Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Runaway Theft Maid

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Runaway Theft Maid on Mon Mar 04, 2013 2:29 pm

tubbychic


Arresto Menor
Nais ko po sana ihingi ng tulong para sa aking hinihinging refund sa Maid agency dahil sa klase ng katulong na ibinigay nila sa akin.

Ang una po nilang kasambahay na ibinigay sa akin ay nag-runaway. After 2 weeks may ipinalit silang 39y/o. Lingid sa aking kaalaman na ito ay naninigarilyo kung kaya't itinawag ko agad sa agency na palitan ito dahil sa ako'y nagdadalantao at hindi tama ang usok ng sigarilyo sa akin. Lumipas ang 3linggo wala pa rin silang ibinigay na kapalit para sa yosi girl kong kasambahay.

Hanggang sa nitong biyernes(March 1),pagbalik namin sa bahay nun gabi wala na ang kasambahay ko. Naiwanan bukas ang gate at ang pinto ng bahay. Nakita kong wala na rin ang kanyan mga damit pati na rin ang celphone ng asawa ko.Itinawag ko ito agad sa agency para maireport ang pangyayari at sinabi nila na kumuha daw ako ng barangay report.
Kinabukasan pumnta ako ng barangay para i-report ang aking katulong. Wala akong nakitang police kung kayat hindi ako nakapagpagawa ng police report. Humingi ako ng kopya ng barangay report at ibingay ko sa Maid agency.
Ako po ngayon ay humihingi ng refund para sa mga nakaka dismayang pangyayari. Ngunit itinanggi po nila na hindi sila nagbibibgay ng refund dahil ito daw po ay nakasulat sa kontrata. Parang lugi naman kaming mga employer sa ganun paraan. Nagbayad ako ng 4,700 sa kanila tapos ninakawan pq ng katulong na ibinigay nila tapos wala lang ako makukuha na refund. Napakahusay namn po yata ng ganun condition.
Nais ko po sanang tulungan nyo ako pra akoy makakuha ng refund.Wala na po akong balak maghintay pa ng isang magnanakaw na ibibigay nila. nais ko na po sanang tapusin ang serbisyo nila sa akin at sana po'y mapagpayuhan nyo ako sa aking suliranin.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum