Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ANG AKING BYENAN!

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 ANG AKING BYENAN! on Sun Mar 17, 2013 8:03 pm

wendy


Arresto Menor
Dear Attorney,

Ikinasal po kami ng aking asawa last August 29, 2012. Yung father po nya namatay noong July 7, 2012. Yung byenan kong babae tutol na maikasal kami pero naka-prepare na ang lahat, dahil nga sa pagpanaw ng byenan kong lalaki. Simula po noon nagkaron na kami ng hindi pagkakaunawaan ng byenan ko. Hanggang sa umabot na po kami sa BARANGAY. Lagi po nyang ipinagkakalat na AKO ay masamang babae dahil natuto raw maging suwail ang kanyang anak simula noong kami ay ikinasal. Kahit kanino yung ang sinasabi nya sa akin kahit sa barangay, ako raw ang taga-sulsol sa asawa ko na anak nya para labanan sya. When in fact, wala naman katotohanan. May sariling pag-iisip ang asawa ko hindi na kelangan pang turuan. Kahit harap ng barangay officials ako ang sinasabi nya masama. Chinichismis nya ako kung saan-saan sa kanilang lugar. so kada punta namin dun sa kanila ganun ang sinasabi ng mga tao at ang sama na nga ng tingin sa akin. Ito pong araw na ito, muli nyang nabanggit sa Lupon na ako nga daw po yung mapanulsol at masama dahil dati raw mabait ang anak nya. Ano po ba ang maari kong ikaso sa byenan kong mapanira ng puri??? SObra na po kasi. Buntis pa po ako ngayon.

View user profile

2 Re: ANG AKING BYENAN! on Mon Mar 18, 2013 12:38 am

Ladie


Prision Mayor
ano sabi ng asawa mo re: dyan? Kung ihahabla mo biyenan mo, hindi naman kaya magsilbing "wall" na sa pagsasama ninyo? Ignore mo na lang biyenan mo, advice ko sa iyo, take it or leave it. Gaano na ba katanda biyenan mo? Cool ka lang...

View user profile

3 Re: ANG AKING BYENAN! on Mon Mar 18, 2013 12:51 am

Jhai Reambillo


Arresto Mayor
Tama, huwag mo nang hablahan ng kaso. Dahil lalo kalang lilitaw na masama. Naitanim na ang chismis, kung lumalaki man, hyaan mo na, malalanta din yan at mamamatay.

The best thing you can do is to be yourself.. my penny worth of advise - PROVE THEM WRONG! Yun lang. You have to consider the fact that she is still the mother of your husband. Siya ang nagpalaki sa asawa mo. May utang na loob parin dapat. Ganyan talaga ang buhay may asawa, hindi mo alam kung kelan magkakasiraan or magkakasiyahan. Hindi mo pwedeng iluwa nalang ng basta2 ang kahit na anong factors na kasama sa PAG AASAWA kapag nagkaproblema.

Pakatibay ka nalang. PROVE THEM ALL WRONG kung alam mo naman pala mismo sa sarili mo na hindi totoo ang mga accusations niya sayo. Pagsabihan mo din husband mo bilang asawa. Baka naman siya talaga ang may attitude problem at nadadamay kalang.

View user profile http://rambee.jad@gmail.com

4 Re: ANG AKING BYENAN! on Mon Mar 18, 2013 10:44 am

attyLLL


moderator
but if you want to file a case - slander.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

5 Re: ANG AKING BYENAN! Today at 7:56 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum