Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Husband and Child Rights

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Husband and Child Rights on Thu Apr 18, 2013 2:54 pm

Smoonchiba


Arresto Menor
Good day po we need your advice.
Bago ko po pakasalan ang asawa ko may anak po sya na dalawang babae.
Age nila ngayon ay 6 and 5 years old na ang surname ay sa asawa ko.
Nag abroad po muna sya 2008 at that time na magbf palang kami nagpapadala naman po sya ng
sustento sa mga bata.
Tapos nung umuwi po sya 2012 kami nagpakasal. Bumalik po sya sa abroad kaso sa kamalasan ay
napauwi gawa ng problema sa employer at ngayon po almost mag 1 yr na rin po sya walang work.
Ang problema po ang ang ina ng mga bata. Nagbabanta po sya sa aking asawa na magbigay ng sustento sa mga bata at ayaw po nya ipahiram sa amin ang mga bata.
Tuwing hihiramin namin , kailangan pa na magbigay muna ang asawa ko ng pera sa kanya.
Sinasabi nga po ng asawa ko na wala pa syang work at sana maunawaan po nya, pero sinabi daw
ng lawyer nya na hindi daw po un pwedeng dahilan. Totoo po ba yun?

Gumagawa naman ng paraan ang asawa ko. Kaso hinihintay pa nga yung visa sa agency para makaalis po ulit.
Ang problema eh yung babae gusto nya magbigay agad ng sustento na wala pa nga.. Kaya naman po
hindi sa amin pinahihiram ang mga bata. Nakaka visit naman sya sa mga bata kaso po ang gusto sana
namin mahiram sila tulad ng dati para makapiling ko rin. Hindi rin po ako pwedeng pumunta sa lugar ng mga bata. Marami rin po kaming nalalamang ginagawa ng ina ng mga bata na hindi maganda.
Dati po nanghingi po sya ng pang tuition sa school nung nasa abroad pa ang aking asawa . hindi naman nya ginamit ito pang bayad sa tuition ng mga bata agad. Ginamit po muna nya. Pinagbantaan nya po sya at pinamadali na need na daw magbayad
ng para sa tuition. Nung tinignan namin ang date of payment sa school ng tuition ay lumalabas na 1 month after nya pa ito binayaran.
Ginamit po nya ito para makapunta sa boracay kasama ng bago nyang boyfriend at pinsan. Pero ang paliwanag nya team building po daw yun. Na imposible kasi hindi naman nya ka employee yung bf at pinsan nya.
Isa pa po eh nakahirit po sya ng pera sa kapatid ng asawa ko na nasa taiwan na ang sabi pang field trip daw ng mga bata. babayaran nalang daw sya pagnagpadala na po yung asawa ko sa kanya. Ang gusto sana ng kapatid ng asawa ko isama yung nanay nila para makatikim ng pasyal kasama ng mga apo nito.
Ang sabi nung babae hindi na daw pwede kasi nilista na yung mga isasama ang inilagay nya ay ung yaya daw po ng mga bata. Pero nung makita namin sa picture ang sinama nito ay yung bago nyang bf.. magkaiba po yung nasa boracay.
Pagbisita din nga asawa ko sa mga bata nakikita nyang walang laman yung reff , walang stocks ng pagkain. ang papayat ng mga bata at lumang mga damit nila samantalang yung ina nakakabili pa ng mga branded na kagamitan at nakakakain ng masasarap ng pagkain at nakakapunta kung saan saang lugar.

May recorded nga po kaming conversation ng asawa ko at ng panganay nyang anak na lagi daw alis ng alis yung mommy nila pag may pera. Samantalang 6 going 7 years old palang ang bata nakikita nya na ganun ang nanay nya. Dinadala din po nya yung mga lalaki nya at pinapatulog dun sa bahay nila. Na puro babae pa naman ang mga anak nila pero hindi sya concern sa kanila, kung sino sinong lalaki ang pinapatuloy nya dun. Ang isa pang dahilan kaya ayaw nya ipahiram ang mga bata dahil marami na daw lumalabas sa balita na dinudukot na mga bata. Parang sinasabi nya na hindi namin mababantayan ang mga bata, samantalang po sya laging wala dun sa bahay. Kahit day off nya sa work lagi syang umaalis daw po. Ano po dapat ang gawin namin. Pilit nya sinasabi na hindi na daw nya ipapahiram ang mga bata. Wala naman po problem sa pagbibigay ng sustento,kaso hindi po sya makaintindi na wala pa nga trabaho ang asawa ko at kung meron na po ang gusto lang po namin gamitin para sa mga bata yung pera.
At isa pa po. ang gusto nya kasi mangyari na ang asawa ko lang ang gagastos sa mga gastusin ng mga bata. Hindi po ba dapat hati sila dun?
Pati nga po bahay nila gusto nya asawa ko pa ang magbayad , samantalang kung sino sino ang pinapapasok nya dun. Kung gusto nya na kami magbayad sa bahay sabi ko po umalis sya dun at tayo ang titira dun kasama ng mga bata. Napaka irresponsible po nyang ina.

Gusto po namin makuha ang mga bata. Ano po dapat ang gawin namin. Ang sabi daw kasi pag minorde p ang mga bata ang ina lang daw po may karapatan. totoo po ba un?

Ano po mga right ng asawa ko sa kanila pati na rin po hangganan ng pagsustento sa mga bata dahil
kami rin po nagpaplano na para sa future naman po naming dalawa at magiging anak po namin.

Sana po matulungan nyo po kami.

Maraming salamat po.


View user profile

2 Re: Husband and Child Rights on Thu Apr 18, 2013 5:47 pm

Drummer Boy


Arresto Menor

Yes you may file a police blotter to support the fact of abandonment by your husband and you may also petition the court for judicial separation of property.

View user profile

3 Re: Husband and Child Rights on Fri Apr 19, 2013 12:13 am

homem


Arresto Mayor
ang haba rin, hindi kaya kamaganak mo si ms.teryosa? Kasal po ba ang asawa mo sa ina ng mga anak nya? (tama ba ang tanong ko, parang ako ang nalito ah) Sa aking unawa, pag hindi kasal ang guy sa babae, ang anak nila ay itinuturing na illegitimate at ang karapatan sa custody ay nasa ina. Ang pwedeng ikaso sa asawa mo ng una nyang kinasama ay gamit ang RA9262 ( na naman). Kung sila ay kasal, nakup, medyo mabigat, kaya liwanagin mo ito para mabigyan ka ng mas tamang payo.

View user profile

4 Re: Husband and Child Rights on Fri Apr 19, 2013 9:44 am

Smoonchiba


Arresto Menor

@ Drummer Boy - Thank you for your reply..
Hindi naman po yung pagsuporta ng aking asawa sa mga anak nya sa pagkabinata even yung sa property po namin, wala rin po kaso po yun. Naawa lang po talaga ako sa mga bata sa kamay ng ina nila.

@Homem - Thank you for the reply. Hehehe.. Censya na po kung mahaba. Ganyan talaga ang buhay parang nobela.
Hindi po sila kasal. Naglive in lang po sila at bago pa ko dumating sa relasyon matagal na rin po silang hiwalay. Then nagpakasal nga po kami. True po sabi nyo na nasa custody pa ng ina ng mga bata dahil sa 5 at 6 yrs old lang po sila pero may nabasa rin po kasi ako na pag 8 yrs old na pwede na mag file ang ama kung gusto nito makuha sa custody. Tama ho ba yun?

Like I said po wala po kaso sa amin kung yung asawa ko magprovide financial support sa mga bata. Yun lang sana talagang napupunta sa mga bata. Eh hindi po eh. Ginagamit lang po sa layaw ng ina..

View user profile

5 Re: Husband and Child Rights on Fri Apr 19, 2013 7:16 pm

homem


Arresto Mayor
Smoonchiba wrote:
@ Drummer Boy - Thank you for your reply..
Hindi naman po yung pagsuporta ng aking asawa sa mga anak nya sa pagkabinata even yung sa property po namin, wala rin po kaso po yun. Naawa lang po talaga ako sa mga bata sa kamay ng ina nila.

@Homem - Thank you for the reply. Hehehe.. Censya na po kung mahaba. Ganyan talaga ang buhay parang nobela.
Hindi po sila kasal. Naglive in lang po sila at bago pa ko dumating sa relasyon matagal na rin po silang hiwalay. Then nagpakasal nga po kami. True po sabi nyo na nasa custody pa ng ina ng mga bata dahil sa 5 at 6 yrs old lang po sila pero may nabasa rin po kasi ako na pag 8 yrs old na pwede na mag file ang ama kung gusto nito makuha sa custody. Tama ho ba yun?

Like I said po wala po kaso sa amin kung yung asawa ko magprovide financial support sa mga bata. Yun lang sana talagang napupunta sa mga bata. Eh hindi po eh. Ginagamit lang po sa layaw ng ina..

Yung sinasabi mo na pwede na mag-file yung ama para sa custody pag 8 years old na ang bata ay para yun sa mga legitimate children na naghiwalay ang mga magulang. Pero, dahil hindi kasal ang ina ng mga bata sa asawa mo, ang mga bata ay illegitimate at ang karapatan ng custody ay nasa ina. Subalit, kung magagawa ng ama na i-convince ang ina na sa kanya mapunta ang mga bata, yun naman ay pinapayagan ng batas.

View user profile

6 Re: Husband and Child Rights Today at 2:00 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum