Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Rights ng May-ari ng Lupa Pero My Nakatira na Iba

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

MelBlanco


Arresto Menor
Ang nanay ko po ay may-ari ng isang maliit na lupa. Nagsimula na po siyang magpatayo ng bahay dun pero hindi po natapos dahil nagkulang and pera. May pamangkin po sya na nagsabi na sila na lang ng misis nya ang titira dun. Pumayag po si nanay at nagkaroon sila ng kasulatan na caretaker po yung pamangkin nya at kung may improvements man daw ay babayaran ni nanay.

Ito pong kasulatang ito ay inpormal po at hindi nanotarize, pero pirmado po nila pareho. Sa madaling sabi, nagpatayo ng temporary house dun ang pamangkin nya. Lumipas po ang panahon, naisipan ni nanay na bawiin na yung lupa pero sabi po ni kuya ay huwag muna dahil nung panahon na yun ay gipit pa yung pinsan namin at walang malilipatan.

Unti-unti na pong nagpatayo ng bahay yung pamangkin ni nanay nung nagkapera. Nung kinausap po nya dahil nga pinapalaki na ang bahay, sabi ng pamangkin e may mga resibo naman po sila na magpapatunay sa ginastos nila sa bahay at ipapareimburse na lang kay nanay. Nung panahon na yun ay wala pang pera si nanay para mabayaran yun.

Ngayon po ay pinapalaki pa nila lalo ang bahay. Maari po bang gumawa ng kasulatan kung saan may nakasaad kung hanggang magkano lang ang gustong bayaran ng may-ari ng lupa at ang sobra dun ay kargo na ng pamangkin ni nanay? Ligal po ba ito?

Kawawa naman po si nanay kasi tumatanda na sya at baka lalo lang lumaki ang gagastusin nya para lang mabawi yung lupa. Wala po syang planong ibenta yun dahil ibibigay daw nya po yun kay kuya. Patulong naman po. Maraming salamat!

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum