Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

[HELP] Barangay legal advice needed

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 [HELP] Barangay legal advice needed on Sun Mar 24, 2013 4:21 pm

weasley


Arresto Menor
Ask lang ako ng advice regarding sa reklamo isinampa sa aming 2 ng brother ko ng isang barangay councilor dito sa amin. But first, let be give a a background kung saan ito nag start. One night, meron kami sinita na grupo ng mga menor de edad na nagsisigawan sa harap ng bahay namin. Sinabihan sila ng brother ko na magsi-alis na lang dun sa tapat namin, kaso hini nakinig yung grupo ng mga kabataan, lalo pa sila nag-ingay, so ang ginawa namin ng brother ko, lumabas kami para sinahin sila, kaso mabilis sila nagtatakbo at habang tumatakbo sila palayo, minumura nila kami. Sa may kanta ng street namin, nakatambay yung 2 konsehal at 1 tanod, nagku-kwentuhan lang sila kahit nakikita at naririnig nila ang mga nagyayari kaso wala sila ginawa. Lumapit brother ko sa kanila para isangguni yung mga nangyari, nung tinanong sila ng brother ko kung nakita ba nila yun,nag-deny sila, sabi ng brother ko, imposible hindi nyo makita at marinig yun, halos buong kalye naglabasan dahil sa ingay nung grupo ng mga kabataan, sabi pa ng brother ko dun sa isang konsehal, ikaw, peace and order ka pa man din kaso wala ka ginagawa, sabay minura nung konsehal brother ko at nagka-iringan sila hanggang sa magkahamunan ng suntukan ngunit naawat din ito agad nung 1 konsehal dun. Nung time na nakita ko yun, tumakbo ako sa brother ko para awatin, tapos ako naman ang minura nung nakaalitang konsehal ng brother ko at sabay sinuntok buti na lang nakaiwas ako, gumanti din ako ng suntok kaso hindi ko tinamaan kasi inawat na din ako nung 1 tanod. Nangyari ito sa tapat mismo ng barangay hall kung saan dun nagpunta brother ko para magreklamo kaso nga mura at panununtok ang inabot namin sa isang konsehal dun. Nung gabi din yun, nagpa-blotter ako sa barangay, sinabi ko dun yung mga pangyayari.

Ngayon, nireklamo kami ng konsehal na yun sa barangay, ang sabi nya, pinagtulungan daw namin sya, meron sya pinakita medical certificate na meron daw sya bugbog sa mukha inwhich una ko na nilagay sa bloter ng barangay na wlang suntok na umabot sa isa't-isa kasi naawat nga agad kami. Ang pagkaka-alam namin, yung mga sugat na natamo nya ay dahil sa pag-awat sa kanya ng pamilya nya.

Ano po ba ang dapat namin gawin magkapatid, 2 beses na hindi namin sinipot yung summon ng barangay sa amin kasi naniniwala kami na wala kaming hustisya makukuha sa barangay dahil yung chairman dun eh bata-bata yung konsehal na nag-reklamo. Btw, yung brother ko dati din konsehal ng barangay na naka-sama noon nung konsehal na nag-reklamo sa amin at nung chairman ngayon. Naniniwala po kami na kami ay inosente sa mga pangyayaring ito, kami na yung lumapit sa barangay para mag-reklamo kaso mura at panununtok lang inabot namin tapos kami pa yung lumalabas na masama ngayon.

Hingi lang po ng legal advice sa inyo, salamat po!

View user profile

2 Re: [HELP] Barangay legal advice needed on Sun Mar 24, 2013 5:39 pm

jd888


moderator
Attend the Brgy. Hearing to clear out things out and arrive to amicable settlement.

It is time to set aside the barricade and say you are both sorry.

It does not mean you are weak when you turn the other cheek (as the song goes)

Yet, it takes a better person to understand and forgive another.


_________________
Please be reminded that this advice is based solely on the facts you have narrated and my appreciation of the same. My opinion may vary when other facts are changed or elaborated.
View user profile http://www.chanrobles.com/

3 Re: [HELP] Barangay legal advice needed on Wed Mar 27, 2013 12:17 am

weasley


Arresto Menor
Salamat po sa reply nyo... Ask ko na din po, ano po ang pwede isampang kaso sa isang tao na sumuntok syo while nakasuot ka ng eyeglasses or contact lenses? Meron po bang batas sa ganung kaso? Meron kasi ako kaibigan na nasuntok while naka-contact lense sya, muntik na nya ito ikabulag, buti na lang hindi napuruhan yung mata nya? Salamat po uli sa inyong advise...

View user profile

4 Re: [HELP] Barangay legal advice needed on Thu Mar 28, 2013 8:12 am

jd888


moderator
He may only be held criminally liable for the crime of physical injuries defined and punished under the Revised Penal Code. This crime is classified into three: slight physical injuries, less serious physical injuries, and serious physical injuries. The type of physical injuries crime that your friend may file against him will depend upon the gravity of the injury that your friend sustained from him. If the injuries your friend sustained shall incapacitate your friend to go to work from one (1) to nine (9) days or shall require medical attendance during the same period, your friend may file a criminal complaint for slight physical injuries pursuant to Article 266 of the Revised Penal Code. If your friend shall be incapacitated for work for ten (10) days or more or shall require medical attendance for the same period, your friend may file a criminal complaint for less serious physical injuries pursuant to Article 265 of the Revised Penal Code.


_________________
Please be reminded that this advice is based solely on the facts you have narrated and my appreciation of the same. My opinion may vary when other facts are changed or elaborated.
View user profile http://www.chanrobles.com/

5 Re: [HELP] Barangay legal advice needed on Sun Apr 07, 2013 10:47 am

weasley


Arresto Menor
Thanks sa reply po... Update ko lang yung una inquiry, nabalitaan namin na isinampa na daw sa piskalya yung kaso, 2 barangay hearing kami hindi naka-aatend, hinihintay namin kasi umabot sa 3 barangay hearing na kasama ang mga lupon kaso hindi na umabot dun at nung Thursday daw isinampa na nila ito sa piskalya sa pagkaka-akalang naka-3 beses ng nag-hearing ang barangay na hindi kami dumalo which is mali dahil yung pang-3 na hearing ay hindi naman nagyari. Now na nalaman nilang hindi pa pala nagkakaroon ng pang-3 na hearing, minamadali nila kami umattend sa pang-3 na meeting na yung. Kailangan pa ba namin umattend sa pang-3 meeting na yung ng barangay ngayong naisampa na nila yung kaso sa piskal? Ang alam kasi namin, ibabasura ng piskalya yung kaso na yun pag nalaman ito na hindi pa pala umabot sa pang-3 na hearing ng barangay bago ito isampa, tama po ba? Kung sakali naman umattend kami sa pang-3 hearing ng barangay, ano naman ang magiging epekto nito sa kasong isinampa na sa piskalya? Salamat po uli sa inyong kasagutan...

View user profile

6 Re: [HELP] Barangay legal advice needed on Tue Apr 09, 2013 11:25 am

attyLLL


moderator
no such rule. as long as the certificate to file action was issued, the prosecutor will honor that.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum