Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Mana - Properties

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Mana - Properties on Wed May 01, 2013 1:55 am

MJ_12


Arresto Menor
Hello! Sana po may may makatulong sa akin at makapag bigay ng advice tungkol sa hinaharap naming problema.

Ako po ay naulila na ng aking ama. Anak ako sa unang asawa. Matagal na silang hiwalay ng aking ina at nagkaroon po ng pangalawang asawa ang aking ama ngunit nagkahiwalay din po. Kasal po ang aking ama sa akin ina. Nakapag produce po ako ng marriage certificate nila. Nagtataka lng po ako e kung papaano nakasal ang aking ama sa pangalawa niyang asawa. Nagkaroon din po sila ng marriage certificate. May naiwan pong properties ang aking ama na sa kasamaang palad e hindi po nya naayos kung kanino mapupunta. Eto po ang aking mga katanungan:

1. Totoo po bang pwede ipa VOID or ipawalang bisa ang marriage certificate ng aking ama sa pangalawa niyang asawa since mayroon din pong marriage certificate ang aking ama sa kanyang unang asawa (aking ina)?

2. Sibubukan po naming ilipat sa aking pangalan ang mga lupain ngunit sabi po ng bangko, kelangan daw po makita nila personally, as in kailangan po nilang makita mismo ang aking ina upang pumirma at magawa ito. Ang nanay ko po ay nasa amerika at isang TNT. No way at ayaw din po nyang umuwi ng pilipinas. Ang tanong ko po, kung hindi po namin mapauwi ang nanay ko para pumirma sa paglipat ng pangalan ng lupain, ano pa po ba ang pwedeng paraan na hindi na po kinakailangan ng aking ina na umuwi?

Maraming salamat po at sana may makasagot sa aking mga katanungan...

View user profile

2 Re: Mana - Properties on Fri May 03, 2013 6:23 pm

hustisya


Prision Correccional
1. I-check mo ang Authenticity ng Marriage Certificate ng Tatay mo at ng Pangalawang Asawa nya sa City Civil Registry sa kung saang Lugar sila Kinasal. Kasi Di mo alam kung yung Certificate na pinapakita ay Totoo o Peke. Pwede kang magsampa ng kaso sa korte para ipa void ang Kasal nila gayong ang iyong Ina ang tunay na asawa, sapagakat hindi maaaring ikasal ng dalawang beses ang isang taong kasal na pwera na lang kung ang kasal nila ng nanay mo ay "Annulled" na.

2. Nasaan po ba yung mga Orihinal na Dokumento ng Lupain? Nasa inyo po ba?(Kagaya ng Titulo, etc.)At bakit po ba sa Bangko nyo inililipat yung Lupain? Ang ahensyang may karapatan lamang po na mag proseso sa paglipat ng lupain sa inyong pangalan ay ang Registry of Deeds.
Kung ayaw po umuwi ng Nanay mo para pumirma ng mga Dokumento, ang tanging paraan lamang po ay ipadala nyo sa kanya ang mga Dokumento para ito ay kanyang mapirmahan at palakipan nyo po ng isang Validong Identification Card na may Pirma nya kung ito ay ipapadala nya na pabalik sa inyo para ma check o kaya makumpara ang kanyang pirma.


Sana po ay Nakatulong ako. Gabayan po kayo lagi ng Panginoon.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum