Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

I really need help po......

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 I really need help po...... on Tue May 14, 2013 1:49 pm

shengzkie


Arresto Menor
Good Morning po sa lahat. Nais ko pong ibahagi ang sitwasyon ko ngayon. Magpapakasal po kase ako. Parehas po kami ng sitwasyon na me mga anak sa nauna naming karelasyon but di po kami kasal sa mga una naming kaparehas. Ngayon po naghahabol yung nanay ng mga anak nya at nabalitaan po namin na nagsampa ng reklamo na abandonment sa ka partner ko. Hindi naman po xa nagpapabaya. Honestly po itong month ng May xa hindi nagpadala kase po me nabasa kaming post nung babae na hinding hindi nya ipapahiram ang bata sa kanya. Sa tagal po ng panahon na wala na sila hindi po ipinahihiram ang bata sa pamilya ng kapartner ko. Naisip po ng kapareha ko na sa pamilya nya ipadala ang pera para po makitang ok ba ang mga bata pero ayaw pong pumayag nung babae. So hanggang nagyon po hindi pa din kami nagpapadala. Nabalitaan na lang po namin na nagsampa daw po ng kaso na abandonment at regarding sa sustento. Although hindi po sila kasal naka apelyedo po sa ka partner ko ang mga bata bilang xa ang tatay. Nandito po kami ngayon sa abroad. Humihingi po kami ng payo kung ano po ang dapat at magandang gawin. Meron po kaming mga proof na nagpapadala naman ang kapareha ko sa mga anak nya monthly maliban po sa transaction records meron din pong mga text messages ng control number para sa kanila. Isa pa po nag-aaral po ang babaeng sinsabi ko sa inyo. Ang gusto lang naman po namin at mapunta ang pera sa mga bata talaga at hindi para gamitin nya at hihingi na lang ng hihingi sa amin dito. Ayaw naman po namin na magulo kami dahil maganda at maayos naman po ang trabaho namin dito and ilang araw na lang naman po ay ikakasal na kami.

Nagpapasalamat na po ako agad sa kung sino man ang magbibigay payo o komento sa aming sitwasyon.

Salamat po at mabuhay po tayong lahat!

View user profile

2 Re: I really need help po...... on Tue May 14, 2013 2:37 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Hindi importante kung derektang sa nanay ng bata or sa magulang ng partner mo ipinapadala ang pera. ang mahalaga ay naibibigay ang nararapat na suporta para sa bata. sinakapin ipunin ang mga resibo nung mga perang ipinadala nyo para sa bata, magiging malaking tulong yun para sa partner mo para patunayan na hindi siya nagkukulang sa tungkulin niya para sa bata. at kung sa magulang niya papadala ang pera, siguruhin nila na may pipirmahan ang nanay ng bata katunayan na tinatanggap niya ang pera.

View user profile

3 Re: I really need help po...... on Tue May 14, 2013 2:56 pm

shengzkie


Arresto Menor
maraming salamat po Smile opo nasa amin po ang mga resibo ng mga naipadala thru western union, cebuana / lhuillier. At humingi na din po kami ng bank transaction para po makumpleto lang po ang mga dokumento na hawak namin. ang isa pa pong katanungan ko. Ano po ang maari nyang gawin since nandito po kami sa abroad at di pa xa maharap personally ng kapartner ko? Pwede po bang mag authorize ang kapartner ko like mother nya para yun muna ang humarap upon his absence kung magpapatawag dahil sa kaso?

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum