Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NEED YOUR LEGAL ADVICE

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 NEED YOUR LEGAL ADVICE on Thu Apr 11, 2013 9:22 pm

erine22711


Arresto Menor
magandang gabi po sa inyo. kinakailangan ko po ang inyong payo dahil ako po ay naiiipit na sa sitwasyon ko na hindi ko naman talaga dapat kinasangkutan. nagumpisa po ang lahat ng ito dahil sa kaibigan kong nagpapautang.Ako po ay inatasan niyang maningil sa mga pinautang niya sa kadahilanang malayo siya sa mga taong pinautang niya at mas malapit ako sakanila dahil kapitbahay ko mismo ang mga pinautang niya. Sa una po ay maganda naman ang bayad nila. Pagdating ng marso, nakiusap sakanya ang mga pinahiram niya na medyo madedelay sila ng hulog ng dalawang araw. kinalaunan ako ang pinipilit niyang magpaluwal muna ng pera para naman mabayaran ang inutang ng aking mga kapitbahay, ngunit hindi naman ako pumayag sa sinabi niya dahil wala naman akong kinalaman sa mga pinaguuutang ng aking mga kapitbahay dahil taga singil lang naman talaga ako. Sinabi ko sakanya na ayaw ko ng maningil, kaya naman bigla siyang nagalit sa akin. Dahil sa nangyaring iyon, Gumawa siya ng mga tsismis na mayroon akong kabit o karelasyon sa kung sinu-sinong mga lalake,Isang araw, pumunta siya sa bahay upang tanungin ako kung may na singil ako. Pag abot ko ng pera, saka ko naman siya tinanong kung anu-ano ang mga pinagkakalat niyang tsismis at kung saan niya pinagkukukuha iyon. Kinabukasan, nagpabarangay siya bigla at sinasabing may nagtext raw sa kinakasama niya na may kabit siya. at ako ang pinagbibintangan niya siguro dahil ako lang ang nakaaway niya. Tapos para malinis ang pangalan niya sa ganoong sitwasyon, tinawagan niya mismo ang kabit niya upang palabasin na may relasyon kame ng kabit niya upang mailihis sa amin ang kinakaharap niyang problema.at upang mailigtas din ang kabit nya sa galit ng kinakasama niya,upang maipalabas na may relasyon kame ng kabit niya, nirecord niya ang paguusap nila ng kabit niya na nagsasabing may relasyon daw kaming dalawa at may ginagawa rin daw kaming kababalaghan. sa madaling salita, ginawaan nila ako ng kuwento upang masira ang reputasyon ko sa mga tao. ano po ba ang magandang kaso na pwede ko pong isampa sakaniya?
yung pinablotter niya po sa barangay laban sa akin ay paninirang puri na ako dapat ang magsampa, pero nag file po ako ng counter ng paninirang puri rin upang maipalabas yung nirecord niya na pinagkakalat niya upang mapatunayan na malinis ang pangalan ko. Ano rin po ba ang magandang ikaso sa lalaki dahil kasabwat din po siya sa paninira sa akin.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum