Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

harassment due to utang

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 harassment due to utang on Mon Apr 29, 2013 3:55 pm

prayers


Arresto Menor
hi po good day, I am new to this forun wherein sobra confused nako at dumating sa point na nag suicide nko dahil sa harassment na inaabot ko dahil sakin utang amounting to 144k. I borrowed money sakin kapitbahay before wayback 2008 not sure of the year dahil matagal ko na to nahiram till now dko pa nabayaran. I used the money for my expenses going to abroad for a work placement fee etc. Nakaalis ako pero pagdating ko sa abroad ee human trafficking pala yun at gawin prostitutes ang mga babae. In that case I ran away at huminge ng tulong sa PHIL. EMBASSY. I was between life and death nun time na nasa abroad ako but naiisip ko utang ko pero umuwe pa din ako. In short dko na nabayaran at minalas ako sa iba bansa. now yun hiniraman ko hinaras ako ultimo sa fb at san ako nag work eh ginugulo ako, pti whole family ko sa fb tinatakot nila na kapag di ako nakabayad eh makukulong ako..di ko na po alam ang gagawin ko willing ako magbayad i want just have peace of mind now ako lng nag ka work ng regular kyo willing naman ako to pay..pls. enlighten me kce yesterday my tumawag sa sister ko at nagpakilala police dw sya at ask san ako nakatira..pls. i need your advice thank you.

View user profile

2 Re: harassment due to utang on Mon Apr 29, 2013 6:00 pm

zymonfrancis


Arresto Menor
wag mo lang pansinin,wala namang na kukulong sa utang e,144k mag pakamatay kana,,wag naman,,kausapin mo nalang ng maganda pag nagka work ka sabihin mo babayaran mo din sila,kausapin mo nalang ng maganda usapan,,wala namang nakukulong sa loan or utang e,basta mag promissory note ka lang pag naka ka pera ka mag babayad,,,

View user profile

3 Re: harassment due to utang on Mon Apr 29, 2013 6:03 pm

zymonfrancis


Arresto Menor
yng natawag nanakot lang yon,hintayin mo kung may warrant arrest ka,,galing sa law firm,kung wala ka naman yatang pirmahan na utang e,,di ka makukulong,,sa utang dami ng ganyan,,ako din din may utang di naman nakulong mas malaki pa dyan sa utang mo e,,,yaan mo lng kausapin mo, e block mo na fb mo,,,

View user profile

4 Re: harassment due to utang on Tue Apr 30, 2013 12:29 am

prayers


Arresto Menor
thank u po sa advice nyo, yun din cnabi aken nun fren kounless na nag issue ako ng bouncing chek estafa na yun at dun ako pwede makulong. meron po ko letter nagawa before pero parang acknowledgement letter lng yun na notarize pero walang certain date na kelan ako dpt mag bayad o due date..at walang nakasaad na interest. kaliwat kanan panankot na kce inaabot ko ee,

View user profile

5 Re: harassment due to utang on Thu May 02, 2013 1:14 pm

prayers


Arresto Menor
di na ko tinigilan ng nanakot saken pti pangalan ng asawa ko ginagamit makuha lng cp num ko at ang sbi nun tumatawag ee taga PNP daw xa. pnu ko po b malalaman kung taga PNP nga yun o sadyang nag BLACK MAIL lng. I still need your advices, sobrang stress nako kapapanganak ko pa lng at operada pko, pagbalik ko sa work mag start ako mag ipon ng pambayad dun sa ngayon wala pko maibabayad..my natatangap ako mga letter dati from law firm in short demand letter kso ignore ko lng dahil ala pa nga ko pambayad. wala naman akom planu magtago dahil unang una alam nila san ako nag work, gulong gulo nako. please i need your knowledge sa mga ganitong bagay. thanks for anyone who can share.

View user profile

6 Re: harassment due to utang on Fri May 10, 2013 1:58 pm

jasongarcia


Arresto Menor
Gud pm po atty,

may ilalapit po ako sa inyo, ganito po yun, nagka-utang po ang wife ko sa co-office mate nya dati dahil, co-maker nya po ito sa loan nya sa company at nagresign na po ang wife ko, sa office mate nya napasa ang pagbabayad,ikakaltas po ito every payroll, bali installment po ang pagkaltas sa officemate nya, ngayon po nagkasundo po na babayaran namin ito kada sweldo sa amount na ikakaltas sa kanya,nasa P 1,615.00 every payrol. Nagkapirmahan pa po sa brgy hall dahil pina brgy nya wife ko sa dahilan na baka di magbayad, ngayon po ang kaltasan sa company ng former officemate nya ay May 11 2013 natapat ngayon po iyon, pero ang sweldo po ng asawa ko ay sa may 15th pa po, nagagalit po sya dapat daw po ay gawan ng paraan, gayung hindi po namin kaya, kasi every 15th-30th lang po talaga magkakaron ng pera pambayad sa huhulugan sa kanya, pwede po ba kami kasuhan dahil sa hindi namin masabayan ang kaltas sa kanya ng company, gayung every 15 & 30th naman kami magbabayad at hindi naman po tatakbuhan dahil usapan na po na babayaran namin, yun nga lang hindi po talaga kaya sabayan kung kelan sya kakaltasan lalo na kung mas maaga sa 15th & 30th, pahingi po ng advice para po magkaron kami ng peace of mind sa problema na ito..


makakasuhan po ba at makukulong ang asawa ko atty?

salamat po wait po namain ang reply nyo..

View user profile

7 Re: harassment due to utang on Wed May 15, 2013 7:52 am

mamita1951


Arresto Menor
Sa inyo naman na me mga utang,sana binabayaran nyo kahit paunti unti
kasi kahit papaano nakatulong din naman sa inyo ung inutangan nyo..Nakakastress din kaya ung me nangutang sa inyo tapos wala namang effort na magbayad..
Oo nga walang nakulong sa utang pero paano na lang kaya kung 1 day need nyo talaga ang money eh di hindi na kayo makautang ulit kasi sira na kayo.Ang pera kikitain pa yan pero ung trust pag nawala,hindi na maibalik un..
Opinyon lang ito galing sa kagaya ko na inutangan at ngayon ay di na nagparamdam yong nangutang..

View user profile

8 Re: harassment due to utang on Fri Oct 07, 2016 5:31 pm

Angge219


Arresto Menor
Gud pm Atty.

2 years ago po eh umalis ako ng biglaan sa tinitirhan namin sa bulacan dahil pinauwi kami ng asawa ko sa probinsiya, may naiwan po akong utang na halagang 2 libong piso at dahil nga biglaan ang alis namin di ko siya nabayaran, pero pagdating ko sa probinsiya ay tinawagan ko ang pinsan ko na nakatira din dun at sinabi ko na sila na ang magbayad dun sa hiniram ko dahil may utang din naman siya saken pati ung nanay nya enough to pay ung 2,000 kasi nga po di na ako makakabiyahe pabalik dun. And ngayon po hndi pala binaaran nung pinsan ko ung nahiram ko kaya after 2 years ginugulo ako nung pamangkin nung inutangan ko. Nag message sa akin sa FB na kung di daw ako magbabayad eh ippost nya ang picture ko sa FB pati na sa buong lugar nila (ung dati kong tinirahan). Hndi pa un natapos kung ano ano ang pinost nya at sinasabi saken sa FB nya ung full name ko at pag nagkita daw kami lagot daw ako sa kanya. Pinost din niya ung picture ng anak kong 6 years old sa FB nya. At nitong huli nga ay nag message siya sa mga kamag anak ko dito sa bago naming tinitirhan at kung ano ano ang sinasabi nya tungkol sa akin, hnggang sa kumalat na dito sa lugar namin. Pati mga anak ko napapahiya kapag pinaguusapan ung mga sinabi nung babaeng nanankot saken. Kung tutuusin po hnd ako sa kanya may utang pero sya ang nananakot saken at gusto nya bayaran niya ung tubong 400 pesos every week. Wala akong pinirmahan dun sa inutangan ko at wala akong intensyion na hndi sya bayaran dahil nga pinagbilin ko yun sa pinsan ko. Pero ngayon kung ano ano pa ang idinadagdag nung pamangking nung inutangan ko kapag nag mmessage sya dun sa mga kamag anak ko. Ung iba ay hndi na totoo. Willing po akong bayaran ung halagang 2000 dun sa inutangan ko mismo pero gusto kong makasuhan ung pamangkin niya na nananakot sa akin at naging dahilan kung bakit pinag ttsisimisan ako dito samen. Ano ano po ba ang pde kong ikaso sa kanya. Salamat po.

View user profile

9 Re: harassment due to utang on Thu Oct 13, 2016 4:06 pm

mommyoftwo


Arresto Menor
Hello po...kailangan ko po ng advice. gulong gulo n po ako. my utang po kc ako ngaun sa aeon and home credit...nung kumuha po ako ng item my work pa po ako.kaya lang ngaun po wala na ako work dahil tinangal ako sa work kc po buntis ako. nkikiusap ako sa aeon at homecredit na bgyan po ako ng time to pay. kaso tinatakot nila ako na pag di ako ngbayad i block nila ako sa nbi at sa lahat ng companies. ang sabi ko po kung gagawin nila un lalu ako di makakbayad kc di ako makakpagwork. ng advice din ako na wag tawagan ung ex husband ko n nilagay ko as reference kc nung last time na tinawagan nila pinuntahan ako ng ex ko sa bahay at binugbog. ang sabi po ng aeon "Ma'am wala kmi pakielam kung mabugbug ka ng ex husband mo, kung binayadan mo utang mo wala tau problema" minsan nakakaoffend kc sinasabihan nila ako na wala sila pakielam khit buntis ako at khit mahospital pa ako bsta bayadan ko utang ko. nkikiusap ako kc buntis ako bgyan ako ng time. sobrang natatakot po ako ngaun. sinabihan din nila ako na mkukulong daw ako. ano po ba dapat ko gawin? salamat po sana my makapansin sa message ko. maraming salamat po.

View user profile

10 Re: harassment due to utang on Tue Nov 01, 2016 6:16 pm

Troubled_Citizen


Arresto Menor
Hi I'm not a laywer pero ang alam ko pwd mong ireport sa bsp ung ginagawa nilang harassment syo. You can check ung website ng bsp para makahingi ng advise on how to stop ung verbal abuse syo ng collector mo.

View user profile

11 Re: harassment due to utang on Wed Nov 09, 2016 12:12 pm

marquezleah


Arresto Menor
Dear Atty.
Meron lang po ako ikukunsulta abt sa nahiraman ko ng 40k, nakabayad na po ako ng 35k, ngyn po kung kelan 5k na lang balance ko di ko po naibigay pa, gusto nya ako singilin ng 50% interest so di po ako pumapayag. dun po nagsimula ang pangaaway nya sakin pumunta sya sa bhay nmin at dun nya ako sinigawan dahil sa ayw ko i-acknowledge yung ganung patakaran nya. Pwde ko po ba sya kasuhan kc napahiya po tlg ako sa mga kapitbahay ko nung time na yun. Pls. Give me advice kc di nmn po ako delinquent payer saknya. Marami pong salamat.

View user profile

12 Re: harassment due to utang on Wed Nov 09, 2016 1:44 pm

Bryan Angeles


Arresto Menor
Good Day po!

First time ko po dito. Sobrang gulo lang po ng isip ko ngayon at instead na magpanic, sinubukan kong kumalma at humanap ng way.

Meron po akong kinuhang TV sa AEON Credit, Natapos po nong July 2016, pero di ko po nabayaran ang last 2 months dahil sa financial problem. So lumobo na po, at nagsisimula na po akong makatanggap ng mga text from different number (pero nagpapakilala naman na taga AEON) Ang laman like, pupuntahan ka namin sa office mo, mapapahiya ka. Pupunta kami sa barangay. Kahit sino naman po siguro kung meron bakit di po bayaran, sa case ko, talaga wala po akong mailabas. Today (Nov 9, 2016) Nakarecieve po ako ng text na from Fiscal's Office daw ng Makati Prosecutor. Ang co-maker ko po ay ang aking boss, kaya nakatanggap din sya at syempre nagalit po saken. Inaamin ko po yon. Pero nong tinagawan ko po ang number na nagpakilalang taga Makati Prosecutor's Office. Naririnig ko po ang background nya at feeling ko halos di sya sure sa mga sasabihin saken, kaya lagi po nya akong hinohold. at may naririnig po akong babae sa background. Nong bumalik na po sya, ang sabi saken tawagan ko daw si ATTY. NEIL MACAPAGAL, tinawagan ko po at same background at yong babae na naririnig ko kanina, naririnig ko ulit. So nagduda po ako na baka part lang ng team nila yon.
Nong sinabi ko pong pupuntahan ko na lang po ang Makati Prosecutor's Office, bigla po sabi saken, wag na. i-settle mo na lang kung magkano ang kaya mo, kailangan lang namin ng commitment mo. Sabi ko sa 15 pa ang sahod (Tuesday) Sabi nya sige ibigay mo na lang muna ang 5k today at sa 15 na ang 10k. Ang sabi ko po, pwede ko po ba muna makita ang breakdown ng babayaran ko, umabot na po kasi sa 15k. 2 mos na di nabayaran (2,300 per month) pano po umabot ng 15k, ang sabi saken, buti nga di ko na nilagyan ng iba pang charges yan, i settle mo today para di na i serve ang summon mo.

Ano po bang pwede kong gawin? Babayaran ko naman po, pero hindi agad2, pwede po kaya akong humingi ng iba pang terms? Kasi feeling ko na harassed po talaga ako, kasi nanganganib na po work ko dahil nadamay po ang Boss ko (aminado naman po ako sa pagkakamali ko) Pero possible po akong mawalan ng work dahil sa ginawa ng AEON Credit. Sana po matulungan nyo ako. Salamat po. God Bless.

View user profile

13 Re: harassment due to utang Today at 1:53 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum