Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

The Mistress sending foul txt messages regarding our family

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Meow13


Arresto Menor
Hi Atty,

Magandang araw po. Ako po ay may tiyuhin na kinasal na pero ndi sila tumagal ng asawa niya at naghiwalay rin pero hindi pa annulled yung kasal po nila. Wala rin po silang naging anak nung legal wife.

Then may kinakasama po sya ngayon at nagkaroon po sila ng isang anak. Nagtayo po ng negosyo ang tito ko. ang kapartner nya sa negosyo ay ung pamilya ng kinakasama nya. Nagpatayo narin po sila ng bahay sa tabi ng office nila at dun na nakatira ang lahat ng partido ng kinakasama nya. Naging successful naman po ang negosyo nila at nag-iba n rin po ang lifestyle nila ngaun. Hanggang sa tinuruan po na magcasino ang tito ko ng kinakasama nya.

Ngaun po ay madalas na sila magaway ng kinakasama nya dahil sa pagkalulong ng tito ko sa Casino.

Tuwing magaaway po sila ay laging tinetext ng kinakasama ng tito ko ang mga tita ko (kapatid ng tito ko) at lagi nyang sinasabe na sunduin na daw namin ang tito ko dahil papalayasin na dw nya iyon sa bahay nila. Sa kagustuhan nilang masagip ang tito ko ay pinupuntahan nila ito doon sa bahay. Ngunit pag dating nila doon ay maayos naman sila ng tito ko at ndi sila magkaaway. Ilang beses na pong nangyayari yung ganung insidente.

Hanggang noong March 24, 2013 po ay namatay ang lola ko (nanay ng tito at mama ko) at nilibing po namin sya noong March 31, 2013.

Limang araw mula ng mamatay ang lola ko ay nagtext na naman ang kinakasama ng tito ko at ganun na naman ang sinasabe. Dahil lahat kami ay ndi pa halos makamove on sa pgkamatay ng lola ko ay kinuha n ng mama ko ang responsibilidad na kausapin ang kinakasama ng tito ko, bilang sya ang panganay. Sabi ng kabit ng tito ko sa text na sunduin na dw namin ang tito ko at magnanakaw daw iyon. Naubos na daw lahat ng pera ng kumpanya nila dahil sa pagsusugal. Sinabihan sya ng mama ko na ayusin nila yun dahil labas naman kami sa away nila. Nasaktan lang ang mama ko ng sinabi ng kinakasama ng tito ko na sunduin n nmin ang tito ko dahil baka makita na lang daw namin sya na lumulutang sa ilog pasig.

Nasaktan ang mama ko sa mga masasakit n salitang sinabe ng babae laban sa tito ko. Bgla na rin akong sinangkot ng kabit ng tito ko at sinabihan ako ng pokpok at sexually abused. Doon na nagalit ang mama ko dahil wala namn po akong kinalaman sa away nila pero dinadamay nya ako.

Nung kinagabihan nun ay tinxt ko ang kabit ng tito ko at nagkapalitan kami ng masasakit na salita. Ndi ko lang matanggap na pti ang nakaraan ko ay isusumbat niya sa akin. Sinabihan nya po ako na namimiss ko ba ang pag ano sa akin nung umabuso sa akin. Sinabihan nya rin po ako na malala na dw po ako dahil nasexual abused daw ako at nakakaawa daw ako. may sinabi pa sya sa text nya sakin na kawawa naman daw ako at ndi pa ako magaling kaya magpatingin daw ulit ako sa Psychiatrist or maghanap daw ako ng ibang doctor. Sinabi ko sa knya na move on move on din, pero ang reply nya ay "Hindi ka makakamove on dahil part mo na yan." Inaamin ko naman po na nasexual abused ako nung bata ako pero nakamove on na po ako. Pero shempre masakit po sa part ko dahil binabalik nya ang bangungot na ndi naman tlga nya alam ang totoong ngyare.
Pati ang lola ko na namatay na ay dinamay nya at sinabihan nya na walang naiturong maganda sa tito ko.

Ngaun po ay pinapatigil na kami ng tito ko at pinagtatanggol pa ang kabit nya. Pati po ang mga posts ko sa fb ay pinapakialaman nila. binlocked ko na nga cla pero nakikita prin nila ang fb ko. Nagpost ako na isusumbong ko cla sa totong asawa ng tito ko. At galit na galit sya dun.

Ngaun po ay gusto nilang makipagusap sa amin pero ndi pumayag ang mama ko dahil ang gusto nilang mamagitan sa amin ay ang nanay ng kabit ng tito ko. Sabi ng mama ko napakabias naman daw kung nanay nya ang mamamagitan dahil malamang sa anak nya sya kakampi. Dahil ayaw namin sumunod sa gusto nila idedemanda na lang dw po nila kami.

Ano po ba ang pwede nilang ikaso nila sa amin? at ano rin po ba ang pwede naming ikaso sa kanila? Yun po bang pagpopost sa fb regarding sa totoong asawa ng tito ko ay pwede nilang ikaso laban sakin?

Salamat po! Sana po ay matulungan nyo kami.

View user profile

Meow13


Arresto Menor
May karapatan po ba yung asawa ng tito ko na magsampa ng kaso laban sa tito ko at kabit nya pg nagkataon?

View user profile

attyLLL


moderator
mutual cases of libel, threats, unjust vexation.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum