Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Human Traficking Allegation

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Human Traficking Allegation on Tue May 14, 2013 6:17 pm

loveneverfails


Arresto Menor
Hello po,

Good day everyone. Gusto ko lang sana magask ng legal advice about my mother's case. We're living in Tondo, and doesn't really have a nice living conditon. But anyway, my mom has been working with this bar in Avenida for months, it was just fairly new. The bar has dancers and girls na puwedeng i-table. Naging kaclose ng mom ko ung may ari, but last May 4, niraid ung bar and kasama mama ko sa mga nadetained. They found out that it has something to do family feud. Bale ung mayari (Maricel) may feud sa relative nya who happens to own a bar too. Walang kaso as what I've learned since may mga license and walang minor sa mga girls. But there are these 4 girls na nagsign dun sa statement na gawa ng pulis stating that nilalasing daw sila at pinaghuhubad... so in the end Human Traficking ang kinaso but walang evidence. And according to those girls based on the personal interview sa kanila ng mama ko, or probably hearsay, binayaran daw sila at ung mga pulis nung kamag anak nung Maricel na kaalitan nya.

Walang naghuhubad sa bar, yes may mga sumasayaw. And my mom works there as Floor manager. Nagbayad na ng 70K ung Maricel kasi yun daw ang inaask sa kanila ng mga Pulis.

Nakakalungkot na nagcelebrate mama ko ng Mother's day sa City hall detention, and eto mahirap kasi mga bata pa mga anak nya sa 2nd husband and its now school year.

My questions are;

Damay ba talaga si mama kung hindi naman xa mayari and trabahabor lang din xa? Kaclose nya kasi ung Maricel kaya nadamay sa Family feud.

Anong chances na lumaban kami given na walang bail ang Human traficking at wala naman kaming pera.

Sa ngayon andun pa rin sila sa City hall pero yung apat na girls, lumaya na the 1st night pa lang. Ang sabi, kapalit ng kalayaan nila is dapat mag statement sila againts my mother and dun sa Maricel.

Sana I can get some advice from here, medyo nakakastress kasi. Mahirap pag wala ang nanay sa bahay Sad Specially na maliliit pa yung mga bata.

Salamat po.

View user profile

2 Re: Human Traficking Allegation on Thu May 16, 2013 8:37 pm

loveneverfails


Arresto Menor
Update lang po:

Nabasa ko po ang statement ng isa sa mga babaeng nahuli. Ito po pala ang mga pangyayari.

Nung May 4, nangyari ang raid at lahat nahuli kasama ang mama ko. Walang malinaw na basehan kung bakit may raid dahil legal at may mga lisensya ang mga babae. Kakapasok lang po ng mama sa trabahong ito. Bago pa man sya dumating, andun na po ang mga babae. Sa salaysay po ng isa sa kanila. Nung gabing iyon, pinalabas ang mga babaeng nahuli dahil wala naman daw pong menor de edad sa kanila pero naiwan ang mama ko at yung kasama nya ngayon na itago natin sa name na Maricel. Dun po napag alaman na pinilit ang ilan sa mga babae na gumawa ng salaysay na pinilit, nilalasing at pinaghuhubad sila ng mama ko at nirecruit daw po sila. Ginawa daw po ito para palayain ng mga pulis sila. May ideya po kami na pera ang nasa likod nito, dahil naglabas na daw ng mahigit 70K ung Maricel para mapalaya sila, ngunit andun pa rin po sila ss City Hall, CHAPA. Yun din po ang nakakapagtaka, mahigit 2 weeks na po sila dun at wala pang malinaw na resolusyon. Dun po sa nilagdaang statement ng isa mga nahuli, sinabi nya po na walang recruitment na nangyari sa pagitan nila at ng mama ko. At wala rin pong sapilitang pagtratrabahao ang nagaganap, lalo na ang paghuhubad dahil isang maliit na videoke lang po ang lugar. Andun na po ang mga babae bago pa magtrabaho dun ang mama ko. Ang sabi nila, may taong galit sa Maricel, yun daw po ang dating pinapasukan ng Maricel kung saan nagwaldas ito ng pera. Nagtratrabaho po bilang guro ang mama ko sa barangay namin pero dahil sa kakulangan, kinuha nya ang trabahong ito. Sa ngayon, may hearing na daw pero nanghihingi pa po ng additional 20k ang mga pulis. Hirap po ang buhay namin kung kaya hindi namin alam kung saan kukuha ng pera. Gusto ko po sana ilapit ito sa kinauukulan para mabigyan ng pansin at huwag ng tumagal pa si mama dun pero hindi ko po alam kung saan. Salamat.

View user profile

3 Re: Human Traficking Allegation on Sat May 18, 2013 7:31 pm

attyLLL


moderator
have they filed the case at the prosecutor's office? was there arraignment or it was scheduled for prelim investigation?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

4 Re: Human Traficking Allegation on Sat Jun 01, 2013 6:55 am

loveneverfails


Arresto Menor
The night na dinala po sila sa CHAPA, sabi nainquest na raw sila (that was May 4 and until now (June 1), nasa CHAPA pa rin sila) Yung mga babaeng kasama po nila, pinalaya and pinapirma sila ng mga pulis. Then days after that, niretract po ng mga babae ung statement nila, stating that they were forced to sign the papers as the police told them so they can go right away. And nasamin din yung papers na pinirmahan ng mga babae na walang recruitment or human traficking na naganad. They were there even before my mother worked and were on legal age.

Papalabasin na daw po sana sila nung May 17 at willing maglabas ng 20k yung kasama ni mama pero may pumigil po at sabi rerepasuhin ulit ng judge yung kaso. At hanggang ngayon wala pa rin pong malinaw. May lawyer po sila pero isa din po yung sinasabi na kailangan ng pera. Hindi ko po alam kung saan kami lalapit pa. Kasi wala naman pong malinaw na kaso. Kung Human Traficking po, nagooperate pa rin yung Videoke bar hanggang ngayon. Walang close order at may nilagdaang statement na ang mga babae. Ang huling sinabi po sa amin ng lawyer (Bale isang lawyer lang po ang may hawak kay mama at dun sa kasama nya na may ari ng bar), magantay pa daw po ulit ng 15 days dahil rerepasuhin ulit ng judge.

Ano po ba ang dapat na gawin namin? Gusto ko ng lumapit sa mga media pero hindi ko po alam kung papaano. Hanggang ngayon nasa CHAPA sila. Pasukan na at yung mga anak nya na nagaaral po, nagaantay sa kanya.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum