Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Cheating Husband

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 4:13 pm

pirated


Arresto Menor
Good day po. Bago po ako dito and I am happy to know na meron palang online experts na pwedeng mapagtanongan tungkol sa mga legal matters.

May asawa na po ako at magpa-5 years na po kaming kasal. Bago pa po kami ikinasal, naging mag boyfriend-girlfriend po kami ng almost 11 years. Seaman po ang asawa ko. Unang alis niya sa bansa ay noong 2007 at nang umuwi siya noong May 2008, namanhikan siya sa amin. Ikinasal kami sa judge noong July 2008. Umalis rin ang asawa ko para magtrabaho a month after our wedding. Lagi naman siyang umuuwi sa amin kasi short contract lang naman ang trabaho niya.

Nabuntis po ako noong Jan. 2010 sa una naming anak at doon ko nalaman na may anak na pala siya sa ibang babae at sa mga taong iyon ay buntis din sa pangalawang anak nila. Noong bago ko pa nalaman na may anak siya sa iba, tuwing umuuwi siya sa amin, lagi siyang dumadaan sa isang lugar bago siya makauwi sa amin. Iyon pala ay nakipagkita muna siya sa babae niya.

Nagkausap po kami. Sabi niya hindi sa kanya yoong pangalawang ipinagbubuntis. Natanggap ko 'yong "allegedly" unang anak ng asawa ko kasi nangyari iyon noong hindi pa kami kasal. Naging maganda naman ang pagsasama namin. Pero nadiskobre ko na na lagi pa rin pala silang nagkikita ng babae. Hindi naman ako tutol sa pagbibigay niya ng sustento sa 2 bata. Lagi niyang sinasabi na may boyfriend na raw 'yong girl at hindi na sila nagkikita pero may mga latest pictures po sila na nakikita ko na magkasama.

May mga tanong po ako at humihingi po ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin.

1. Ano po ba ang pwede kong gawing legal na hakbang para maturuan ng leksyon ang asawa ko. Maaari ko po bang kasuhan ang asawa ko? Kung maaari, ano po ang pwde kong isampa laban sa kanya?

2. Pwde ko rin po bang kasuhan ang babae? Kung pwde, ano ang maaaring isampa?

Maraming salamat po. Sana mabigyan po ninyo ng pansin itong mga katanungan ko at maliwanagan ako sa kung ano ang dapat kong gawin.

God bless and more power!

View user profile

2 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 4:36 pm

advice_from_you


Arresto Menor
Yes, you file case Republic Act No. 9262 (AN ACT DEFINING VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN, PROVIDING FOR PROTECTIVE MEASURES FOR VICTIMS, PRESCRIBING PENALTIES THEREFORE, AND FOR OTHER PURPOSES)

View user profile

3 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 4:39 pm

advice_from_you


Arresto Menor
and also ADULTERY since your are married

View user profile

4 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 4:43 pm

pirated


Arresto Menor
Thank you so much. Can I ask another question, if you permit me to?

Kung sakaling mapa-file ko na po ang case, pwede po bang maho-hold ko yong asawa ko para hindi makalabas ng bansa?

View user profile

5 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 4:57 pm

advice_from_you


Arresto Menor
Yes, if the court have already warrant of arrest. Then you filed a case in Department of justice for hold departure order.

View user profile

6 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 5:11 pm

pirated


Arresto Menor
Thank you so much for all your help. I am now enlightened with what I have to do.

God bless and more power!

View user profile

7 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 5:18 pm

advice_from_you


Arresto Menor
Welcome

View user profile

8 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 5:47 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Depende kung anong lesson ang gusto mong ituro sa kanya. You can file concubinage and/or RA9262. Sa concubinage, kasamang makakasuhan ang babae. Both are criminal case at maaring makulong ang asawa kung mapapatunayan nag-kasala.

View user profile

9 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 5:58 pm

pirated


Arresto Menor
to concepab:

Salamat po sa information. Nag abala po akong mag browse ng mga posts, baka sakaling may kaparehang case sa akin. May nakita akong concubinage.

Kahit po ba yong babae lang ang nag effort na ilagay ang pangalan ng asawa ko sa birth certificate ng bata, sapat na ba yon na patunay na ina-acknowledge ng asawa ko ang bata? Hindi naman sa nagmamaramot ako dahil kailangan naman talagang sustentuhan ng asawa ko yong bata kung totoo mang sa kanya yon. Tinanong ko kasi ang asawa ko kung may pirma ba siya dun sa BC, sabi niya wala. Kahit po ba walang pirma ang asawa ko dun sa BC ng bata, basta pangalan niya ang nakalagay dun, enough na po ba yon to be an evidence for concubinage? May mga latest pictures din po akong hawak na magkasama sila. Pwde po ba yong maging evidence?

Gusto ko makulong ang asawa ko para matauhan siya sa mga pinaggagawa niya. Nagdedemand din kasi yong babae para sa sarili niya, may karapatan po ba siya to demand for herself?

Sana mabigyan nyo po ng liwanag itong mga tanong ko. Salamat po.

View user profile

10 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 6:02 pm

advice_from_you


Arresto Menor
Yes, Even without consent of the father to put his name to birth certificate. you can use that file against him and also your supporting documents the electronic evidence are honor to the court.

View user profile

11 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 6:05 pm

pirated


Arresto Menor
May nakuha po akong access sa mutual account nila, pwde ba nila akong makasuhan for anti-cybercrime law - invasion of privacy? Doon ko kasi nalalaman lahat nga mga pinaggagawa nila. How can I make myself safe from that situation?

View user profile

12 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 7:01 pm

advice_from_you


Arresto Menor
R.A 10175 (AN ACT DEFINING CYBERCRIME, PROVIDING FOR THE PREVENTION, INVESTIGATION, SUPPRESSION AND THE IMPOSITION OF PENALTIES THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES)

SEC. 4. Cybercrime Offenses. — The following acts constitute the offense of cybercrime punishable under this Act:


(1) Illegal Access. – The access to the whole or any part of a computer system without right.

They cannot file against you because your are married.

View user profile

13 Re: Cheating Husband on Mon Mar 04, 2013 7:32 pm

concepab


Reclusion Perpetua
pirated wrote:to concepab:

Salamat po sa information. Nag abala po akong mag browse ng mga posts, baka sakaling may kaparehang case sa akin. May nakita akong concubinage.

Kahit po ba yong babae lang ang nag effort na ilagay ang pangalan ng asawa ko sa birth certificate ng bata, sapat na ba yon na patunay na ina-acknowledge ng asawa ko ang bata? Hindi naman sa nagmamaramot ako dahil kailangan naman talagang sustentuhan ng asawa ko yong bata kung totoo mang sa kanya yon. Tinanong ko kasi ang asawa ko kung may pirma ba siya dun sa BC, sabi niya wala. Kahit po ba walang pirma ang asawa ko dun sa BC ng bata, basta pangalan niya ang nakalagay dun, enough na po ba yon to be an evidence for concubinage? May mga latest pictures din po akong hawak na magkasama sila. Pwde po ba yong maging evidence?

Gusto ko makulong ang asawa ko para matauhan siya sa mga pinaggagawa niya. Nagdedemand din kasi yong babae para sa sarili niya, may karapatan po ba siya to demand for herself?

Sana mabigyan nyo po ng liwanag itong mga tanong ko. Salamat po.

Para magamit mo bilang evidence ang bata, kailangan may acknowledgement ng asawa mo, it is either he signed the BC or any written letter accepting the child. Kung si babae lang ang nag-lagay ng name ng hubby mo sa BC w/o the consent of your husband that doesn’t prove that he is acknowledging the child.

Paano mo na-acquire you joint account nila?

View user profile

14 Re: Cheating Husband on Tue Mar 05, 2013 9:22 am

pirated


Arresto Menor
to advice_from_you:

Salamat po sa information regarding that portion of the anti-cybercrime law. Medyo gumaan ang loob ko sa ngayon.


to concepab:

Yong babae lang po ang naglagay ng pangalan ng asawa ko sa BC ng bata. Tapos lagi niya sinabihan ang asawa ko na sa asawa ko naka apelyedo ang bata. Tapos may nakita akong isang picture ng isang bagay na pag-aari ng bata, hindi naman apelyedo ng asawa ko ang nakalagay, apelyedo parin ng babae ang ginagamit ng bata. Parang pini-frame-up lang niya asawa ko.

It is a cyber account nila, isa sa mga cyber account nila ang nalaman ko. Siguro pinagkaloob yon ng Panginoon na malaman ko yon.

Salamat po sa inyo. Madami po akong nalalaman na pwede kong gawin laban sa kanila.

View user profile

15 Re: Cheating Husband on Thu Mar 07, 2013 2:41 am

rider.beth.3


Arresto Menor
gud day'

ang isang papel po b n pngawa and notarized ay may bisa..tulad po ng papel n pnagkasunduan nyo magasawa n wla n kau pkialaman s isat isa..kmi po ay 5 yrs ng hiwalay..need advice..tnx po!!

View user profile

16 Re: Cheating Husband on Thu Mar 07, 2013 4:50 am

concepab


Reclusion Perpetua
rider.beth.3 wrote:gud day'

ang isang papel po b n pngawa and notarized ay may bisa..tulad po ng papel n pnagkasunduan nyo magasawa n wla n kau pkialaman s isat isa..kmi po ay 5 yrs ng hiwalay..need advice..tnx po!!

wala pong bisa ang ganon klase ng kasundun, even notarized.

View user profile

17 CONCUBINAGE???? on Mon Mar 11, 2013 3:52 am

roan21


Arresto Menor
Good day po, halos mag iisang taon na po kmeng hiwalay ng asawa ko dahil sa pambabae nya. Kinasuhan ko po sya ng abandonment dahil simula po ng malaman kong may babae na sya di sya nakapag sustento. nagtagumpay nman po ang aking kaso at napilitang mag abot ng financial support ang aking asawa. Ngayon po, maari ko po bang sampahan uli ng kaso ang aking asawa dahil ang babaeng kinakasama nya ay nabuntis nya na???
Maraming Salamat po.

View user profile

18 Re: Cheating Husband on Mon Mar 11, 2013 11:21 am

assenav


Prision Mayor
advice_from_you wrote:and also ADULTERY since your are married

ADULTERY poh is a case againts cheating wives, tama poh ba Atty's?

View user profile

19 Re: Cheating Husband on Tue Mar 12, 2013 4:52 pm

attyLLL


moderator
roan, yes, you can file a case for concubinage

assenav, yes


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

20 Re: Cheating Husband Today at 2:13 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum