya humingi ako ng letter sa barangay nila na kung saan ay malapit lang sa bahay nung complainant at kilala sya, na katunayang hindi na sya residente sa lugar na iyon, ngunit di pa din nila tinanggap ang letter ng baranggay, hanggang sa pinakuha nila ako ng Affidavit of Denial, pag balik ko sa RTC di pa din nila ako binigyan ng certificate.

Sa katunayan po pareho ng kami ng pangalan at apelyido, pero wala pong middle initial wala din po picture yung suspect at di nila alam ang edad, pano po nila masasabing ako yun... Atty., ano po ba ang dapat kong gawin at sino po ba ang pwede kong lapitan? kailangan ko po kasi ang NBI Clearance para sa promotion ko sa trabaho...

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum